Kabanata 13
Cassiopeia's Point of View
Tawang-tawa pa rin ako kapag naaalala ko ang eksaktong hitsura ni Christopher nang matamaan siya ng bola sa mukha. Sobrang epic hahahaha. Hanggang ngayon nga ay nakakunot pa rin ang noo niya sa 'kin.
Nagsuot ako ng see through na damit dahil lalagyan ko ng yelo sa mukha itong mister ko. Ayaw niya raw kasing makita ang nakakaumay kong pambatang katawan. Ang bwisit na 'to, akala mo e kung sinong gwapo, e totoo naman!
"Dadampian ko na po ng yelo ang mukha mo, Mahal na Hari. Pffft!" Hindi ko talaga mapigilang hindi matawa. Ano ba naman 'to, ang hirap magmove-on, hahahahaha!
"Umalis ka na nga, hindi ka nakakatawa!" Inis na sabi niya. "Sumama ka doon sa Gabriel mo total mukhang doon ka naman masaya."
"Ikaw pa 'tong magsusungit diyan, ikaw na nga ang inaasikaso. At isa pa, bakit ba ang init ng ulo mo doon sa tao? Konti na lang, iisipin ko nang nagseselos ka." Biro ko. Alam ko namang mas malayo pa sa pagkakaroon ng aurora sa Pinas na mangyari ang bagay na 'yon.
"Psh, hindi porke sinabi ko sa kanyang asawa kita e may gusto na 'ko sayo. Hwag ka mangarap nang dilat ang mata mo."
Idinikit ko na ang towel na may yelo sa mukha niya.
"Wala naman akong sinabing may gusto ka sa 'kin. But if you insist," Bahagya akong napatawa. "Hwag kang mag-alala, asawa kong hot na pogi, gwapo ka pa rin naman kahit namumula ngayon yung mata mo."
"Stop calling me 'asawa kong hot na pogi', napaka childish."
"Anong gusto mo? Love, honey, babe, hubby, baby? Name it." Biro ko ulit.
"Kadiri."
Napabusangot ako sa tugon niya. KJ!
Biglang pumasok sa kwarto ng resthouse namin si Mama Sophia para i-check si Chris. May mga dala pa siyang mga yelo, balak na yatang i-freeze ang mukha ni Chris, hahahaha.
"Anak, okay na ba yang mukha mo?"
"Yeah, I think." Sagot ni Chris habang hawak-hawak ang mukha niya.
"Pagkatapos niyo diyan, bumaba na kayo at tulungan niyo kaming magtuhog para sa iihawin mamayang barbecue. Hwag kayo masyadong mapusok at baka mahuli pa namin kayong may ginagawang himala dito, Okay? Hinaan niyo rin ang boses, alam kong masaya ang ganon."
Napanganga ako sa sinabi ni Mama at naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. Lumabas na siya at kami na lang ulit ni Chris ang naiwan sa loob ng kwarto.
Nagkatitigan kaming dalawa at kaagad akong nag-iwas ng tingin dahil ayokong mahalata niya ang pamumula ko.
"It's a nice idea, would you like to try?" Sabi pa ni Christopher sa 'kin.
"Yuck!!" Sigaw ko. "Magtigil ka nga, baka pumatol talaga ako sayo!" Dugtong ko at saka ibinato sa kanya ang towel na hawak ko.
Kaagad-agad akong lumabas ng kwarto dahil sa hiya ko. Narinig ko pa ang malakas na tawa ni Chris.
"Asa, ayoko sa flat!" Sigaw pa niya.
Gusto ka naman!
Tinulungan ko na sila Mama sa pagtutuhog ng barbecue. Lumabas si Chris na may kausap sa cellphone. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay medyo lumayo siya sa direksyon namin.
Hwag naman sana si Foina ang kausap niya. Malulungkot na naman ako.
Nang mapansin kong tapos na siyang makipag-usap sa telepono ay lumapit na ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS)
Teen FictionHe's handsome, freakin' hot, snob, cold, campus hearthrob, model, popular. Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kanya kahit sa unang tingin? Sinong babae ang hindi sya papangarapin? He always make fun of me. He doesn't want to know others that he...