Kabanata 37

159K 3.6K 199
                                    

(A/N): Si Charice Gonzales 'yang nasa itaas! ☝ Poweeeeeer.

Kabanata 35: Muntik na!


Cassiopeia's Point of View

"Oh my ghad, seriously?! Hubby, sasali na tayo?!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Kulang na lang ay magtatatalon ako dahil sa sobrang tuwa.

Hindi ako makapaniwala, akala ko ayaw niyang sumali kami.

"Kung itong bwisit na laro lang naman na 'to ang makapagpapasaya sa 'yo, bakit hindi natin subukan?" Sagot niya. Mukha siyang naiinis na ewan dahil sa pagsasalubong ng magkabila niyang kilay. May ibinubulong pa siya pero hindi ko marinig.

Alam kong labag sa loob niya ang pagsali namin dito pero alam ko rin na pumayag siya dahil gusto ko ito. Aaaahh! Nata-touch naman ako sa asawa ko, masungit lang pero gusto pa rin akong pasayahin.

"Thank you so much, Hubby!!" Tinalon ko siya at kinapitan sa leeg saka siya hinalikan sa pisngi nang paulit-ulit. "Thank you, thank you, thank you!!"

Sunod-sunod ang pagtikhim na narinig namin kaya naman napahinto ako sa ginagawa ko at saka napatingin sa kanila.

Holy mother of sweet monkey cakes! Nasa stage nga pala kami at malamang ay kitang-kita kami ng mga tao. Masyado na pala kaming PDA, gosh.

Napakamot na lang ako sa batok ko at bahagyang nagtago sa likuran ni Hubby.

"Sorry." Nahihiyang sabi ko sa kanila.

Nakita ko ang pang-iirap sa akin nung MC.

Hindi nagtagal ay nagsimula na ang laro. Kagaya nga ng sinabi ko kanina, kailangan akong buhatin ni Hubby, depende kung bubuhatin niya ako na parang bagong kasal o ipapasan ako sa likuran niya, pero isang paa lang ang dapat niyang gamitin sa pagtayo at patagalan iyon. Kaniya-kaniya nang cheer yung mga tao sa mga kakilala nila.

Pangkasal ang ginawang pagbubuhat sa akin ni Hubby.

"Go, Christopher! Go, go, go!!"

"Hottie ka talaga, Chris!" Tumili pa siya nang pagkatinis-tinis.

"I want to take some pictures of him. Oh, God! Be mine, Chris!!"

Hanggang dito ba naman sa Laguna mayroon pa rin siyang mga fangirls? Tss.

"This is really embarassing, Pei!" Inis na sabi niya. Hindi niya alam kung saan niya ibabaling ang ulo niya dahil sa hiyang nararamdaman. Panay pa ang kuha ng litrato ng mga babae sa kaniya.

"I'm sorry, Hubby, poging hot ka pa rin naman, eh. Huwag ka na magalit." Pang-uuto ko pa sa kaniya saka pinunasan ng hawak kong panyo ang mukha niya.

He just tsked at me at hindi na ako pinansin.

Halos 45 minutes na rin ang nakalilipas.

Walo kaming participants na kasali at lima na ang natatanggal. Medyo may edad na rin kasi kaya siguro hindi na kinaya ang pagtayo nang matagal. Si Hubby naman, hindi pa rin tumitigil sa pagrereklamo niya. Pawisan na rin siya.., pero gwapo pa rin at mabango.

"Hubby, kaya mo pa ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Sa tingin mo?" Masungit na sabi niya. "Ilang kilo ka ba at bakit ang bigat mo?"

"Hindi naman ako masyadong mabigat, grabe ka! Ang sama mo." Hinampas ko siya sa may balikat niya. Humalukipkip ako at saka ngumuso.

"Biro lang, huwag ka nang malikot, Misis."

Inayos niya ang pagbubuhat niya sa akin at bahagya akong iniangat. Muntik pa nga siyang ma-out of balance pero buti na lang at nakabawi siya kaagad.

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon