Kabanata 40

158K 2.9K 227
                                    

(A/N): Si Deejay 'yang nasa itaas! ☝

Kabanata 38

Cassiopeia Mikael's Point of View

"Wifey, wake up, it is too late for our breakfast. Mag-aayos pa tayo ng gamit dahil uuwi na tayo sa atin. Matutulog ka na lang ba riyan?"

Bakit ba ang ingay nitong si Christopher? Kita nang inaantok pa ako, eh.

Ang sakit pa ng buong katawan ko.

Ano bang pinaggagagawa ko kahapon at pagod na pagod ako?

"Wifey, gusto mo bang buhatin pa kita pababa?" Rinig ko pang sabi niya.

"Inaantok pa 'ko, Hubby. Mauna ka nalang kumain, masakit ang katawan ko." Sabi ko sa kaniya.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at saka bumulong.

"Napagod ba kita kagabi? Sorry, Wifey."

Fuck.

Sinilip ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot.

Wala akong anomang suot na damit.

Natulog akong ganito?!

Nakuha na niya ang pinakaiingatan?! Baka naman panaginip lang 'to?

Kinurot ko ang sarili ko nang mariin.

"Ouch!"

Gosh! Hindi ako nananaginip.

"Wifey, anong ginagawa mo sa sarili mo?"

Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Medyo masakit yung ano ko.

So, totoo nga talaga iyon!!!

"Wifey, tulog ka pa rin ba?" Tanong pa niya sa akin.

Holy mother of sweet monkey cake! Hindi ko alam kung anong ire-react ko.

Siyempre masaya ako kasi nakapag-honeymoon na kami.

Ano kayang magiging reaksiyon ni Desiree kapag nalaman niyang hindi na ako birhen?

Myghad! Feeling ko mamumula at mamumula ako kapag naikuwento ko 'yon.

No way for that! As in never kong ikukuwento!!

"Mukhang nasa langit pa nga rin ang utak mo ngayon, Wifey, hahatiran na lang kita rito ng almusal, okay?"

Napatingin ako kay Hubby ngayon. Bagong ligo siya at walang pang-itaas. Wet look ang lolo niyo!

Tokwa, nai-imagine ko palang yung kagabi kinikilig na ako kaagad!!!

"Bababa na ako." Paalam pa niya sa akin.

"H-Hindi na, bababa na rin ako. Mauna ka na doon, maliligo lang ako saglit."

"Hihintayin na kita rito."

"H-Huwag na! Lumabas na," Nakangusong sabi ko sa kaniya. "Baka silipan mo pa ako rito kita namang wala akong damit."

"Nakita ko na kaya ya—"

"Wooooooooooooooy!!! Huwag mo nang ituloy, Hubby, please." Nagtago ako sa kumot dahil sa sobrang hiya. "Lumabas ka na roon!!!"

"Anong nakakahiya? Napatunayan kong sexy ka at hindi flatchested, Wifey." Pang-aasar pa niya sa akin.

"Shut up, please, shut up!!!" Parang naiiyak na ako sa sobrang hiya. Ang lakas talaga mang-asar ng isang ito.

Narinig ko siyang tumawa. "Sige na, hindi na. Hihintayin na kita sa ibaba, Misis Andrada. Mahal kita."

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon