Kabanata 56

131K 2.6K 155
                                    

(A/N): Bigyan naman natin ng kaisaisang point of view si Gabriel. Ending na naman e. Hahahaha.

Kabanata 54: Side Stories

Gabriel's Point of View

“No, ayokong makulong! Magbabago ako, pangako, pangako! Please, 'wag niyo 'kong ikulong!”

'Yan lang ang paulit-ulit na sinasabi ni Foina simula pa kanina. Nandito na kami ngayon sa presinto. Walang humpay na pagmamakaawa ang ginagawa niya sa mga pulis para lang hindi siya makulong pero hindi siya pinapakinggan ng mga ito.

“'Wag kanang magpaliwanag, Miss.” Nag-tsked pa yung pulis at umiling-iling. “Ang ganda mo pa naman tapos makukulong ka lang? Murder pa ang kaso mo. Masyadong mabigat.”

“Hindi ako makukulong! Gabriel, please, tulungan mo 'ko. 'Wag mo 'kong hayaan na makulong dito. Please, Gabriel, I'm begging you.” Lumuhod pa siya sa harap ko at tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha.

Napaiwas nalang ako ng tingin sa kaniya. Bakit pa ba kasi ako sumunod dito? Tch.

“Mahal mo pa kasi siya, Bro.” Bulong ng maliit na boses sa utak ko.

Tss, hindi 'no.

“Ayaw pa umamin. Bitter ka, bro. Porket tinwo-time ka, tss.”

So what?

Bakit ba kinakausap ko ang sarili ko? Nahawa na yata ako kay Mikael. Psh.

“Gabriel, please? Help me. I'm—” humikbi pa siya. “B-begging.”

Pawis na pawis ang mukha niya. Naghalo na nga ang pawis at luha. Magulo na rin ang buhok niya, yung iba pa nga nadikit na sa pisngi niya.

Aaminin ko, mahal ko pa rin siya kahit na isinabay niya 'ko kay Chris. Pero, kapag tinulungan ko siya dito, paano si Mikael? Nagustuhan ko na rin 'yon noon higit pa sa kaibigan. Siguradong masasaktan siya kapag nalaman niyang hindi napagbayaran ni Foina ang mga kasalanan niya. Lalo pa't anak nila ang nawala.

Itinayo ko si Foina at iniupo sa upuan. Umupo din ako sa upuang kaharap ng sa kaniya. Pinagigitnaan kami ng lamesa.

Hinawakan ko ang magkabila niyang kamay. “I'm sorry Foina,” Bumuntong hininga pa 'ko nang malalim. “I don't wanna help you. This is the consequence of your faults. Hinayaan kitang magpakabaliw noon kay Chris kahit na mahal na mahal kita pero, hindi ko hahayaang hindi mo mapagbayaran ang kasalanan mo dahil ayokong saktan si Mikael. Kaibigan ko siya.”

Naging matalim ang tingin niya sa 'kin at saka tinanggal ang pagkakahawak ko sa kaniya.

“All of you!” Itinuro niya ako, “Lahat kayo gustong-gusto niyo ang babaeng yon!” sabi pa niya sa pagitan ng mga hikbi. “I am too much better than her, pero bakit?! Bakit siya pa rin ang gusto niyo?!”

“Tama ka, Foina, you’re too much better than her pero, may katangian siya na wala sa 'yo. She's a very strong woman. Kaya niyang tiisin lahat para sa taong mahal niya. Noong panahong bulag pa si Chris sa 'yo, at pilit na ipinagtatabuyan ni Chris si Mikael, hindi ka niya nagawang pagtangkaan ng masama. She just cried and cried until her tears became tired. Dahil alam niyang masasaktan at magagalit ang taong mahal niya kapag nasaktan ang taong mahal nito. But you, you’re different. Kumbaga sa Math, inversely proportional kayo. Magkabaliktad. Nagawa mong makasakit ng tao dahil sa obsession. Pati ang walang kamuwang-muwang na bata dinamay mo.”

“Because she deserves it. Wala siyang karapatang maging masaya habang ako nalulungkot! A-Ayokong makita siyang masaya. Hindi siya pwedeng maging masaya!!”

“And you think that you deserve to be happy? You are selfish, Foina, very selfish.”

“That's what I've learned from my parents. You know that Gabriel.”

“Your parents are always the reason. Ang kasamaan ng parents mo sa 'yo hindi mo dapat ina-apply sa iba. Malaki ang ipinagbago mo. Akala ko dahil namatay ang parents mo, magiging mabait ka. Pero, mas lalo mong pinasama ang sarili mo. Puro pera lang ang nasa utak mo.”

“I never wanted to be like this!”

“But you chose to be like that! There's nothing we can do about it. Just face your consequence. Bibisitahin nalang kita rito maybe once or twice a week. Just take care of yourself, okay? Goodbye.”

Tumayo na 'ko at lumabas ng police station. I heaved a deep sigh. I'm really sorry for not helping you, Foina. I really am.

Jasmin's Point of View

“So you're here.” Nakangiti pang bati sa 'kin ni Bryan. In-stretch pa niya ang magkabila niyang braso para salubungin ako ng yakap pero, iniwasan ko siya.

“I'm here to talk to you, Bryan.”

“Talk? About what?” Nakapamulsa pang tanong niya.

“About us.” Seryoso namang sabi ko.

“You mean, our wedding?”

“Our what?! I am dead serious here, Bryan. Who the hell is that freakin' bitch who stole you?! I will surely break her neck infront you!” Banta ko sa kaniya, hinding-hindi talaga ako magpapatalo roon kahit na kasing ganda pa siya ng kung sinoman!

“Calm down, Jasmin. Stop being a war freak.”

“I am not. Now, tell me. Who is that unlucky girl you are going to marry?!” Inis na inis na sabi ko. Ready na ‘kong manapak, now na!

“She's you. You're the unlucky girl.”

Napakunot-noo ako, “What?! Be serious, Bryan, for Pete's sake! You told me that you’ll marry someone else, that's why you broke up with me, right?!” Bwisit. Akala niya siguro nakikipagbiruan lang ako rito!

“About that...” Awkward pa siyang tumawa at nagkamot ng ulo niya.

“What about that?!” Sinamaan ko na talaga siya ng tingin.

“I-I just said that because I-I want to see you. I know that you will go back here if we broke up. About the engagement, obviously, that's not true.” Paliwanag pa niya.

What?! Gusto niya lang akong pauwiin dito kaya siya nag-imbento ng kwento? What the hell!

“Park, Bryan! How dare you?!”

At naghabulan kami. Sayang lang ang pag-eemote ko noon tapos jokie jokie lang pala sa kaniya 'yon?! Napakasama niya!!!

Pero, infairness, namiss ko siya. Sobra!!!

Desiree's Point of View

“Sige na kasi, Babe. Isang kiss lang naman, eh.” Nakanguso pang sabi ni Alexis. Nakalingkis na naman ang braso niya sa akin.

“Manahimik ka nga, Dela cruz!” Saway ko sa kaniya.

“Matatapos nalang yung kwento wala pa tayong matinong kiss. Nakakaasar na a!”

“Nagkiss na naman tayo, ah. Ano pa bang gusto mo?” Kaasar a. Mamumula ka nalang nang wala sa oras kapag itong mokong na ‘to ang kausap mo, eh!

“Sinikreto mo naman. Isa lang e, tss.”

“Manahimik ka nga.” PDA yata ang gusto ng isang ‘to, eh.

“Nako talaga, Babe, sinasabi ko sa 'yo, 'pag ako namatay na bukas magsisisi ka! Hindi na 'ko magpapabuhay pa. Hahanap-hanapin mo 'ko. Magsisisi ka na hindi mo 'ko kiniss noong nabubuhay pa 'ko.” Pagdadrama pa niya sa ‘kin.

“Edi mamatay ka. Ngayon na.” Bwisit na 'to, nangongonsensya pa.

“Tss, hindi nalang. Masyado ka kasing mahiyain e. Hindi ka tuloy nakakatsansing sa 'ki—”

Sa sobrang ingay niya, tinakpan ko nga ang bibig niya...



ng lips ko.



It's just a smack. 'Wag kayong ano!


“Wow! J-Just wow.” 'Yan nalang ang nasabi niya.

***

Edited: October 22, 2017; 1:04AM

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon