Kabanata 27
Cassiopeia Mikael's POV
"Kyaaaaaaaaaaaahh!!~" Talon ako nang talon habang tumitili sa ibabaw ng kama ko. Grabe, I kenat, I kenaaaaaaaaat *O*
"Mygoodness, Cassiopeia Mikael, stop yelling!!" Sabi ni Desiree habang tinatakpan niya ng kanyang palad ang magkabila niyang tenga.
"Kyaaaaaaaaah!!~ Grabe talagaaaaaaaa! Kyaaaaaaaaaahh!!~" Ikinalat ko pa sa buong kwarto yung bedsheet at kumot ko sa sobrang sayang emosyong nararamdaman ko ngayon.
"Move on, okay? Move on!"
Alam kong naiinis na siya sa 'kin pero hindi ko talaga mapigilan! >/<
"Bakla, paano ako makakamove-on kung patuloy ko pa ring naaalala yung nangyari kagabi, ha?! Kyaaaaaaaaaahh!!~ Kinikilig pa rin ako nang sobra! >/< Hinalikan niya ako. Hinalikan niya ako, Bakla!!"
"Oh my poor eardrums!" At saka pa pinasukan ng bulak ni Desiree ang magkabila niyang tenga at iiling-iling na nakatingin sa 'kin.
Noong napagod na ako kalulupasay, umupo na ulit ako sa kama ko. Nandito kami sa apartment ko ngayon at patuloy pa rin ako sa pagbabalik-tanaw sa karanasang nangyari sa akin kagabi. Myghaaaaaad, parang fairytale *_*
"O, ano tapos ka nang kiligin? Maghapon mo nang ginagawa 'yan, wala kana bang ibang plano? -_-"
"Ikaw naman, Bakla! I-support mo nalang ako, ha? Minsan lang naman ako maging masaya nang ganito, pagbigyan mo na ako." Nakangusong sabi ko.
"E ang OA na e -_- Alam mo yung OA, ha? Gano'n ka e, gano'n na gano'n!"
Mas lalo ko pang pinahaba ang nguso ko sa harapan niya. "E sa kinikilig nga kasi. Napaka KJ."
"Whatever!" Umirap siya sa 'kin. "Tumayo kana nga r'yan at pakainin mo naman ako. Nakakapagod kaya panoorin yung kaemehan mo -_-"
"Sorry na, heto na, ipaghahanda na po kita mahal na prinsesa." Sarkastikong sabi ko. Pwede naman kasi niyang pakainin ang sarili niya kung nagugutom na siya, tamad lang din kumilos. Kita nang nagmamaganda pa ako e, hmp!
"Good." Nag-thumbs up pa siya sa 'kin.
Lumabas na 'ko ng kwarto at nagtungo sa kusina. Naghanda ako ng Brunch (Breakfast and Lunch) para sa aming dalawa. Late na kasi kaming nagising dahil 2am na rin natapos ang party kagabi.
Well, hinatid ako ni Christopher kagabi rito. Sabi nga niya, umuwi na raw ako sa 'min pero sabi ko naman ayoko muna. Mas maganda nang ma-miss niya 'ko para hindi magbago ang feelings niya. Hahaha :p
"Ready na ang pagkain, kamahalan." Inilapag ko sa harap niya ang inihanda kong pagkain.

BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS)
Teen FictionHe's handsome, freakin' hot, snob, cold, campus hearthrob, model, popular. Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kanya kahit sa unang tingin? Sinong babae ang hindi sya papangarapin? He always make fun of me. He doesn't want to know others that he...