Kabanata 17

171K 4.1K 367
                                    

Kabanata 17

Cassiopeia Mikael's Point of View

Mabilis na namang lumipas ang mga araw at heto, naghihintay kami sa airport kasama sila Christopher. Darating kasi yung pinsan niyang galing sa Korea tapos sa bahay namin ni Chris muna pansamantalang titira.


"Annyeong haseyo! Eotteohge jinaess-eoyo, Ahjumma, Oppa, Ahjussi?" Sabi ng babaeng kadarating lang. [Translation: Hello! How are you auntie, brother, uncle?]

Ang cute niya, hyper magsalita. Hindi naman masyadong pang-koreana ang mukha niya. Mas malakas ang lahi ng pinoy sa kanya.

"Jasmin-ah, neoneun yeppeun-ida." Sabi naman ni Mama Sophia sa kanya. [Transalation: Jasmin, you're beautiful.]

"Komawo, ahjumma." Sagot naman ni Jasmin. [Translation: Thank you, Auntie]

Okay, wala akong naiintindihan. Parang medyo malalim ang hangul na gamit niya kumpara sa napapanood ko sa mga k-dramas.

"Oppa!" Biglang tumalon kay Chris yung pinsan niya saka yumakap dito. Niyakap din naman siya pabalik ni Christopher. "Eo-neun-dang-sini geuri-woyo, Oppa." Masiglang sabi pa nito. [Translation: I miss you, Brother.]

"Ako rin, syempre. Malaki ka na, ah." Ginulo pa ni Chris yung buhok nung babae.

She just smiled. Napatingin naman siya sa 'kin at mas lumawak pa ang ngiti niya.

"Your wife?"

"Unfortunately." Masungit na sagot ni Chris sa kanya.

Nginusuan ko na lang siya. Hindi man lang maging proud!

Ngumiti si Jasmin sa 'kin nang pagkaluwag-luwag at saka yumakap nang mahigpit.

"Mannaseo bangawayo, Unnie."

Napakamot na lang ako sa ulo. Hindi ko siya naintindihan.

"Nice to meet you raw, Anak." Pagsasalin ni Mama Sophia.

"Nice to meet you rin, Jasmin." Nakangiting sabi 'ko.

Nagngitian lang kaming dalawa tapos, tumingin ulit siya kay Chris.

"Chukahaeyo, Oppa. She's Gorgeous." [Translation: Congratulations, Kuya.]

Pagkatapos ng nakaka-nosebleed na usapan, bumiyahe na kami pauwi. Ang daldal pala nitong si Jasmin. Buti nga't marunong pala siyang magtagalog pinahirapan pa 'ko kanina kakaintindi sa kanya.

"At alam mo ba, Unnie, napakagwapo non ni Bryan. He looks like Oppa, lamang lang si Kuya ng isang paligo." Pagkukwento pa niya.

"Talaga? Kung katulad siya ng Kuya mo, so masungit din siya?" Tanong ko.

Napatingin siya sa kuya niya na katabi ko ngayon dito sa sasakyan. "Masungit ba si Kuya? Sweet kaya 'yan." Pagtatanggol pa nito.

"Masungit siya sa akin." Bulong na sagot ko sa kanya. "Anyways, ano na nga ulit nangyari?"

"Tapos heto pa nga, Unnie, una ko siyang nakita sa isang department store."

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon