Kabanata 52

131K 2.6K 96
                                    

Kabanata 50: She's Dead

Cassiopeia’s Point of View

*Baby cries*

“Baby naman, huwag kanang umiyak, please? Nandito na si Mommy.” Mahina ko pang tinatapik-tapik ang puwet niya para siya tumigil kaso hindi naman siya humihinto.

*Baby cries*

“Wifey, lalo mo lang siyang pinaiyak.” Sabi pa sa ‘kin ni Chris.

“Sorry na, Hubby, ginagawa ko naman na ang lahat para mapatahan siya, eh.”

Tumayo si Hubby mula sa pagkakaupo niya sa sofa at lumapit kay baby. Kinuha niya sa ‘kin yung bata at siya ang nagbuhat.

“Stop crying, baby, daddy's here.” Kiniss pa siya ng daddy niya sa ulo

At wala pang isang minuto, napatigil niya na si baby.

Madaya! In-english niya lang naman yung sinabi ko kay baby, ah?. Hindi ba nakakaintindi ang anak ko ng wikang Filipino? English speaking ba siya?!

“Paano mo siya napatigil? Madaya ka! Madaya!” Pagmamaktol ko pa.

“Attracted kasi ang mga bata sa mga magaganda sa mata.”

“Maganda naman ako, ah?”

“You sure? Eh, bakit siya iyak nang iyak sa ‘yo?”

“Che, madaya! Madaya! Ako na ngang magbubuhat kay baby.” Inagaw ko si baby mula sa pagkakabuhat ni Hubby. Pero, wala pa man ding limang segundo, umiyak na na naman siya.

Bakit, baby? Ayaw mo ba kay Mommy, ha? Huhuhuhu.

Malakas akong tinawanan ni Christopher. “Ayaw niya sa 'yo, Wifey.”

“Bakit ganito?Ako naman ang nagdala sa kaniya sa loob ng siyam na buwan, ha? Ayoko na, magsama kayong mag-ama!”

Naglakad ako palabas sa pinto. Nakakatampo naman ang anak namin ni Hubby, may favoritism.

Nagulat ako nang may marinig akong sasakyan na parang pumreno nang malakas.

Mayroon siyang nasagasaan, gosh!

Lalapit na sana ‘ko para pigilin yung sasakyan pero kusa itong huminto. Tinignan ko ang babaeng nasagasaan. Suot niya ang uniform ng school namin.

Lumabas ang isang babae mula sa sasakyan at lumapit sa babaeng nasagasaan.

“Serves you right, bitch!” Sabi nung nakasagasa. Dinuraan pa nito yung babaeng nakahiga sa kalsada.

Lumapit pa 'ko para tingnan yung babaeng may gawa, at sa gulat ko, hindi ko na muling naigalaw ang katawan ko.

Si Foina!

Tiningnan ko ang babaeng nasagasaan.

“P-paanong nangyaring? Paanong—a-ako?”

Kitang-kita ko ang katawan kong nanghihina na nakahiga sa kalsada. Nagmamakaawa sa kaniya.

Dugo.

Puro ako dugo.

Ano ba 'tong nangyayari sa 'kin? Nananaginip ba 'ko?

Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko pabalik sa bahay, pero paglingon ko, nasa tapat na pala ako ng school.

Nakita kong sinipa ni Foina ang tiyan ko at unti-unting umaagos ang dugo sa mga binti at hita ko.

Ano bang nangyayari? Sumasakit ang ulo ko!

Nasaan na si Christopher? Nasaan na siya?!

“Wifey, I'm really sorry.”

Biglang nagbago ang buong paligid. Naging madilim. Sobrang dilim.

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon