Kabanata 7
Third Person's Point of View
"Okay, medyo iangat mo 'yong ulo mo and make your face looks fierce." utos ng photographer sa modelo habang tini-take ang kanilang photoshoot para sa nalalapit na fashion show ng Escuela Normal sa susunod na linggo.
Kaagad ang naging pagsunod ng lalaki. Walang ka-effort effort ang naging pag-pose nito na tila ba sanay na sanay na sa ginagawang trabaho.
"Okay, good. 1, 2, 3..." Pinindot ng photographer ang camera at kaagad naman ang naging pag-flash nito. "Perfect, Mr. Andrada!"
Si Christopher ang numero uno sa mga pambatong modelo ng nasabing unibersidad. Malakas kasi ang charisma at sex appeal nito pagdating sa mga kababaihan. Dagdag pa na may pagkamasungit ang lalaki kaya naman mas lalong nahuhumaling at nauuhaw sa atensyon niya ang mga ito. Dahil nga sa pagiging kilala niya sa campus ay laging dinadagsa ang venue sa tuwing magkakaroon sila ng photoshoots.
Matapos isalang ni Christopher, kaagad na lumapit ang kaniyang mga tagahanga upang magpakuha ng litrato. Naiinis siya sa mga babaeng mahilig siyang kapitan sa braso o hindi kaya ay bigla na lang nangyayakap sa kaniya nang walang pahintulot. Sa totoo lang, ayaw niyang pinaliligiran siya ng mga babaeng humaling na humaling sa kaniya lalo na sa tuwing nagtitilian ang mga ito.
"Chris, pwede bang makipag-picture? Pakiakbayan naman ako, please?" Pakisuyo pa ng babae habang hawak ang kaniyang cell phone.
Sa tuwing nasa ganito siyang sitwasyon, wala siyang ibang puwedeng gawin kung hindi ang pagbigyan sila. Bahagi kasi ito ng kontrata niya bilang isang modelo. Makadaragdag kasi ang mga ito sa audience na kakailanganin nila sa tuwing magkakaroon sila ng shows.
"Next in line, Mr. Gabriel Concepcion." Tawag sa kaniya ng manager nilang si Foina.
Kaagad na sumalang sa harap ng camera si Gabriel. Silang dalawa ni Christopher ang masasabing mabigat na magkalaban pagdating sa pagmomodelo. Kung padamihan lamang din ng fans, masasabing pantay ang mga ito. Bagamat iisa ang manager nila, mahahalata na hindi sila magkasundo dahil sa magkaiba nilang ugali. Kung gaano kasungit si Christopher, kabaligtaran naman nito si Gabriel pagdating sa pagtrato nito sa mga tagahanga niya.
"Gab, puwedeng pa-hug ako?" Tanong ng isa niyang tagahanga na tila ba excited pa.
"Sure," ngumiti pa ang lalaki sa kaniya at saka siya nito niyakap nang mahigpit habang nagpapakuha sila ng litrato.
"Ang galing niyo, boys. I am sure malaki na naman ang kikitain natin sa fashion show natin next week because of you!" Pagbati sa kanila ni Foina. Naniningkit pa ang mga nito sa labis na pagngiti.
Kaagad na yumakap sa kaniya si Gabriel at hinalikan ito sa tuktok ng ulo. "We're great because you're great."
Kaagad silang pinaghiwalay ni Christopher nang may naiinis na mukha. "Limitations."
Naging matalim ang tingin ni Christopher sa lalaki. Itinaas ni Gabriel ang pareho niyang kamay na tila ba sumusuko.
"Okay, chill." Sabi pa nito na para bang natatawa pa.
Tinapunan ng tingin ni Andrada si Foina at mabilis naman ang naging pag-iwas nito ng tingin sa kaniya.
—
Cassiopeia Mikael's Point of View
"Mikael, here!"
Kaagad kong nilingon si Gab nang marinig ko ang boses niya. Kumaway ako sa kaniya at saka ngumiti.
"Naks naman, ang guwapo!" Pagpuri ko pa sa kaniya. Totoo naman kasi, talagang ang guwapo niya ngayon.
Inimbitahan kami ni Gabriel na manood sa fashion show nila. Actually, imbitahin man niya ako o hindi, tiyak namang pupunta ako dahil kasama rito ang asawa ko—sa papel.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS)
RomanceHe's handsome, freakin' hot, snob, cold, campus hearthrob, model, popular. Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kanya kahit sa unang tingin? Sinong babae ang hindi sya papangarapin? He always make fun of me. He doesn't want to know others that he...
