Kabanata 31

195K 3.8K 226
                                    

Kabanata 29: Welcome Home Again

Cassiopeia's Point of View

"Gaaaaaaahh!! I am so happy for the both of you, Unnie and Oppa!!" Bungad kaagad sa amin ni Jasmin "I missed you, Unnie!" Tapos tumakbo siya at saka mahigpit na yumakap sa akin.

"I missed you too, Jasmin." Niyakap ko siya pabalik.

"Jasmin, tulungan mo kaming mag-akyat ng gamit ng Ate mo sa itaas." Sabi sa kaniya ng Kuya niya.

"Araso, Oppa. Unnie, marami akong ikukwento sa 'yo mamaya, ha?"

Tumango ako sa kaniya at ngumiti. Inuna nang iakyat ni Jasmin ang maliliit kong gamit. Si Christopher naman ang nagbuhat sa mga malalaki. Siyempre tumulong din ako kahit papaano.

Pagkatapos maiakyat ang mga gamit ko, pinababa muna kaming dalawa ni Jasmin ni Christopher sa sala. May aayusin pa raw siya sa loob.

Sumunod naman kaming dalawa ni Jasmin. Napagdesisyonan na lang naming dalawa na simulan na ang pagkukwentuhan.

"Alam mo ba, Unnie, parang ewan iyan si Oppa noong wala ka." Panimula niya.

"Bakit naman? Ano bang mga pinaggagagawa niya habang wala ako?"

"Ganito kasi iyon, di ba nga, siya itong nagyaya na maghiwalay na kayo?"

Napatango ako sa kaniya.

"Noong nalaman niyang umalis ka ng bahay, inis na inis siya sa sarili niya. Palagi niyang sinasabi na, 'It's my fault, It's my fault' parang baliw! Eh, alangan namang kasalanan kong umalis ka, di ba?"

Nakakatawa yung facial expression niya habang nagkukwento. Ginaya niya pa yung boses ni Christopher sa pagsasabi ng It's my fault. Ang kulit lang, hahahaha.

"Tapos, hinahanap ka niya sa mga kaklase mo. One time nga na nag-shopping ako at napadaan sa school ninyo, nakita ko roon si Oppa na naghihintay sa tapat ng gate ninyo. Simula noong umalis ka, palagi ka na niyang hinihintay sa gate tuwing uwian. And...based on my research, sinundan ka ni Oppa pauwi sa apartment mo dati. Believe me, Unnie, naging stalker mo 'yan! Hindi lang gaanong halata hahaha."

Napatawa na rin ako. "Hindi ko maisip kung anong hitsura niya habang naghihintay siya sa gate. Hindi ko naman kasi siya palaging naaabutan doon, eh. Or, maybe, nagkakasaliwa lang kami ng dating at alis."

"Siguro nga, Unnie. At ito pa ang malupit! Sa sobrang hindi na alam ni Oppa ang gagawin para pauwiin ka, humingi siya ng tulong sa Daddy mo. Ikinuwento niya kung ano nga ba talaga ang status sa relationship ninyo magmula pa man noong umpisa. At, siyempre, nagalit si Tito nang malaman niya na nakikipaghiwalay si Oppa sa iyo. But, alam ko na na sa mga oras na iyon, mahal ka na ni Oppa. Sinuntok siya ni Tito noong araw na iyon at sinabi niya na hindi siya gagawa ng anomang paraan para sa inyong dalawa. Ayaw daw ni Tito na ipagtulakan ka sa taong nakasakit sa iyo. Kaya naman, pinili nila ni Tita na hindi mangialam sa inyong dalawa."

Wow, napaka swerte ko talaga kanila Mom at Dad.

"Unnie, ngayon ko na lang ulit nakita si Oppa na magbuhos ng effort para sa babae. I'm glad na natauhan na rin siya sa wakas at kinalimutan na niya ang gold digger na Foina na iyon!"

Oo nga pala, Foina is still existing! -_-

"Ano na nga pala ang balita sa babaeng 'yon?"

"Ang alam ko, pagka-break nila ni Oppa, may bago na siya kaagad pero ngayon, she's trying to get Oppa back to her. Hindi pala totoong mayaman yung lalakeng ipinalit niya kay Oppa kaya, hayun, sising-sisi ang epal na 'yon!"

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon