Kabanata 4
Cassiopeia Mikael's Point of View
Buong araw akong nagmukmok. Hindi na nga ako nakinig sa mga professor namin e. Grabe lang talaga siya magsalita. Sabihin na nating ayaw niya talaga sa akin, pero sana naman hindi siya ganon magsalita sa 'kin, diba? Hindi man lang niya iniisip kung ano yung mararamdaman ko.
♪Cause all of me, loves all of you.
Love your curves and all your edges,
All your perfect imperfections♪Biglang tumunog yung ringtone ng cellphone ko.
Calling...
Desiree Salvador"Hello?" Medyo walang gana kong sabi.
"Bakla, lumabas ka bilis! Pumunta tayong photoshoot ng asawa mo." Halata pa yung excitement sa tono niya.
"Ayoko." Hindi man lang ako nagdalawang-isip sa pagsagot ko. Matapos niya akong sabihan ng masasakit na salita, I doubt myself kung may oras pa akong suportahan siya.
"Tsk, Sige na. Don't tell me na magmumukmok ka lang diyan? Hwag mo masyadong dibdibin 'yon, okay? At saka, may gusto din kasi akong tignan don, please? Pretty please, pumayag ka na. Kung ayaw mong panoorin ang asawa mo, samahan mo na lang akong magboy-hunt ng bagong model don."
"Ginagamit mo lang ako, e. Nagtatampo nga 'ko kay Chris, diba?"
"Alam ko naman 'yon, bakla, e. Hindi na kita ipupush sa kanya, fine. But knowing you, mamaya lang ay wala na yang galit mo sa kanya. Kaya habang galit ka pa, tara na at palipasin natin 'yang galit na 'yan."
Tama. Hindi naman makakatulong sa akin kung kikimkimin ko lang 'tong galit ko na 'to.
"Okay. Sasama na ako pero hwag mo akong ipagtutulakan kay Chris, ha?"
"Shocks, sure!!! Thankyou, baklaaaaa!!!"
Pagkatapos ng tawag, agad-agad akong nag-ayos ng sarili. Ang haggard kasi ng mukha ko kakaiyak, jusko.
Nagpunta na kami sa shoot. Medyo malapit lang pala ang venue nila. Maraming nanonood at nagnanakaw ng pictures dahil sa mga naggagwapuhan at naggagandahang mga modelo. Syempre, kasama na roon ang asawa ko. Numero unong pambato kaya ng school yon.
Nasa medyo tago kaming pwesto. Ewan ko ba dito kay Desiree, baka raw mahalata siya ng crush niya. Nagiging stalker tuloy ang ganap namin dito.
Maya-maya, lumabas na ng dressing room si Christopher kasama ang manager niya. Napakagwapo niyang tignan sa suot niyang white fitted v-neck shirt at sa faded jeans. Ang simple simple pero nagagawa niyang dalhin nang maayos. Ang saya-saya niyang tignan habang kausap ang Manager niya. Yung pagtawa niya, hindi niya pa naipapakita 'yon sa 'kin. Ano kayang feeling kung ako ang maging rason ng pagtawa niya? Napakasaya siguro sa puso't pakiramdam.
Habang nakasalang si Chris ay walang sawa yung manager niya sa pagpuri sa kaniya. Kesyo ang gwapo, ang galing, ang perfect etchetera etchetera. Napakaewan! Over supportive. Manager lang pero kung makareact, parang girlfriend.
"Very good, Chris! Ang hot mo talaga. Kaya alagang-alaga kita, e." Nakangiti at pumapalakpak pang sabi ni Foina.
Kapag sinabuyan kita ng mainit na tubig, you will also feel hot. Ugh! Naiinis tuloy ako sa kaniya kahit na hinangaan ko siya dati.
Pose dito, pose doon. Habang pinagmamasdan ko si Chris, feeling ko pagwapo siya nang pagwapo. Parang gusto ko nga siyang lapitan don at sumama sa shoot kaso hindi pwede dahil alam kong itatapat pa lang ang camera sa 'kin, mababasag na 'yon kaagad. Hindi naman kasi ako photogenic. Maganda lang talaga. :P
Pagkatapos ng shoot, akmang papasok na sila Chris at Foina sa dressing room nila nang maglakas-loob akong lumapit at tawagin siya.
"Hubby!" I said with a smile.
Lumingon naman siya at nang makita niya 'ko, biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya na mula sa pagkakangiti naging blangko.
"What are you doing here?" Inis na tanong niya.
"Inaya kasi ako ni Desiree dito, e. Napanood ko yung shoot niyo at ang galing mo."
"So?"
Napatahimik ako sa tanong niya. Kailangan bang may explanation?
"S-Sabay tay-mmm"
Tinakpan niya yung bibig ko at saka bumulong.
"Shut your fvcking mouth."
Tumango naman ako bilang pag-okay.
"Excuse me, sino siya?" Foina asked
Mataray akong humarap sa kanya. "Im Cassiopeia Mikael Sandoval-Andr-"
"Pei Sandoval. Don't mind her, she's just a fan."
Fan?
Hindi niya man lang ako ipakikilala bilang asawa niya?
Ay. Oo nga pala, ayaw niya nga pala ipaalam na kasal na siya.
"I see," tapos ngumiti na naman siya. "Let's go?"
"Sure."
Hinawakan siya ni Chris sa bewang at sabay silang naglakad paalis. Kumaway pa sa 'kin si Foina bilang pamamaalam. At ako? Ayun pinabayaan at iniwan niya na lang. Hindi man lang ako nilingon.
"She's a died-hard fan, no? She even called you 'hubby'" Bulong pa ni Foina.
"That's how pathetic she is."
Nong una, cheap. Ngayon naman, pathetic.
"Bestfriend, shit lang! Ang cute na, ang pogi pa ni Gabriel Concepcion. Hindi pala siya snob. As in super friendly! May picture na nga kami, o." Kinikilig pang sabi ni Desiree.
Itinapat niya sa mukha ko yung cellphone niya para ipakita yung sinasabi niyang picture nila but she noticed that I'm not in a mood para kiligin din.
"Let's go home, Desiree. Napagod kasi ako, e. I think I need to rest." Pagpapalusot ko na lang.
What's wrong with him? Bakit palagi niyang ipinapakita sa 'kin na balewala lang ako sa kaniya? Bakit ayaw niya akong bigyan ng chance? Kahit huwag muna yung chance na mahalin niya ako. Kahit kilalanin na lang muna.
I just got home, hubby. I know that you don't care but atleast sinabi ko sa iyo. Take care. Text me kung uuwi ka rito, please? Hwag ka nang mainis sa akin, please. -Sent
Pagkauwing-pagkauwi ko, nagluto kaagad ako ng makakain para sa sarili ko. Baka kasi hindi umuwi si Chris at masayang lang yung pagkain kagaya ng nangyari kagabi. Hindi naman kasi siya nagreply sa text ko kaya baka hindi siya uuwi.
Passed 9:00PM, nanonood ako ng movie sa sala. Miracle in cell no.7 yun. Umiiyak na ako sa sobrang sakit ng kwento nang biglang bumukas ang pinto.
Hala, uuwi pala siya.
Tumayo kaagad ako at saka siya sinalubong pero dinaanan niya lang ako. Parang wala siyang nakitang tao. As always. Pilit kong pinaniniwala ang sarili ko na pagod lang siya at wala sa mood magsalita pero ang totoo ay ayaw niya naman talaga sa 'kin at sadya naman talaga na hindi niya 'ko pansinin.
Nagpunta siya sa kusina at naghanap ng makakain. Pero dahil nga para sa 'kin lang ang niluto ko kanina, walang natira para sa kaniya. Palpak na naman ako, kaasar. Mukhang galit na naman siya.
"Anong balak mong ipakain sa 'kin, hangin?!"
"Pasensya na, hubby." nakayukong sabi ko "hindi ko kasi alam na uuwi ka, e. Hindi mo naman ako tinext kaya akala ko hindi ka talaga uuwi dito. Hindi tuloy kita nalutuan pero hwag kang mag-alala, ipagluluto kita. Wait lang, saglit lang 'to."
Naghanda kaagad ako ng mga gamit para sa pagluluto.
"Tss, wala ka talagang kwenta." Umakyat siya sa taas at dumiretso sa kwarto niya. Itinuloy ko naman ang pagahahanda ng pagkain niya.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS)
Teen FictionHe's handsome, freakin' hot, snob, cold, campus hearthrob, model, popular. Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kanya kahit sa unang tingin? Sinong babae ang hindi sya papangarapin? He always make fun of me. He doesn't want to know others that he...