Kabanata 28:
Cassiopeia Mikael's Point of View
Gulat at hindi makapaniwalang nakatingin ako sa lalakeng bigla na lang marahas na nanghatak sa akin papalayo sa pagkakahawak ni Gabriel. Sa ilalim ng biglang pagbuka ng mga spotlight sa buong gym, nakasuot siya ng isang eleganteng white suit na may marangyang itim na long sleeves sa loob at may pulang kurbata na bumagay sa kaniyang tindig. Ang kaniyang mapupulang labi na lang ang nakikita ko ngayon dahil sa suot niyang makapal na maskara na nagpapakubli sa kaniyang mukha.
Pero . . .
Isa lang ang lalakeng nakikita ko sa likod ng tindig na iyon. Isa lang ang may hawak na ganito kalamig at katigas sa aking braso.
Pero napaka-imposible. Napakaimposibleng siya ito.
Bago ko pa man magawang magsalita, biglang nagpalit ang tumutunog na kanta sa paligid. Ang sikat na himig ng Can I Have This Dance ang umalingawngaw sa buong gym, na nagpabago sa emosyon ng karamihan. Kasabay ng banayad na pagpasok ng kanta ay ang marahan niyang pagpiga sa kamay ko, bago ako dinala sa isang panibago at mas pribadong pwesto sa gitna ng dance floor para sa pagsayaw.
Dahan-dahan, na tila ba natatakot siyang mabali ako, inilagay niya ang mga kamay ko sa kaniyang malapad na balikat, habang ang kaniyang malaking palad naman ay pumuwesto sa aking baywang.
♪ Take my hand, take a breath
Pull me close, and take one step
Keep your eyes locked on mine
And let the music be your guide . . .
Diretso at mariin siyang nakatingin sa akin sa likod ng kaniyang maskara, na para bang kinakabisado niya ang bawat detalye sa mukha ko—mula sa aking buhok hanggang sa aking mga labi. Nakatingin lang din ako sa kaniya, pilit na hinahanap ang anomang patunay kung tama ba ang mabilis na hinala ng puso ko kung sino talaga ang lalakeng ito.
♪ Won't you promise me (now won't you promise me, that you'll never forget)
We'll keep dancing (to keep dancing)
Wherever we go next . . .
"M-May dumi ba ang mukha ko? Bakit g-ganyan ka tumingin?" nauutal at mahinang tanong ko sa kaniya, naramdaman ko ang biglang pagkatuyo ng aking lalamunan dahil sa tindi ng kaniyang mga titig.
♪ It's like catching lightning the chances of finding someone like you
It's one in a million, the chances of feeling the way we do
And with every step together, we just keep on getting better.
So can I have this dance (Can I have this dance)
Can I have this dance . . .
"Wala, hindi lang ako makapaniwalang kaharap na ulit kita," mahina ngunit tapat niyang sagot. Nakita ko ang pagsilay ng isang malungkot at paitaas na ngiti mula sa kaniyang mga labi sa ilalim ng maskara.
At yung boses na iyon . . . ang baritonong boses na iyon ay tuluyang nagdagdag sa mga patunay kung sino nga siya.
Naiiyak ako sa hindi ko malamang dahilan. Biglang sumikip ang dibdib ko habang sumasabay kami sa indayog ng musika.
♪ Take my hand, I'll take the lead
And every turn will be safe with me
Don't be afraid, afraid to fall
You know I'll catch you through it all . . .
Nagulat ako nang bigla niyang ilapit nang husto ang sarili niya sa akin sa pamamagitan ng isang mahigpit at tila natatakot na pagyakap. Isinubsob niya ang kaniyang ulo sa kaliwang bahagi ng aking leeg, nararamdaman ko ang kaniyang mabilis at mainit na paghinga na dumidampi sa aking balat.
♪ And you can't keep us apart (Even a thousand miles, can't keep us apart)
'Cause my heart is ('Cause my heart is) Wherever you are . . .
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS)
RomanceHe's handsome, freakin' hot, snob, cold, campus hearthrob, model, popular. Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kanya kahit sa unang tingin? Sinong babae ang hindi sya papangarapin? He always make fun of me. He doesn't want to know others that he...
