Kabanata 45

140K 2.9K 292
                                    

Ch. 43


Someone's POV


"Ikaw ang bahalang kumuha sa oras ni Christopher. Ako naman ang bahala sa babaeng 'yon. Hindi ko hahayaang maging masaya sila. Lalo na siyang babae siya! Wala siyang karapatan! Walang sinuman sa kanila ang may karapatan!"


"Paano kung ayaw ni Chris pumunta sa 'kin?"


"Gumawa ka ng paraan, boba! Hwag mo lang tangkaing ahasin ako dahil ako mismo ang puputol ng walang kwenta mong buhay. Maliwanag?"


"Tss, k!"


Pinutol ko na ang tawag.


Mga uto-uto talaga ang mga tao sa henerasyong 'to! *evil grin*


"Umpisa palang 'to ng kalbaryo ng buhay mo Mikael." Nagcross arms ako. "Nag-uumpisa palang ako."


Cassiopeia Mikael's POV


Unti-unti kong iminumulat ang mga mata ko. Ang sakit parin ng ulo ko. >_< May masakit din sa parte ng likod ko. Napasama yata ang bagsak ko kanina.


"Ayan na, ayan na! Gising na siya, Honey. Magready na kayo, bilis!"


"Heto na nga, Honey. Hwag ka namang magpanic."


Boses ba nila Mommy at Daddy 'yung naririnig ko?


"Nakakatuwa talaga ang ibinalita mo, anak. Gosh! excited na 'ko."


"Ang galing mo, Hijo. Binata kana talaga."


"Mom, Dad, magsitigil nga po kayo. -_-"


Nandito din sila Mama Sophia at Papa?


Naimulat ko na ang mata ko at pagkamulat na pagkamulat ko palang,


*Boom!* *Bshh!* *Boom!*


Nagulat ako nang magpasabog sila ng mga confetti.


"Congratulations!!" Sabay sabay na sabi nilang apat. Si Hubby naman ay nanatiling nakaupo sa kama katabi ko sapo ang ulo niya.


"A-ano pong meron? Nanalo po ba kayo sa kung saanman? Bakit para kayong nagcecelebrate?" Nagtatakang tanong ko.


Biglang lumundag si Mommy sa kama.


"Anak, hindi kana talaga baby." Malungkot pang sabi ni Mommy. "Pero masaya pa din ako para sa inyo."


"Masaya? Para po saan?"


"Ano ka ba naman anak, hindi ka pa ba nakakaramdam? Wala pa bang sumisipasipa?" Si Mama Sophia ang nagtanong.

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon