Kabanata 32

176K 3.7K 869
                                        

Kabanata 30: You're Just an Ex!

Cassiopeia's Point of View

Mabilis na tumakbo ang oras at hindi ko na nahabol. Ems! Hahahahaha. Pababa na ako ngayon sa hagdanan. Pupunta kasi ako sa lobby para na nga makipagkita sa asawa ko.

Saan kaya magsu-shoot ngayon sila Hubby?

"Girls, look! Sino kaya ang hinihintay ni Baby Chris sa lobby?" Tanong pa ng babaeng nasa harap ko.

"Baka girlfriend niya."

"Baka yung manager niya."

"Girlfriend niya nga! Tanga naman nito."

Break na kaya sila at ako ang hinihintay niya riyan!

"He smiles at me. I am gonna die!" Kinikilig-kilig pang sabi ng isang babae.

Go die, I'll support you. Hmp!

"He's looking at me." Sabi ng babaeng nasa unahan ko at talagang hinahampas-hampas ang braso ng isa niyang kasama dahil sa pagkakilig.

"Wifey!" Nakangiti pang tawag sa akin ng asawa ko.

"Gosh! He even called me Wifey!!" Hindi pa ring tumitigil na sabi ng babae.

"Hubby!" Malakas kong tawag na ikinatingin naman sa akin nung dalawa.

Binilisan ko ang paglalakad ko para malampasan sila.

"Sorry, medyo natagalan ako." Sabi ko pa.

Kinuha ni Christopher ang bag ko na nakasukbit sa balikat ko.

"It's okay. Let's go?"

Tumango ako sa kaniya habang nakangiti.

Iniakbay ni Hubby ang kamay niya sa balikat ko at pumunta na kami sa parking lot.

At ang mga tao sa lobby ay hindi po makapaniwalang ako ang hinihintay ng lalakeng ito.

Bumiyahe kami papunta sa lugar kung saan gaganapin ang shoot. Sa tagal nga ng biyahe ay hindi ko na namalayang nakatulog pala ako.

"Wifey, wake up. We're here." Rinig kong sabi ni Hubby.

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at halos mapabalikwas pa ako nang makitang halos isang inch na lang ang layo niya sa akin.

"Tara na. Kanina pa nila ako hinihintay roon, eh."

"O-okay. S-sige."

Bago niya inilayo ang mukha niya sa akin, ay idinikit niya ang dulo ng ilong niya sa ilong ko saka niya iyon hinalikan.

"Let's go."

Lumabas na kami ng sasakyan at pumunta na sa mga kasama niya.

Noong nakita naman kami ni Foina ay kaagad na lumapit siya kay Christopher at..,

What the fuck?!

Bakit niya hinalikan sa lips ang asawa ko?!

"Foina, ano ba?!" Inis na sabi ni Hubby bago niya itinulak palayo ang manager niya.

"Oopps, I am sorry! Nasanay kasi ako, you know naman na two years nating ginagawa iyon, di ba? Maiintindihan naman siguro ng asawa mo. Right, Mikael?" Nakangiti pang sabi niya.

Eh kung sampalin kaya kita ng dos por dos sa mukha, maiintindihan mo kaya?!

Hindi ko nalang siya sinagot. Naiinis ako, obviously!

"See? Come on Baby, magpalit ka na."

Hinihila na niya si Christopher papunta sa dressing room pero kumalas ang asawa ko at lumapit sa akin.

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon