Kabanata 3

222K 4.9K 562
                                        

(A/N): Bessywap ni Pei, Desiree Salvador ☝️

Kabanata 3
Cassiopeia Mikael's Point of View

Pagkatapos ng gabing iyon ay pinasukatan na ako ni mommy ng wedding gown. Hindi kami nag-imbita ng maraming bisita sa kasal dahil nga sa biglaan lang ang wedding namin. Ang sabi ng mommy, after graduation, doon daw kami ikakasal ulit ni Tupe sa simbahan. Ang mahalaga raw ngayon ay maikasal na kami para wala nang atrasan.

"Sweety, kumusta naman ang pag-uusap ninyo ni Chris sa garden kagabi? Nagkaroon ba kayo ng 'getting to know each other' moment?" Halata ang excitement sa pagtatanong na iyon ni mommy. Akala niya siguro ay may kaabang-abang na kuwento siyang mapakikinggan ngayon mula sa akin.

"Okay lang naman, masaya." I said full of sarcasm at the same time, bored. Hanggang ngayon ay nag-eecho pa rin sa akin ang huling sinabi ni Chris.

"You're cheap"

Wala naman kasing magandang nangyari roon sa garden bukod sa paulit-ulit niyang sinabi sa akin na huwag ko hayaang matuloy itong kasal. Like, hello? Kung ayaw niya naman pala itong matuloy, bakit hindi siya ang tumutol, hindi ba?

"Mabuti naman kung ganoon." todo ngiti pang sabi niya.

Seriously, mommy, hindi ka ba marunong maka-recognize kung sarcastic o hindi?

Nakakainis naman kasi ang Tupe na iyon, eh. Gustong-gusto ko siya pero ayaw niya naman sa akin. Hindi man lang ba niya bibigyan ng chance ang sarili niyang mapalapit at magkagusto sa akin? Arranged na ang marriage namin at malinaw na nakasaad doon na lahat ng sagabal ay hindi tatanggapin sa korte. Wala rin naman siyang choice.

Hindi bale, kapag kasal na kami, magiging hands-on wife naman ako sa kaniya. Kakainin niya rin iyong sinabi niyang hindi niya ako gusto.

❊ • ❊ • ❊

Ilang araw ang lumipas, wala ring sinoman ang nakapigil sa kasal. Alam kong ang selfish ko sa part na hindi ako gumawa ng paraan para hindi ito matuloy dahil sa talagang gusto ko siya pero bahala na, siguro naman ay matututuhan niya rin akong mahalin.

Private beach wedding ang napili namin. Intimate. Tanging kami lang ni Tupe, ang mga parents namin, tigdalawang ninong at ninang, at ilang kamag-anak lang both sides ang naging saksi sa kasal. Wala kaming inimbitahang mga kaibigan pero siyempre, puwede bang hindi malaman ni Desiree ang tungkol dito? Naur!

During 'kiss the bride', sa tungki ng ilong lang ako hinalikan ni Tupe, parang pilit pa nga, eh. Kung hindi pa siya lalakihan ng mata ng mommy niya, hindi pa niya ako iki-kiss sa lips.

Sobrang guwapo ng asawa ko ngayon, simpleng white tux ang suot pero makalaglag panty ang dating! Hindi na talaga ako magtataka na marami ang nagkakagusto sa kaniya. At kung gaano karami ang mga iyon, ganoon din karami ang sasabunot sa akin sa oras na malaman nilang kasal ako sa taong ito.

"Congratulations mga anak!" Bakas ang tuwa sa mga mata ni Mama Sophia sa pagbati niyang iyon. Yumakap ako sa kaniya samantalang si Tupe ay wala man lang reaksyon.

Sa isang private hotel sa mismong beach resort ginanap ang reception namin. Doon na rin iniabot sa amin ni Mama Sophia ang titulo ng house and lot na regalo niya samin at sila mommy naman ay nagbigay ng 2 million pesos para daw manimula naming dalawa. Jusko!

— END OF FLASHBACK —

Ala-sais na pero hindi pa rin umuuwi ng bahay si Tupe. Sa pagkakatanda ko, hanggang 3:30 PM lang ang tapos ng last class niya. Saang lupalop ng mundo na kaya napunta ang isang iyon? Hindi man lang nagsabi kung may shoots or ano pa.

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon