Kabanata 28
Cassiopeia Mikael's POV
"Ikaw nagluto nito?" Tanong ko kay Christopher habang tinutusok ng tinidor ang steak kuno na akala mo e binudburan ng uling sa sobrang itim.
Hindi ko malaman kung pagkain nga bang matatawag itong mga nakahanda sa lamesa. Although may mga pagkaing mukhang kaaya-aya sa paningin, hindi naman maganda ang lasa >_>
"I'm sorry, kung gusto mo magpapa-order nalang ako ng makakain natin sa labas. Ano bang gus-"
"No." Pigil ko sa sinasabi niya. "Ang dami nito tapos hindi natin kakainin? Sayang naman! *pout*"
"E sa hitsura mo palang, mukhang hindi mo na kakainin e." Nakangusong sabi niya. Parang nagtatampo na ewan hahahaha.
Anyways, narito kami ngayon sa garden namin sa likod ng bahay. Pinaghandaan pala talaga ni Christopher 'tong dinner namin. Well, it's a candle light dinner. Alam niya talagang mapapa-oo niya 'ko sa dinner na 'to.
Sobrang romantic ng lugar. May mga ikinalat pa talaga kasi siyang petals ng roses sa mga dinaanan namin papunta rito. Binigyan niya rin ako ng isang bouquet ng tulips.
Paano niya kaya nalaman na tulips ang favorite flower ko? Ipinagtanong niya ba 'to sa mga kakilala ko? >_>
Inalalayan din ako ni Christopher kanina na umupo. Hindi pa rin ako sanay na ganito niya 'ko pakitunguhan ngayon pero sobrang natutuwa talaga ako sa mga nangyayari. Parang dati, pangarap ko lang na mangyari ang ganitong bagay, pero ngayon totoo na siya.
Perfect na talaga sana ang lahat kung hindi lang medyo pumalpak si Christopher sa pagkain. Medyo lang naman. Sobrang medyo. Note the sarcasm hahahahaha.
"Kakainin natin 'to, Hubby, okay? Hindi naman gaanong masama ang lasa ng pagkain e." Pampapalubag ko sa kalooban niya.
"See? Ikaw na mismo ang nagsabi na hindi maganda ang lasa niyan. Um-order nalang tayo. Huwag kang manghinayang sa pagkain na 'yan. Maski ako, hindi ko sigurado kung pagkain ba tawag sa mga 'yan, tss."
"Hindi ako nanghihinayang sa pagkain 'no! Nanghihinayang ako sa efforts mo. Tingnan mo nga 'yang mga daliri mo, puro band-aid, psh! Saka, ito kaya ang kauna-unahang ginawa mo para sa 'kin, ayokong palampasin ang pagkakataon na matikman ang mga 'to. Kaya naman...huwag kanang um-order. Kumain nalang tayo, okay? ^_^"
No choice siya kundi kainin na rin ang mga niluto niya. Ang cute lang dahil nakanguso siya habang ngumunguya. Pansin na pansin ko pa na diretso lunok ang ginagawa niya sa pagkain hahahaha. Kay cute <3
Patuloy lang ako sa pagtitig sa kanya habang kumakain siya hanggang sa hindi ko na napigilan ang impit na pagtawa ko. Ang cute-cute niya kasi sa hitsura niya.

BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS)
Подростковая литератураHe's handsome, freakin' hot, snob, cold, campus hearthrob, model, popular. Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kanya kahit sa unang tingin? Sinong babae ang hindi sya papangarapin? He always make fun of me. He doesn't want to know others that he...