Kabanata 38

156K 3K 259
                                    

Kabanata 36: Plastic

Cassiopeia Mikael's Point of View

Buong magdamag yata akong gising dahil sa hopia moment ko kagabi. Hindi talaga ako maka-get over sa nangyaring iyon. Sobra akong nahihiya dahil nakita ko kung paano siya nakaramdam ng guilt dahil doon sa pag-uumpisa niya.

Alam mo yung ready ka na, tapos biglang hindi pala kayo tuloy?

Ang sakit, di ba?

Alam ko namang kasal na kami ni Christopher at nasa wastong edad na rin naman para magpasya pero.., hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon dahil sa pangyayaring iyon.

Susme, lamunin na sana ako ng lupa sa sobrang kahihiyan!!!

Narito pa rin ako sa kwarto namin. Nakatalukbong. Ini-locked ko ang pintuan nang maramdaman kong wala na si Hubby sa tabi ko. Past 11:00AM na pero hindi pa rin ako lumalabas. Ilang beses na ring nagpabalik-balik dito si Hubby para mangatok pero hindi ko na lang kinikibo para kunwari ay tulog pa ako.

At heto na naman nga siya.., nangangatok na naman. Hays.

"Wifey? Wala ka bang balak lumabas riyan sa kwarto?" Tanong pa niya. Para na rin siyang naiinis na ewan.

Bakit ba kasi ang sipag mong pumanhik panaog dito, Hubby? Huhuhuhu.

"Hubby, wala akong naka-scheduled na gagawin ngayon. Uh, dito nalang siguro muna ako. Kung may gagawin ka, sige, alis ka na." Sabi ko sa kaniya. Kunwari pang kagigising ko lang at may pahikab-hikab pa. "Ingat, ha?"

Baka ma-nominate na ako nito bilang best actress.

"What? It's our vacation, baka nakakalimutan mo." Sagot pa nito.

"You can enjoy the moment alone, Hubby!"

Hay, jusq lord, sapian niyo ng kasipagan si Hubby na gumala mag-isa. Nahihiya po talaga akong harapin siya ngayon.

"Lalabas ka ba riyan o gusto mo pang kaladkarin kita?"

Hindi na ako sumagot. Naka-locked naman yung pinto kaya imposibleng mabuksan niya iyon.

"Ayaw mo talaga?" Rinig ko pang sabi niya. Para pang nanghahamon ang tinig niya.

Hindi pa rin ako sumagot.

Bahala ka riyan.

Napabalikwas ako nang malakas niyang pagkakalampagin ang pinto at para bang may balak pa siyang sirain iyon.

Watdapakingteyp!

"Hubby, ano ba?! Sisirain mob a iyan?!"

"Kung ito lang ang makapagpapalabas sa'yo riyan, why not?!"

"Stop that! Heto na, bubuksan ko na!"

Tumayo ako sa kama at saka siya pinagbuksan ng pinto.

Lahat talaga ay gagawin ng lalakeng ito kapag gusto niya.

"Ano namang drama iyan, Cassiopeia Mikael?" Taka pang tanong niya.

"A-Ano na naman ba?" Nakangusong sabi ko.

"Tanggalin mo nga iyang mga nakatakip na buhok sa mukha mo." Utos niya sa akin.

"Ayoko nga. Bagong hairstyle ko iya—Ano ba?!" Reklamo ko nang siya mismo ang mag-ayos ng buhok ko para maihayag sa kaniya ang pagmumukha ko. Hinigit pa niya ako papalapit sa kaniya dahil sa pagpupumiglas ko.

"Umayos ka nga." Sabi pa niya. Inilalayo ko kasi yung mga kamay niya sa akin.

Ang lapit niya masiyado saa akin. Baka ma-harass ko ang isang ito dahil an aga-aga pa ay ang bango-bango na!

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon