Kabanata 34

163K 3K 109
                                    

Author's Note:

Pagbigyan naman natin ngayon ang tambalang Aleree<3 Tambalang more sigawan, barahan at asaran, less pagmamahalan. Pahinga muna para sa team Christopeia hihihi. :)

- Chrispepper


Ch. 32 - Promise Cross my Heart [ Part 1 ]


Desiree's POV


Nandito ako ngayon sa library kasama ang unggoy na si Dela cruz. Kasalukuyan kaming naghahanap ng mga librong gawa ni Dr. Jose Rizal. Kailangan kasi naming kunin ang mga details chorva para sa bibliography na ipinapagawa sa 'min. Hindi ko alam ang tawag sa activity na 'to, pasensya na.

By partner 'to at sa kamalas-malasan, napartner ako sa unggoy. The one and only, Alexis Dela cruz.

"Myloves, may nahanap kana ba?"

"Wala!" Pagalit na sabi ko.

"'Wag ka namang highblood, Babe. Easyhan mo lang. Kalma. Hindi naman kita inaano Babe e."

"Tigil tigilan mo 'ko sa mga baduy mong tawag ah, Dela cruz a!"

"Ano ka ba, Honey, uso kaya 'to. Ikikiss na nga lang kita para hindi ka na highblood." Tapos ngumuso pa siya. Yuck! Parang gago.

"So cute talaga ni baby Alexis gosh! I want to hug him na." Girl1

"You're so right, girl. Pero, taken na yata siya e." Sabi pa nung isang babae.

"Beb, naririnig mo ba 'yon? Topic nila ang kagwapuhan ko. Famous diba? Hahaha. Payagan mo na kasi akong manligaw sa 'yo." *pout*

"'Wag ka ngang ngumuso, kadiri ka. Magtatae muna ako ng isang milyong barya bago kita payagang manligaw sa 'kin. Magfocus ka nga sa paghahanap ng libro, puro ka kalandian!"

"Ikaw talaga, Mhie, sa baby lang natin ikaw mahihirapan umiri. Ako na bahala sa isang milyon. Bubuuin ko pa kung gusto mo."

"Baby? Baby ba kamo?" Tumango yung unggoy. "Puntahan mo si Justin Bieber at kumanta kayo ng Baby maghapon!"

"Sshh!!" Sigaw ng mga tao sa library. Shems! Napalakas yata yung boses ko. Nakakahiya.

"Ang ingay mo, Mahal. Pero okay lang, para sayo kakanta ako ng Baby. Never say never pa nga o kaya one less lonely girl. Pero hindi ka naman magiging lonely kasi nandito lang ako forever." Kumindat pa yung gago.

Ay, juice ko patawarin! Kahabagan nawa.

Ipinagpatuloy ko nalang ang paghahanap ng mga libro. Lintek saan ba nakalagay 'yon? Ang dami naman kasing libro dito, tch.

"Sweety, nahanap ko na..."

"Hay salamat naman at nagkaroon ka na rin ng silb-"

"...ang babaeng papakasalan ko at mamahalin ko habambuhay." Dugtong niya.

"Tangina naman, Dela cruz! Magpakatino ka naman kahit ngayon lang!"

He just chuckled. Asdghjkl! Napaka walanghiya talaga, nakakapang-init ng ulo. Talent niya na siguro na asarin ako!

After an hour or two, nahanap ko na ang mga libro ni the great Rizal. Binitbit ko na ito at dinala sa may table. Umupo ako doon at Inilabas ko ang index card kong pinagsulatan ng format ng bibliography chorva.

Busy akong nagsusulat nang umupo sa tabi ko si Alexis.

"Uy des, seryoso nga tayo."

"Ano?" Sabi ko. Ang atensyon ko ay nasa sinasagutan ko parin na papel.

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon