Kabanata 9
Christopher's Point of View
Kumakain kami ngayon ni Foina ng dinner sa restaurant malapit dito sa amin. We're one of the regular costumers here. I can't focus myself sa kinakain ko dahil rinig na rinig ko hanggang dito sa puwesto ko ang lakas ng hagalpak ng isang pamilyar na boses. Sa sobrang pamilyar nga, gusto ko na siyang hindi marinig magpakailanman. Masayang-masaya siyang kausap yung lalaking kasabay niya kumain na kung makatawa, akala mo walang asawa. Tuwang-tuwa naman yung gago na feeling model ng kung anomang brand ng toothpaste.
"Baby, bakit mo inihinto ang pagkain mo?" Foina asked me.
"Wala, may naaalala lang. Don't mind me, I'm fine." I answered.
Ngumiti siya sa 'kin at saka na ulit itinuloy ang pagkain. Maya-maya lang at pinagsalikop niya yung magkabila niyang kamay at saka pinagdidikit ang parehong hintuturo sa isa't isa saka pa ngumuso.
"Baby.." tumingin pa siya sa akin na para bang nahihiya. "pwede ba tayong pumunta sa mall mamaya? May nagustuhan kasi akong necklace d'on e. Gustong-gusto ko talaga 'yon."
"Sure, sasamahan kita. I'll be with you."
"E kasi, baby," Nahihiya pa niyang sabi. Kapag ganiyan siya, alam ko na ang gusto niyang sabihin. She wants me to buy that necklace for her.
"Okay, I'll buy it for you." I smiled to her.
"Really?!!! Thanks, baby!!!" Tapos tumayo pa siya at saka humalik sa pisngi ko.
"HAHAHAHAHAHAHA! Talaga?! Oh my ghad, that's amazing!!! HAHAHAHAHAHA!"
"Yeah." Nangangamot pa sa ulo si ugok. "Buti na nga lang at naniwala siya sa ginawa ko, nakakahiya talaga."
Nahihiya ka pala e, bat mo kinwento? Gago.
"HAHAHAHAHAHA! Siguro ganon din ang magiging reaksyon ko. Nakakaloka naman kasi talaga!" At talagang maririnig mo sa buong restaurant ang malakas na pagtawa ni Pei. Naknang, ganun ba kasaya kausap yung gunggong na 'yon?
"Well, past is past, Mikael. Huwag ka nang tawa nang tawa diyan." Pigil na sa kanya ng hunghang. Mabuti naman at marunong kayong mahiya.
Tawa lang sila nang tawa. I'm already pissed because of their annoying voices. At, tangina ang magsasabing nagseselos ako because I'm really not. Ayoko lang siyang makitang masaya. That's all!
Cassiopeia Mikael's Point of View
Grabe talaga, tawa ako nang tawa sa kwento ni Gabriel. Magpanggap ba namang bakla para lang tantanan ng babaeng stalker daw niya? That's hilarious, HAHAHAHAHAHA! Lalo ko pang ikinatawa yung pamumula niya habang nagkukwento sa 'kin. Sobrang hiyang-hiya talaga siya!
7:00PM na pero nag-aaya pa rin itong si Gabriel sa mall. May bibilhin daw kasi siya, ewan ko kung ano. Go with the flow lang naman ako, tutal wala namang maghahanap sa akin sa bahay.
Ano kayang ginagawa ngayon ni Chris sa bahay? Kumain na kaya siya?
Nang makarating kami sa mall, kaagad kaming pumasok sa Unisilver. May balak yata siyang pagbigyan ng jewelries.
"Maganda ba 'to?" Tanong niya sa akin.
Tumango ako. Cute naman kasi talaga yung bracelet na pinalilibutan ng maliliit na crystals na talagang kumikinang kapag natatapatan ng liwanag.
"Mahilig ka ba sa ganyan?" Tanong niya ulit.
I shrugged my head. "No."
Really, hindi talaga ako mahilig sa alahas. Sa totoo lang, yung wedding ring lang namin ni Chris ang tanging alahas na suot ko.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS)
Teen FictionHe's handsome, freakin' hot, snob, cold, campus hearthrob, model, popular. Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kanya kahit sa unang tingin? Sinong babae ang hindi sya papangarapin? He always make fun of me. He doesn't want to know others that he...