Kabanata 14

176K 4.1K 525
                                    

Kabanata 14

Cassiopeia Mikael's Point of View

Nandito pa rin kami ni Gabriel sa may buhanginan. Wala pa ring sawa sa pagtulo ang mga luha ko kahit na kanina pa 'ko umiiyak. Tanging hikbi ko lang ang maririnig sa paligid. Bakit ba hindi pa rin nauubos ang mga luha? Bakit hindi pa rin ako pagod?

Nakaupo lang ako sa buhangin habang nakasubsob sa tuhod ang mukha ko.

"Mika," Kanina pa hinahagod ni Gabriel ang likod ko.

Nag-angat ako ng ulo at saka ako tumingin sa kanya. Para akong hinilamusan ng tubig sa mukha sa dami ng luha.

"I can be your crying shoulders." Tinap pa niya pa ang balikat niya.

Hindi na 'ko tumanggi pa at sumandal nga sa kanya at saka pa lalong umiyak. Ano na lang ang gagawin ko kung wala siya dito ngayon sa tabi ko?

"Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan ngayon, Mika. Ako rin."

"B-Bakit mo nasabi? Naloko ka na ba? Nagmahal ka na ba ng taong may mahal nang iba?"

"Si Foina, siya yung kinukwento ko sa 'yong girlfriend ko at si Christopher naman ang sinasabi kong boyfriend niya."

Napatahimik akong bigla sa narinig ko. Iniangat ko kaagad ang ulo ko at saka magkasalubong ang kilay na napatingin sa kanya.

"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin kaagad?!" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko naman alam na asawa mo pala si Andrada."

"K-Kailan pa naging kayo?"

"Almost 3 years na rin sana pero napapansin ko na palagi silang magkasama ni Christopher. Sabi niya trabaho lang daw pero nung nakita ko sila sa Unisilver, doon ko napatunayan na may relasyon sila at...alam kong pera lang ang habol niya sa asawa mo, katulad ng ginawa niya sa akin."

"Eh napaka kapal naman pala ng pagmumukha niyang Foina na 'yan e! Napakalandi! Saka, bakit hindi ka sumabat kanina sa kanila?? Kung magsalita kanina nang ganon ang Foina na 'yon, parang hindi ka niya kilala. Hindi ka man lang ba nasaktan?? Paano mo nagagawa 'yan? Turuan mo 'ko kasi ang sakit-sakit na nito! Ang sakit-sakit na naman!" Sigaw ko sa kanya kasabay ng bawat paghikbi ko sinusuntok ko ang puso ko, nagbabakasaling maging manhid sa sakit pero walang epekto. Damang-dama ko pa rin.

"Sssshhh."

Naramdaman ko ang pagyakap ni Gabriel.

"Gab, please, tell me, paano maging manhid kagaya mo? Paano magmukhang okay? Paano maging, m-maging masaya kahit na alam mong hindi ikaw yung pinili? P-Paano?" It really hurts me that's why I am so desperate right now. Kung pwede nga lang magshut down muna ay gagawin ko just to escape this pain. It is killing me.

Naramdaman ko ang paghaplos ni Gabriel sa buhok ko. "You need to accept everything. You need to let go people kahit gaano pa kasakit. You need to find out kung sino ang worth it sa love at kung sino ang hindi."

"Hindi naman 'yon ganon kadali." Sunod-sunod pa rin ang hikbi ko.

"Hindi ko naman sinabing madali and besides, kailangan mong dumaan sa right process. Mukhang hindi ka pa naman ready mag-move on."

"Yeah. I don't know, it hurts me so much pero I know na siya lang din ang makakapagtanggal ng sakit na 'to. I hate him but I love him at the same time. Hindi ko maintindihan ang sarili ko."

"It's normal when you're inlove."

Iniyak ko lang nang iniyak ang nararamdaman ko. Nang mapagod, tumigil na rin. But still, yakap-yakap pa rin ako ni Gabriel.

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon