Kabanata 53: Better Than Revenge Part 2
Cassiopeia's Point of View
“What a wonderful performance, Mrs. Andrada.” Bati sa 'kin ng MC. Walang sawa pa ang hiyawan at palakpakan ng mga tao lalo na sila Israel.
Ngumiti lang ako sa nagsalita.
Maglalakad na sana ako pabalik ng stage nang maramdaman kong tumayo si Foina sa kinauupuan niya.
“Excuse me.” Mababakas ang kakaibang tono sa pagsasalita niya. Nararamdaman ko ang galit. Well, that’s my plan…to trigger you!
Nakangiti akong humarap sa kaniya. Gusto kong maasar siya sa pagngiti ko. “Bakit?”
“Anong gusto mong palabasin sa kanta mo? Na nang-aagaw ako? For your information, ikaw ang nang-agaw! Inagaw mo sa 'kin si Christopher!” Sigaw niya.
I’m happy to see that she’s angry. I really wanted to provoke her.
“Oh, tinamaan ka pala.” Pang-asar pa 'kong tumawa. “Excuse me, hindi ko siya inagaw. It's not my fault kung bakit mas nagustuhan niya 'ko at kung bakit hindi na siya nakipagbalikan pa sa 'yo. Ako ang asawa samantalang ikaw, isa kang trying hard na wife wanna be.” Mataray na linya ‘ko na mas lalong ikinalukot ng mukha niya.
“Bawiin mo 'yang sinabi mo!”
“E paano kung ayoko? Totoo naman, hindi ba? You're such a gold digger. Nanggagamit ng lalake para lang makahuthot ng pera at kung ano-ano pang mga gamit. A very good example of a...” Inilagay ko pa ang hintuturo ko sa baba ko at saka umarte na kunwari ay nag-iisip. “...perfect bitch.” Dugtong ko.
“Ako? Gold digger at perfect bitch?! Ha! Tignan natin kung sino sa 'tin 'yon.” Sumenyas pa siya sa technicals. “Video please.”
Napangiti nalang ako at napacross-arms. Sumusunod ang lahat sa plano ko. I’m really excited to see her reaction.
Namatay ang lahat ng ilaw sa paligid. Alam kong naka-focus ang lahat ng atensyon ng mga tao sa harap. Sa lugar kung saan ipi-play ang video.
Una, picture nila Foina 'yung nag-play. 'Yon ang araw kung saan sila pa ni Hubby. Ginaya ko talaga ang video na ginawa niya para raw sa “SURPRISE” niya sa 'kin. Ang hindi niya lang alam, siya ang masu-surprise.
Nakikita ko pa ang mga ngiti ni Foina habang pinapanood ang umpisa ng video. Reminiscing a! Tss.
Gaya nga ng sinabi ko, ginaya ko ang umpisa ng video. Nakuha namin ang copy kanina. Balak niyang palabasin na ako ang nang-agaw. Na siya ang kawawa at ako ang gold digger. Natatawa nga ako habang pinapanood ang video na 'yon e. Tanga lang kasi ang maniniwala. Napakanonsense!
Ilang minuto ang nakalipas, nalipat sa isang voice recorder ang video.
Voice Recorder Playing…
“Hello?”
“Hello, Charice.”
“What now, Foina?” Parang bored pang sagot niya. Ito yung araw kung saan kakaayos lang naming dalawa.
“Tungkol ‘to sa plano ko para sa valentines party. Kailangan kong mapahiya ang Mikael na 'yon, kailangan ko siyang siraan sa campus, pati na rin kay Christopher. Kung hindi pa sapat sa kaniya ang pagkamatay ng anak niya, at kung hindi pa siya natuluyang mamatay, ngayon tutuluyan ko na talaga. Sisiguraduhin ko na na hindi ko lang siya sasagasaan at basta nalang sisipain. Aatrasan ko pa siya ng sasakyan. Papatayin ko siya! Sa 'kin lang si Chris, sa 'kin lang!” At saka siya tumawa na parang isang demonyo.
Nagbukas na ulit ang ilaw. Lahat ng mga nakarinig, gulat na gulat ang ekspresyong nakatingin sa puwesto ni Foina.
“W-What the hell?! It’s not true. It's not me. It's not me!” Pagkakaila pa niya.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS)
Teen FictionHe's handsome, freakin' hot, snob, cold, campus hearthrob, model, popular. Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kanya kahit sa unang tingin? Sinong babae ang hindi sya papangarapin? He always make fun of me. He doesn't want to know others that he...