Kabanata 12

177K 4.4K 436
                                    

Kabanata 12

Cassiopeia's Point of View

Mabilis na lumipas ang mga araw, at ito nga, semestral break na. Kaya nga lang, hindi natuloy ang plano naming magkakaibigan na magbakasyon nang sabay-sabay. Paano ba naman kasi, may kanya-kanya kaming lakad kasama ang mga pamilya namin.

"Anak, hindi ka pa ba tapos d'yan?" Sigaw ni Mommy mula sa ibaba.

"Pababa na po ako, Mommy!" Pasigaw ring sagot ko sa kanya.

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay bumaba na 'ko kaagad. Kanina pa kasi sigaw nang sigaw si Mommy, masyadong excited para sa outing.

Simple lang ang isinuot ko. Nagsuot ako ng simpleng white hanging blouse na hanggang kalahati ng tiyan na tinernuhan ng black high waist na short, tapos rubber shoes. Nagsuot din ako ng sun glasses para full package na at feeling summer kahit na magnonovember pa lang at uso ang mga bagyo.

Binitbit ko na ang malaki kong bag na naglalaman ng napakarami kong pamalit na damit. Pupunta kasi kami ng Boracay nila Christopher kasama ang mga magulang namin.

"Ready na po ako!" Masiglang sabi ko nang makababa ako.

Sumakay na kami sa van. May kalayuan din ang biyahe kaya naman hindi maipagkakailang nangawit ang puwetan ko roon.

Pagkarating namin doon ay nag-ayos na kami kaagad ng mga gamit. And guess what? Magkasama kami sa iisang kwarto ng aking asawa!!

Ituturing kong sign ito ng Lord para pagsamantalahan si Chris! Ay mali, joke lang pala hehehehe.

"Hoy, anong iniisip mo d'yan?" Tanong sa 'kin ni Christopher habang inaayos niya ang paghihigaan namin mamaya.

"Wala." Pinagpaplanuhan ko lang kung paano ka pagnanasaan mamaya.

Shem, ang harot ko ngayon nang kaunti, ha.

"Ang dumi ng isip mo, Pei."

"Madumi ka riyan? Bakit, alam mo ba kung anong iniisip ko ngayon, ha? Mind-reader ka na ba ngayon? Ha? Ha?"

"Halata kasi sa facial expression mo na may masama kang balak sa 'kin. Kung ako sa iyo, hindi ko na itutuloy 'yan."

"Baklang 'to, pumi-facial expression pa." Bulong ko sa sarili ko.

Nagulat ako nang makita ko ang pagguhit ng isang ngisi sa mga labi niya. "Is it your way para halikan kita ulit?"

Don't tell me, hindi niya pa nakakalimutan ang isang 'yon?!

"Ay, parang ang init dito, ano? Lalabas nga muna ako, parang ang saya doon sa dagat, eh." Pag-iwas ko sa usapan at saka ako tumakbo palabas.

Kinikilig pa rin kasi ako kapag pumapasok sa isip ko yung halik na 'yon. Ayoko namang mahalata niya ang pamumula ko.

Nagpalit na ako ng swim suit. Black and white ang kulay niya. One-piece ang style niya na may butas sa magkabilang gilid ng bewang. Hindi ko kasi alam ang tawag sa ganitong swim suit. Ang hirap tuloy ipaliwanag. Pasensya na.

"Boracay, here I aaaammmm!" Nagtatatakbo ako papunta sa dagat nang bigla akong tawagin ni Mama Sophia.

"Anak, magpahid ka muna ng sunblock para hindi ka masunog sa araw."

Napakamot pa ako sa ulo ko bago muling bumalik para nga magpahid ng sunblock sa katawan. "Salamat po, Mama."

Pagkatapos ko maglagay ng sunblock sa katawan ay tumakbo na ako ulit palabas. Hindi ako marunong lumangoy kaya siguradong wala akong ibang gagawin dito kundi ang magtampisaw at magbabad sa tubig.

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon