Kabanata 25

187K 4K 42
                                    

Christopher's POV




"Asawa kong hot na pogi gumising kana. Nakahanda na ang almusal natin sa ibaba." Sabi ni Pei na hinaluan pa niya ng isang pagkatamis-tamis na ngiti.




"Inaantok pa 'ko. Mauna ka nalang" Sagot ko at saka tinakpan ng unan ang mukha ko.




Naramdaman kong umupo siya sa kama at saka niyugyog ang katawan ko.




"Eeeh~" Nakangusong pagmamaktol niya. "Kasi naman, Hubby eh! Gusto ko sabay tayo kumain."




"Ang kulit mo naman eh."




"Sige na please? Pleaaaase?" Tapos nagpuppy-eyes pa siya. Isip bata talaga =_=




Hinila niya 'ko patayo sa kama at saka kami bumaba sa kitchen.




"Goodmorning Oppa. Goodmorning Unnie." Bati naman ni Jasmin.




"Goodmorning ^_^" - Pei




Magkatabi kaming umupo sa upuan.




"Tikman mo ang niluto kong special fried rice" *U* Siya pa ang naglagay ng sinangag sa plato ko.




"Normal naman ang itsura nito. Paano 'to naging special?"




"May halo kasing pagmamahal. Hahaha" Tapos nagkorte pa siya ng puso gamit ang mga daliri niya at itinapat sa isa niyang mata at saka kumindat. Ang cute talaga ng asawa kong 'to.




Maya-maya lang, napansin kong biglang naging malungkot ang mukha niya.




"May problema ba?" I asked her.




"Wala naman." Sagot niya. Pero halata naman sa mukha niyang meron.




"Sabihin mo sa 'kin."




"Mag-aannul na tayo, diba?" Sabi niya.




"Ha? Bakit?"




"Nakikipaghiwalay kana sa'kin. Hindi mo naman talaga ko mahal eh." At do'n na nagsimula ang mga hikbi niya.




"Ano bang sinasabi mo?"




"Hindi mo nga ako hinahanap. Hindi mo man lang ako namimiss *huk*"




"Bakit kita hahanapin? Nandito ka nga lang sa tabi ko oh." Hahawakan ko sana siya nang bigla siyang maglaho sa tabi ko.




"Mahal na mahal kita Christopher Gumising kana nga."




Ha? Bakit ako gigising? Hindi ko na maintindihan ang nangyayari.




"Gumising kana. Umaga na eh."




Ano bang sinasabi mo, Pei? Tch!




"Gumising kana. Inaantay na kita sa ibaba."




Tapos nakita ko na naman ang ngiti na lagi niyang isinasalubong sa 'kin sa umaga, ngiting ibinibigay niya sa 'kin kapag nagkikita kami sa campus. Ngiting inilalabas niya kapag gusto niya kong kasabay kumain ng tanghalian...na hindi ko kahit isang beses pinagbigyan.




"Nasaan ka ba, Pei?" Kasabay ng pagsambit ko non ay ang pagmulat ng mata ko.




Panaginip.




Alas siyete na pala. Mabuti at walang pasok. Tumayo na 'ko at nag-ayos ng sarili, pagkalabas ko ng kwarto...




"Goodmorning Asawa ko ^_^"




Nilingon ko ang kwartong katabi ng sa'kin. Ang kwarto niya.




Ang weird naman, naririnig ko ang pagbati niya at ang masiglang tono ng pagsasalita niya kahit wala siya. Bakit gan'to? Nagkakagan'to lang ba ako dahil nasanay lang ako na palagi niya 'yong ginagawa, o baka naman namimiss ko lang talaga siya?




Wala pang isang linggo pero mukhang mababaliw ako kahahanap sa kaniya.




Kakaiba rin ang dating sa'kin ng bahay ngayon. Ibang-iba ang pakiramdam ngayong wala na siya rito sa bahay. Wala rin akong maramdamang kasiyahan sa bahay na 'to. It's look like there's no emotion in this place. Kahit na dati nang black and White ang kulay ng bahay namin, hindi ko maramdaman ang kasiglahan na dati kong nararamdaman noong nandito pa siya.




"Ano ba talaga tong nararamdaman ko?! Bakit ko siya hinahanap?!" Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa pagkaasar sa sarili ko.





Cassiopeia Mikael's POV





Panibagong araw, panibagong pakikipagsapalaran. Napanaginipan ko si Christopher kagabi, hinahanap niya raw ako. Buti nalang, mulat na 'ko sa katotohanan =_= Kung hindi kaagad ako gumising, siguro, tanga na naman ako.




Kailangang punuin ng goodvibes ang araw na to!




*Gruuuuuuu*




Oooops! Mukhang kailangan ko pala munang punuin ng pagkain 'tong nagwawalang tiyan ko. Take it easy little tummy, hahahahaha.




Lumabas na 'ko ng kwarto at dumiretso ng banyo. Ginawa ko ang same routine ko every morning like, washing my face and brushing my teeth. Pagkatapos non, pumunta ako ng kitchen para maghanda ng breakfast.




"Sunny side up egg, milk at fried rice for my breakfast ^_^"




Nilantakan ko ang pagkaing niluto ko. Hindi ako nakakain nang maayos dahil masyado akong nagpaka-emo. Napansin kong napaka effort kong tao at talagang nag-aksaya ako ng luha para iyakan ang bagay na wala namang naidulot na maganda sa 'kin simula palang no'ng umpisa.




Siguradong sa mga oras na 'to, masayang nilalakad ni Christopher ang tungkol sa Annulment namin. Sus! Hindi ko na sila dapat pang isipin. Hindi naman nila 'ko napasaya *pout*




"Hindi ka ampalaya girl! Hindi talaga, promise!" Sabi ng maliit na boses sa isip ko. Edi ako na bitter, tch.




Pagkatapos kong magbreakfast, nilinis ko ang apartment ko. Saan kaya ako pwedeng pumunta mamaya? Sa mall kaya? Aayain ko si Bakla ^O^




Idinial ko ang number ni Desiree. Agad niya namang sinagot.




"Hello" Sagot niya sa kabilang linya.




"SM tayo ^^"




"Hindi ako pwede today eh. Aalis kami ni Mom."




"Ay ganon? Sayang! Libre ko pa naman sana." Chika lang 'yon :p




"Suuuus~ Eh sinasabi mo lang naman na libre mo kapag alam mong hindi talaga 'ko makakasama."




"Hahaha, ganyan talaga, Des. Sige, I'll hung up the phone na. I'm going to clean my house pa eh." Maarteng sabi ko.




"At talagang kumo-conyo ka? Hahaha. Sige babush."




ENDCALL.




Ako nalang ang pupunta mag-isa ^_^




Mabilis kong tinapos ang paglilinis ko. Excited akong i-treat ang sarili kooooooo.

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon