Kabanata 16
Cassiopeia Mikael's Point of View
"Mikael, tara dito dali."
Kasalukuyan kaming naghihintay non sa next subject teacher namin nang napadaan si Gabriel sa room namin at ako ang tinatawag.
Ang layo ng ginala nito, ah. Hindi naman ito dito sa bulding namin kundi doon sa kabila.
Tumayo ako at pumunta sa pintuan para harapin siya.
"Bakit?" Takang tanong ko.
Ramdam ko ang tingin sa 'kin ng mga kaklase ko. Dumalaw ba naman sa room namin ang isa sa pinaka sikat na model ng school, eh.
Kanya-kanyang pindot sa mga kamera nila yung mga kababaihan para lang makuhanan ng litrato si Gabriel. Itong isa naman ay todo ngiti.
"Labas tayo mamaya tulad ng dati? Dinner lang ulit para naman hindi ka madalas nagiging mukhang zombie."
"Wala kasi akong ganang gumala sa ngayon, e. Pero kung pipilitin mo 'ko, talagang sasama ako." Ngumiti ako sa kanya.
"Talaga? So, sasama ka sa 'kin mamaya?"
"Oo naman!" Tinapik ko pa siya sa braso "Para namang first time at mukha kang excited diyan." Natawa pa 'ko.
"Totoo ba? Kakain sila together?"
"Bingi ka 'te? Si Gab nga ang nag-aya 'di ba?"
"E si Christopher ang kasama niya noong nakaraang araw di ba?"
"Kainis namang babae 'yan, target yata lahat ng model dito."
Hindi ko na pinansin yung mga nagbubulungan sa labas ng room namin. Kasalukuyan kaming nagngingitian ni Gabriel nang biglang dumaan sa likuran ni Gabriel si Christopher at masama ang tingin sa akin. Awtomatikong nanlambot sa takot ang tuhod ko kasabay ng panunuyo ng lalamunan ko.
"S-Sige Gabriel, ha. Kita na lang tayo mamaya." Paalam ko sa kanya.
Umalis na si Gabriel at ako naman ay bumalik na sa upuan ko. Sasama na lang siguro ako kay Gab para hindi kami magkita ni Chris sa bahay. Atleast kahit papano ay may excuse ako.
Christopher's Point of View
A
kala siguro ng gagong Gabriel na 'yon ay hindi ko alam na gabi-gabi niyang pinopormahan si Pei. Ang lakas ng loob niyang gamitin ang sitwasyon namin ngayon para lang magpasikat sa babaeng 'yon. Wala naman akong pake kung magtawagan sila buong magdamag o magligawan sa telepono. Ang sa 'kin lang, putangina niya talaga.
"Bakit ba kailangan pa nating dumaan dito sa BSHRM building? Sino bang pupuntahan mo, Tupe?" Tanong pa sa 'kin ni Drew, kaklase ko.
"Pupuntahan yata yung number 1 fan niyang si Mika." Tatawa-tawa pang sabi ni Khalil.
"Gago."
"O bakit? Hindi ba totoo? Hindi ba't papunta 'to doon sa room nila?"
"May kukunin lang ako sa kanya." Sagot ko.
"Ano? Puri niya?" Humalakhak pa ng pagkalakas-lakas si Khalil.
"Ulol. Kilabutan ka nga."
Sanay na akong tinitingnan ng mga babae dito sa school saanman ako mapunta. Pero ipinagtaka ko kung bakit parang nagmamadali silang tumakbo papunta sa tapat ng room nila Pei.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS)
Teen FictionHe's handsome, freakin' hot, snob, cold, campus hearthrob, model, popular. Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kanya kahit sa unang tingin? Sinong babae ang hindi sya papangarapin? He always make fun of me. He doesn't want to know others that he...