Kabanata 27

193K 4.4K 427
                                        

Kabanata 37
Cassiopeia Mikael's Point of View

​Ito na ang pinakahihintay na araw ng halos lahat ng mga estudyante sa school namin. Ang araw kung saan ang lahat ay tila may lisensyang humarot nang hayagan sa ilalim ng madidilim na ilaw. Kung saan ang bawat isa ay may pagkakataong makadamoves at makalapit sa mga taong lihim nilang pinagnanasaan sa loob ng mahabang panahon.

​Ang taunang Masquerade Party.

​Kagaya nga ng mariin kong sinabi kay Christopher noon sa mall, wala talaga akong anomang balak na pumunta sa event na tulad nito. Mas pipiliin ko pang magmukmok sa apartment ko at magbasa. Kaso, ang lokaret at mapilit kong best friend ay may kalokohan na namang pinaggagawa sa kaniyang buhay na idinamay pa ako.

​"Bakla, sumama ka na kasi . . . " walang tigil na pangungulit sa akin ni Desiree. Nakahawak ang kaniyang mga daliri sa laylayan ng aking school uniform habang pilit na hinahatak ito, at walang sawa ang pagnguso niya sa aking harapan upang magmakaawa.

​"Ayoko nga. Ang kulit mo naman eh," sagot ko sabay nguso rin sa kaniya, pilit na ibinabalik ang tingin sa hawak kong libro. Kasalukuyan akong nagbabasa ngayon sa sulok ng silid-aklatan kaso hindi naman ako makapag-concentrate dahil sa tindi ng panggugulo niya.

​"Eeeeh!" pagmamaktol niya, sabay padyak ng kaniyang mga paa sa semento na tila isang bata. "Kapag hindi ka sumali ngayon, ibibigay ko talaga ang eksaktong address ng apartment mo kay Christopher, sige ka! Tingnan natin kung makapagtago ka pa!" pagbabanta niya sa akin habang nanlalaki ang mga mata.

​Pinaningkitan ko siya ng mata, sinusuri kung seryoso ba siya sa kaniyang mga binitawang salita. "Weeeh? Magagawa mo ba talaga iyon sa akin, Desiree?"

​"Oo naman 'no! Anong akala mo sa akin, weak? Ah, basta, sumali ka na kung ayaw mong magkabistuhan!"

​"Eh! Ayoko nga talaga," pagpupumilit ko pa rin, pilit na nagmamatigas ang aking kalooban.

​"Ayaw mo ah."

​Isang mabilis na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Kinuha niya ang kaniyang cellphone mula sa bulsa ng kaniyang pants at may idinial na kung sinong numero. Kinabahan ako sa bilis ng kaniyang pagkilos.

​"Hello, Christopher Andrada?"

​Mataas at binalot ng pekeng tamis ang tono ng pagbati niya sa kabilang linya. Noong una, ayoko namang maniwala. Kilala ko si Desiree, baka kung anong eme-eme at acting niya lang iyon para takutin ako na kunwari ay may kausap siya.

​Ngunit bago ko pa siya mairapan, may pinindot siya sa screen ng phone niya. Ang loudspeaker icon.

​"Why?" sagot ng isang baritono, malamig, at pamilyar na boses sa kabilang linya.

​Halos pandilatan ko ng mga mata si Desiree, naramdaman ko ang biglang pagbuhos ng malamig na pawis sa aking likod. Kay Christopher nga ang boses na iyon, hinding-hindi ako maaaring magkamali kahit baligtarin pa ang mundo!

​"Do you wanna know a secret about your poor wife, Mr. Popular?" hamon ni Des, nakataas ang kaniyang isang kilay habang nakatingin sa akin.

​"Ang gusto kong malaman ay kung saan ko siya matatagpuan. Iuuwi ko na siya sa amin," mabilis at tila may tindi ng emosyon na sagot ni Tupe mula sa kabilang linya.

​Napatigil ang paghinga ko. What . . . wait! Ano raw? Iuuwi sa kanila?

​"Kapag talaga wala na sa iyo, saka mo hinahanap-hanap at hinahabol-habol ngayon, ano? Anyways, nakatira siya ngayon sa—"

​"Stop! Sasali na ako sa walanghiyang Masquerade Party na 'yan kung gusto mo! Napaka-ewan mo talagang babae ka!" pasigaw na bulong ko sa kaniya habang pilit kong inaabot ang phone niya para patayin ito.

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon