Kabanata 49

125K 2.7K 130
                                    

Ch. 47


Cassiopeia Mikael's POV


Isang linggo ang nakalipas. Simula nang magbuntis ako, lapitin na 'ko ng kamalasan. -_- Palagi nalang akong nabubuhusan ng kung ano ano sa school. Noong isang araw, muntikan ako malaglagan ng paso sa ulo. Nalaglag kasi mula sa roof top. Tapos kahapon, natapunan ako ng mga basura. Ang matindi pa, mga left over foods ang mga 'yon. Nakakadiri talaga ang baho baho pa. Mabuti na nga lang at palaging to the rescue sa 'kin sila Desiree at yung kambal.


Si Hubby naman, palagi niya akong chinecheck sa room. Kung hindi man siya makasabay sa 'kin tuwing lunch, palagi siyang nagpapareserve ng pagkain para sa 'kin. Alagang alaga niya 'ko sa school at lalo na dito sa bahay. Kulang na nga lang, siya na ang magpaligo sa 'kin.


*Door bell's ringin*


"Friendship! We're here." Rinig kong sigaw ni Desiree mula sa labas. Nandiyan na sila! *U*


Dali dali kong binuksan ang pinto. Yikes! Party party. *Q*


"Good day, girl. May mga dala akong prutas para sa 'yo ^_^" Masiglang bati ni Israel "Nandiyan ba ang baby ko?" Dagdag pa niya.


Sinasabi ko na nga bang si Hubby lang ang ipinunta niyan dito e. *pout*


"Hi, Mika." At syempre, mawawala ba naman ang killer smile ni Ralf? Hahaha.


"Hello." Grabe ang gwapo niya talaga >.,<


At kung killer smile ang bigay sa 'kin ni Ralf, naramdaman ko na naman ang killer look ni Hubby. Patay na naman ako nito. *pout*


"Yow Mika. Yow Chris." Si Alexis naman 'yon.


"Magsipasok na nga kayo bilis, bilis." Sabi ko sa kanila.


Pumasok na sila. Pumunta ako sa kitchen para kunin ang mga niluto ko.


"Akala ko ba sila Desiree at Alexis lang ang pupunta +_+" Inis na sabi ni Hubby.


"Sorry, Hubby. Alam ko kasing hindi ka papayag na dito kami kapag sinabi kong kasama ang kambal e. Sorry. Sorry."


"Tsk!" - Hubby


Tapos nagwalk-out siya. Hala, galit yata siya. *sad emoticon*


Dinala ko na sa sala yung mga pagkain. Naglabas ng alcohol drinks ang mga lalake. May balak pala silang uminom.


Binuksan ko ang videoke. Rakrakan na 'to, hihihi.


"Kanta na, guys." Sabi ko.


"Ako muna ang kakanta!" Pagpepresinta ni Israel.

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon