Kabanata 10
Cassiopeia Mikael's Point of View
Isang nakaririnding tunog ng alarm clock ang marahas na gumising sa akin mula sa malalim na pagtulog. Bahagya pa akong naalimpungatan habang kinakapa ang cellphone ko sa side table. Parang kaiidlip ko pa lang, tapos umaga na kaagad? Ang bilis naman yata ng oras.
Nang tingnan ko ang screen para patayin ang tunog, doon na tuluyang nag-init ang ulo ko.
2:00 AM? Talagang madaling araw?!
Sinong matinong tao ang magse-set ng alarm clock sa ganitong oras? Agad na naglakbay ang isip ko sa huling eksena bago ako matulog kagabi. Nahuli ko si Christopher kanina na hawak-hawak ang phone ko bago niya ako iniwan sa sala.
Hindi kaya . . .
"Christopher Andrada!" nagngingitngit na bulong ko sa dilim.
Natatandaan ko na ganitong-ganito rin ang ginawa niya noong nakaraang buwan nang mainis siya sa akin dahil kinulit ko siya sa tapat ng classroom nila. Ano naman kayang kinainisan ng isang 'yon ngayon sa akin para gantihan ako nang ganito? Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak niya kung minsan. Pero ang sigurado ngayon, dahil sa ginawa niya, tuluyan nang naglakbay ang antok ko. Sinubukan kong ipikit ulit ang aking mga mata, tinakpan ang mukha ng unan, at nagpagulong-gulong sa kama para humanap ng komportableng pwesto.
Tick, tock. Tick, tock. Tick, tock.
Ugh! Wala talaga. Hindi na ako makakatulog nito! Humanda ka sa akin ngayon, Andrada, makakatikim ka talaga.
Dala ng matinding inis, padabog akong tumayo sa higaan at tinungo ang kabilang kwarto kung saan natutulog si Tupe. Walang preno kong kinalampag ang kaniyang pintuan gamit ang magkabila kong kamao.
"Christopher Andrada, gumising ka riyan! Walanghiya ka, ano na namang trip mo sa buhay at nanggigising ka ng tao sa kalagitnaan ng gabi? Lumabas ka riyan!"
I continued pounding on the door until, finally, lumikha iyon ng tunog ng pagbaba ng lock. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang isang bagong gising na Christopher—gulu-gulo ang buhok, kalahating nakabukas ang mga mata, ngunit bakas agad ang bagsik ng kaniyang awra.
"Fuck, stop it. What's your problem, ugly woman?!" mariing asik niya sa akin habang hinahawakan ang sentido.
"Ugly woman pala, ha? Ito ang sa'yo!"
Bago pa man siya makailag, buong lakas kong ibinagsak ang paa ko para apakan ang kaniya. Hindi dahil sa pisikal na pananakit ang habol ko, kundi dahil talagang sumasabog na ako sa inis. Hindi porke't mahal ko siya ay hahayaan ko na lang siyang pagtripan ang tulog ko tuwing gusto niya. May limitasyon din ang pasensya ko.
"Shit!" Napahawak siya sa pader at napamaang sa akin habang pinapawi ang sakit. "Ano bang problema mo?!"
"Ikaw ang problema ko! Alarm ka nang alarm sa orasan ko, bwisit ka! Hindi mo ba alam na hirap na akong makabalik sa pagtulog nang dahil sa ginawa mo?!" sigaw ko sa kaniya habang nakapamewang.
"And so?" Itinaas niya pa ang isang kilay niya, tila walang kahit katiting na pagsisisi.
"Epal ka talaga!"
Bahagyang humupa ang galit sa kaniyang mukha nang biglang bumaba ang tingin niya sa leeg ko—sa kwintas na ibinigay ni Gabriel, to be exact. Matagal na nanatili ang tingin niya roon, kaya naman mas lalo kong inilabas ang dibdib ko para lalong makita iyon.
"Anong tinitingin-tingin mo sa kwintas ko?" mataray na tanong ko sa kaniya.
"Masama bang tingnan? Mahiya ka naman sa sarili mo, ang kapal ng mukha mong isuot 'yan," malamig na paratang niya na ikinasalubong ng mga kilay ko.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS)
RomanceHe's handsome, freakin' hot, snob, cold, campus hearthrob, model, popular. Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kanya kahit sa unang tingin? Sinong babae ang hindi sya papangarapin? He always make fun of me. He doesn't want to know others that he...
