Kabanata 6

180K 4.2K 304
                                        

(A/N): Gabriel Myloves 👆 Mwa!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(A/N): Gabriel Myloves 👆 Mwa!

Kabanata 6
Cassiopeia Mikael's Point of View

Iyong Gab na nakabanggaan ko kanina, siya pala iyong kinukuwento ni Desiree na crush niya. Bakit nga ba hindi ko naisip iyon? Model material nga naman itong si Gabriel.

Dumeretso siya sa counter at um-order ng makakain. Pagkatapos, humanap siya ng mauupuan. Nahirapan siyang maghanap dahil puno na ang canteen. Nag-ooffer sa kaniya iyong mga kababaihang may space pang upuan sa mga puwesto nila pero hindi niya iyon pinansin. Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa puwesto namin.

"Mika, right?" He asked.

Tumango naman ako. "Yes?"

"Puwede bang dito na lang ako makiupo sa inyo? Ang awkward sa iba, eh, parang ako ang gustong kainin." At talagang todo ngiti pa siya. Ginagamitan niya ba ako niyon para mapapayag niya ako?

Well, effective! Congratulations.

"S-sure." May pagkaalanganin pa ako sa sagot ko na iyan. Paano ba naman, halos kainin na ako nang buhay ng mga babae ngayon dito sa canteen.

Umupo siya sa kabilang side ko. Nakapuwesto kami sa Isang round table. Ako, si Des, si Lex, tapos si Gab, iyan ang puwesto namin.

"Magkakilala kayo?" Gulat na tanong sa amin ni Desiree.

"Actually kanina lang." sagot ni Gabriel. Ayan na naman iyong ngiti niya. Hindi ba nangangawit ang panga niya?

Tumingin sa akin si Desiree at nagbigay ng *bakit-hindi-mo-sinabi-sa0akin-look* Binigyan ko naman siya ng *hindi-ko-alam-na-siya-iyon-look*. Oh well, hindi ko alam kung paano kami nakakapag-usap gamit ang mga tingin. Basta naiintindihan ko lang siya.

Nagkuwentuhan lang kami tungkol sa kung saan-saan. Biruin mong may pagkamadaldal din pala itong si Gabriel. Ewan ko ba, close na ba kami kaagad? Ito namang si Desiree may balak yatang tunawin si Gabriel sa pamamagitan ng tingin.

"Desiree, may bukas pa para tignan si Pareng Gab, ha?" Pang-aasar na naman ni Alexis nang mapansing titig na titig si Desiree sa kaniya.

Nahiya naman si Des sa sinabi ni Alexis. Siyempre narinig iyon ni Gabriel pero buti na lang at hindi niya iyon minasama. Ngumiti lang si Gab bilang sagot. Tiningnan naman ni Desiree si Alexis nang masama. Kung puwede nga lang makapatay ang tingin, siguradong pinaglalamayan na ngayon si Alexis, eh.

"Ohmyghad, si Christopher din paparating na!" Biglang sigaw ng isang babaeng akala mo eh lady guard kung makabantay sa pintuan ng canteen.

"Shocks! Busog na busog ang mga mata ko sa mga guwapo today!"

"Ako rin, gosh, sobrang nakaka-motivate!" Parang nagliliwanag pang sabi ng huling babae.

Lahat na lang ng guwapo pinagnanasaan nila.

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon