(A/N): Here she is, Ms. Foina Encarnacion 👆
Kabanata 5
Cassiopeia Mikael's Point of View
Pagkatapos kong magluto ay umakyat ako sa kuwarto ng asawa ko para sabihing tapos na iyong niluluto ko at puwede na siyang kumain. Kinatok ko ang pinto niya.
"Hubby? Luto na iyong pagkain, kumain ka na muna." Sabi ko pa.
Hindi siya sumasagot. Nagsalita pa rin ako nang nagsalita sa labas ng pintuan niya pero ayaw niya talaga akong sagutin at pagbuksan ng pinto kaya naman pumasok na ako.
Gising na gising naman pala siya at nagpi-facebook lang sa computer niya. Hindi man lang ako pinapansin, kanina pa ako naroon sa labas.
"Hubby, luto na iyong pagkain. Kumain ka na muna." Pag-uulit ko ng linya ko kanina.
"Hindi pala ako nagugutom." Seryosong sabi niya. "You may leave, I don't give you permission to enter my room."
"Pero kanina naghahanap ka ng pagkain," Nakangusong sabi ko sa kaniya.
"Nawala na iyong gutom ko kaya lumabas ka na rito. Makita pa lang kita, mas lalo lang akong nawawalan ng gana."
"Sayang naman yung nilut—"
Tumingin siya sa akin nang masama.
"Ang sabi ko, labas! And don't call me 'hubby', nakakadiri ka!"
"Okay, sabi ko nga lalabas na, eh. Kapag nagutom ka, bumaba ka na lang doon, ha. Initin mo na lang kung sakaling lumamig na."
Palabas na sana ako ng kuwarto niya nang makita ko iyong tinitingnan niya sa facebook. Picture ng manager niya iyon.
Inistalk niya ba si Foina?
"Nagagandahan ka ba sa kaniya?" Wala sa huwisyong tanong ko.
"She's not pretty, she's gorgeous." Sagot naman niya. At kitang-kita ko kung paanong gumuhit ang ngiti sa labi niya.
"Magkaibang-magkaiba talaga kami." Nakangusong sabi ko. "Bakit mo ba iyan tinitingnan?" Dagdag ko pa.
Hindi naman ako sobrang tanga para hindi mahalatang may gusto siya sa manager niya pero sana ay hindi niya makalimutang bawal iyon, hindi puwedeng magkaroon ng relasyon ang manager at model!
"This woman, siya ang pangarap ko. Ang babaeng tulad niya ang gusto kong makasama habang nabubuhay ako." Malumanay niyang sabi habang ang mga mata ay nasa larawan ng babae.
Nakaramdam na naman ako ng panghihina sa mga sinabi niya.
"Ganoon ba? Malas mo lang at ako ang end game mo." Nang-iinis na sabi ko. "Sige, labas na 'ko, ha. Kumain ka na lang sa ibaba kapag nagutom ka ulit."
Dumeretso na ako sa kuwarto ko at saka nagtalukbong ng kumot. Kung katulad lang sana ako ng manager niya, eh 'di sana walang problema.
✿ -- Christopher's Point of View -- ✿
Iyong sinabi ko kanina tungkol sa pagkagusto ko kay Foina, totoo iyon. I like her so much. Well, she's not only a manager of mine. She's my two years girlfriend. Tago ang relasyon namin dahil bawal magkaroon ng romantic relationship ang mga models sa mga managers nila.
Actually, ipakikilala ko na sana siya kay mommy bilang girlfriend ko. Matagal naman na kami at last year na rin ito ng contract ko kay Foina bilang manager ko. Akala ko magugulat siya dahil wala naman akong nababanggit sa kanila ni daddy na girlfriend ko pero hindi ko akalaing ako pala ang magugulat sa ibabalita nila sa akin. Nalaman ko na lang na ikakasal na pala ako sa babaeng kasama ko ngayon dito sa bahay na ito.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS)
RomanceHe's handsome, freakin' hot, snob, cold, campus hearthrob, model, popular. Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kanya kahit sa unang tingin? Sinong babae ang hindi sya papangarapin? He always make fun of me. He doesn't want to know others that he...
