Kabanata 39: Weird
Cassiopeia Mikael's Point of View
Pauwi na ako ngayon sa bahay namin.
Hindi ko kasabay si Hubby dahil sa hindi ko alam na dahilan. May ginagawa raw kasi siya at hindi niya sinabi sa akin kung ano iyon. Ganoon nga siguro kaimportante ang isang iyon kaysa sa akin.
Habang naglalakad, may nakita akong lalakeng may itinutulak na cart. Nagbebenta siya ng scramble, fishballs, at kwek-kwek.
Holy mother of sweet monkey cakes. Parang ang sarap ng kwek-kwek na iyon!
Patakbo akong lumapit kay Manong. Bigla kasi akong natakam doon sa kwek-kwek. Gusto kong kumain non!!
"Manong, magkano po ang isa nito?" Tanong ko, turo-turo yung kulay orange na pagkain na iyon.
"Dos lang ang isa, hija." Nakangiting sabi ni Manong.
"Pabili po ng thirty pesos."
Kaagad kong iniabot kay Manong ang bayad ko.
Takam na takam ako habang pinanonood ko iyong niluluto niya. Excited na akong matikman!
Saglit na minuto lang nakalipas ay nakuha ko na yung binili ko. Pagkakuhang-pagkakuha ko ay agad-agad ko iyong tinikman.
Ang saraaaaaaaaaaaap!
Nagpatuloy na ako sa paglalakad habang nilalantakan yung kwek-kwek. Nakasalubong ko pa si Desiree at Alexis na umiinom ng softdrinks malapit sa tindahan dito sa campus.
"Uy bakla, gusto mo?" Alok pa niya sa akin. "Favorite mo ito, tropicana." Dugtong pa niya.
Iniabot niya sa akin yung bote.
Tiningnan ko lang muna iyon. Nagpapawis pa ang bote dahil sa kalamigan n'on.
"A-ayoko." Tanggi ko sa kaniya.
Bakit parang biglang sumama ang pakiramdam ko nang makita ko ang inumin na 'yon. Para akong nasusuka.
"Ha? Himala naman yata. Eh nakikipag-agawan ka pa sa akin nito noon, ah."
"Hindi na siguro ngayon. Parang nakakadiri."
"Ang arte, ha." Ininom na ulit iyon ni Desiree.
At ewan ko ba, habang iniinom niya ang inumin na 'yon ay bigla na lang akong nasuka.
Bakit ako nandidiri doon ngayon? Umiinom naman ako dati non, ah. Nasuya na siguro ako sa lasa non.
"Bakla, okay ka lang ba? Ang OA naman yata niyang reaaksiyon na iyan? Parang tropicana lang, eh."
Hindi ko na lang din siya sinagot. Ano ba itong nangyayari sa akin?
Pagkauwi ko sa bahay, dumiretso kaagad ako sa kwarto. Gusto kong matulog.
***
Nagising ako nang marinig ko ang boses ni Hubby na tawag nang tawag sa pangalan ko. Iniyuyugyog pa niya ang katawan ko."Wifey, bakit hindi ka pa nagpapalit ng uniform mo? Mukhang pagod na pagod ka pa."
Nag-inat ako ng katawan. "Inantok kasi ako, eh. Tinamad na akong magpalit ng uniform."
"Kumain ka na ba?" Tanong pa niya. Hinipo pa niya ang noo ko. Inaalam niya siguro kung may sakit ako. Eh, wala naman.
"Hindi pa."
"Halika sa ibaba." Pang-aaya niya sa akin.
Tiningnan ko ang wall clock habang pababa kami ng hagdan. 8:00PM na pala.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS)
Teen FictionHe's handsome, freakin' hot, snob, cold, campus hearthrob, model, popular. Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kanya kahit sa unang tingin? Sinong babae ang hindi sya papangarapin? He always make fun of me. He doesn't want to know others that he...