Kabanata 21
Christopher's Point of View
"So, mag-asawa na talaga kayo?"
Nakasandal si Foina sa gilid ng pader ng dressing room, nanlalaki ang mga matang may bahid ng luha habang nakatitig sa akin.
"Yeah. Magsisix-months na din kaming kasal," maikli kong sagot, pilit na pinatitigas ang aking boses kahit pa may kung anong kirot sa dibdib ko.
"But . . . Akala ko ba ako ang mahal mo? Akala ko ba ako ang pakakasalan mo? Akala ko ba ako lang, Christopher? Bakit ka nagpakasal sa iba?!" Maiyak-iyak na ang tono ng boses niya, ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakakuyom sa kanyang palda.
"Foina, totoo lahat ng sinabi ko sa iyo. Ikaw naman talaga ang plano kong pakasalan," pagpapakalma ko sa kanya, humakbang ako ng isang beses palapit para hawakan sana ang kamay niya.
"Pero asawa mo na siya ngayon! May magagawa ka pa ba doon?!" Bulyaw niya sa akin, mabilis na iniwas ang kanyang kamay.
"Kaya nga nag-file ako ng annulment, 'di ba? Dahil hindi ko siya gusto. Ginagawa ko naman ang lahat para maayos ito."
Napa-singhal si Foina, biglang nagbago ang ihip ng hangin sa kanyang mukha. Nawala ang nagbabadyang luha at napalitan ito ng iritasyon. "Psh! Eh, hindi niya naman 'yan pipirmahan, eh! Nakakainis ka naman, Christopher! Paano naman ako? Sino na ang bibili ng mga gusto kong gamit ngayon kung nakatali ka sa babaeng 'yon?"
Napakunot ang noo ko sa narinig. Bahagyang nabawasan ang guilt na nararamdaman ko. "Foina, hindi 'yan ang mahalaga sa sitwasyon natin dito."
"Pero 'yun ang importante sa akin! Maghiwalay na tayo. Let's break up," deklarasyon niya, walang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata.
"What?!" Nauntami ako sa sinabi niya.
"Hindi ako makikipagbalikan sa iyo hangga't hindi pa kayo tuluyang annulled ng babaeng 'yon. Kaya kung mahal mo talaga ako, gumawa ka ng paraan para papirmahin mo na siya agad!"
"Hindi ganoon kadali ang proseso, Foi!"
"It's your choice. Kung gusto mong balikan kita agad at maayos tayo, maghiwalay na kayo . . . at sa akin ka makikipag-live in pagkatapos."
Tinalikuran niya ako at mabilis na lumabas ng dressing room, marahas na isinara ang pinto. What the hell! SERIOUSLY?!
Napahawak ako sa aking buhok at napasandal sa salamin. Tang-ina lang! Kailangan ba talagang humantong sa break-up ang lahat ng ito? Psh! Ganoon na lang ba kadali sa kanya na itapon ang dalawang taon na pinagsamahan naming dalawa para lang sa isang pirasong papel? Putangina lang talaga.
Lumabas ako para sa itinakdang photoshoot para sa isang lokal na brand, ngunit mas lalo lang nabanas ang sistema ko. Sa gilid ng set, kitang-kita ng dalawa kong mata kung paano agad dumikit si Foina sa bagong male model na nakuha ng management para sa araw na ito. Tawa siya nang tawa habang nakahawak sa balikat ng lalaki, halatang ginagawa 'yon para makita ko. Tang-ina lang talaga, ang sarap manapak. Gago.
Cassiopeia Mikael's Point of View
Pagkatapos ng huling klase ko sa Filipino ay nagpasya na akong umuwi agad ng bahay. Bagsak ang aking mga balikat habang naglalakad papasok ng gate. Wooooh! Nakakapagod din palang maging estudyante na sabay na nag-iisip para sa pamilya at sa acads.
Pagkaakyat ko sa itaas, kaagad akong pumasok sa kwarto namin ni Christopher para sana magpalit ng komportableng damit. Subalit bago ko pa man maibaba ang aking bag, natigilan ako nang maabutan ko siyang nakaupo sa gilid ng kama. Hawak niya ang isang baso, at sa tabi niya ay may dalawang bote na ng matapang na inuming may alkohol.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS)
RomanceHe's handsome, freakin' hot, snob, cold, campus hearthrob, model, popular. Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kanya kahit sa unang tingin? Sinong babae ang hindi sya papangarapin? He always make fun of me. He doesn't want to know others that he...
