AZULAN'S PROVERBS
Sa wakas nakarating na rin kami sa Timog bahagi kung saan magaganap ang malaki naming laban at pinalabas na rin ni Pirena si Draco bago kami makarating dito pagkat natitiyak ng aking asawa na tawagin ni Andora ang kanyang alagad na halimaw na gawa sa usok sa di kalayuan ay nakita namin ang panig ni Andora na nagmamartsa.
PIRENA:Maghanda na tayo pagkat paparating na ang WARKANG Andora ni iyon kasama ang kanyang mga kawal!
AZULAN:Tama ka Mahal at nakatitiyak ako na sila ang unang lulusob sa atin!
DESHNA:Tama kayo Apwe at Adto ngunit hindi naman sila magtatagumpay di ba?
PIRENA:Hindi-hindi at wala silang kamalay-malay kung ano ang ginawa ko sa kanilang sandata!
DESHNA:Anong ginawa mo?
AZULAN:Malalaman mo rin Deshna
At nagkatinginan kami ng aking Hara at nginitian ang isa't-isa.
ANDORA'S PROVERBS
Gamit ang aking teleskopyo nagtataka akong na tila napakasaya pa rin ng mag-asawang iyon na parang wala lang na namatayan sila ng anak at andes nesa aduwa iva!(anong ibig sabihin nito bakit may ivtre silang kasama? pasnhea ano kaya ang binabalak ng mga ito? mabuti pang unahan ko na sila!(Sambit ko pa sa aking isipan)
ANDORA:Ngayon alam niyo na ang gagawin paslangin silang lahat!
Bago ko pa inutusan ang aking mga kawal upang sumugod ay tinawag ko muna ang aking alagad.
ANDORA:ATAYDE!
Tumakbo na ang aking mga kawal papalapit sa kanila.
DESHNA'S PROVERBS
Inihanda na namin ang aming mga sarili pagkat lulusubin na kami ng kabilang panig.
AZULAN:ESTASECTU!
PIRENA:AGTU!
Nagsimula na nga ay malaking labanan nilabanan ni Apwe Pirena ang mga kawal niyebe gamit ang kanyang kapangyarihan at sandata habang si Draco naman ay nagipagtagisan ng galing sa halimaw ni Andora habang kami ni Adto Azulan ay gamit namin ang aming lakas at sandata dahil sa galing ng aking kapatid sa pakikipaglaban ay marami siyang napaslang na kawal mula sa magkabilang panig hindi rin kami pahuhuli ni Adto Azulan sa sandaling konti nalang ang natitirang kawal ay nagtungo si Apwe Pirena sa kinaroroonan ni Andora.
PIRENA:Haharapin ko lang si Andora!
DESHNA:Mag-ingat ka apwe!
AZULAN:Kami ng bahala sa mga pasheang ito!
PIRENA:Avisala eshma(At nag-ivictus)
Pagkatapos ay pinalibutan naman kami ng mga kaaway hay..kailan ba susuko ang mga ito?
AZULAN:Kawawa naman kayo lumaban pa kahit alam na natin na kayo'y TALO na!(Paasar niya)
DESHNA:Umatras nalang kayo bago kayo masaktan!(Dagdag ko pa)
KAWAL NIYEBE:HINDI KAMI SUSUKO!
At sinugod kami nilabanan namin ang mga ito madali lang namin silang natalo pagkat marupok ang kanilang sandata at madali itong nasira "Hahaha ito pala ang ibig sabihin ng aking apwe"(Sambit ko sa aking isipan)
KAWAL NIYEBE 1:Kailangan natin ng bagong sandata!
KAWAL NIYEBE 2:Sinubukan kong kumuha ng mga armas ngunit hindi ko ito mahawakan dahil sa sobrang init!
AZULAN:Yari kayo ngayon!
KAWAL NIYEBE 3:Wenuveshka! ipaalam namin sa aming reyna ang inyong pinagagawa sa aming sandata!
DESHNA:Sige magsumbong kayo!
Nagsialisan ang mga ito na parang mga paslit na magsusumbong sa kanilang Yna napailing nalang kami ni Adto Azulan napatawa sa kanilang inasal.
PIRENA'S PROVERBS
Tila gulat na gulat si Andora sa pagdating ko sa kanyang kinaroroonan at nakikita ko sa kanyang mga mata ang sobrang galit ngunit hindi pa rin akong mag-alinlangan na siya'y inisin.
PIRENA:Bakit gulat na gulat ka riyan na para bang nakakita ka ng ivtre?!matagal tagal na rin noong huli kitang makaharap warka!
ANDORA: Wala kang karapatan upang ako'y lapastanganin!
PIRENA:Ba't ka nagagalit? nagsasabi lang ako ng totoo!
ANDORA:Pashnea ka!
Sa kanyang galit ay inatake niya ako gamit ang kanyang espada ngunit madali akong nakaiwas.
PIRENA:Akala ko ba magaling ka sa pakikipaglaban?! pagkat ikaw ay isang Heran!
ANDORA:Wenuveshka ka talaga Pirena!
Muli na naman niya akong inatake dahil diyan ay nagsimula na kaming magtagisan ng galing sa pakikipaglaban sa di kalaunan ay nagpakawala na siya ng kapangyarihan ganon na rin ako.
PIRENA:Sa ginagawa mong iyan mawawalan ka talaga ng mga alagad,eteka aneya ivi?(nakalimutan mo na ba?) na may sumpa sa inyo sa Cassiopea?
ANDORA:Hindi ko iyon nakalimutan Hara ngunit wala akong pakialam!
Mas lalo pa niyang nilakasan ang kanyang pwersa konting-konti nalang ay madadaig na niya ako tanakreshna!
ANDORA:Nasaan na ang lakas ng iyong brilyante?tila nanghihina kana yata HARA NG HATHORIA!(Sarkastikong sambit niya sa akin)
PIRENA:Akala mo lang iyon!(Sabay bwelo ko ng malakas ng dahil diyan ay napatumba ko siya at nasugatan ng malala)
ANDORA:Tanakreshna!
At saka nag-ivictus sa di kalayuan ay nakita ko na nadaig ni Draco ang halimaw ni Andora at lalo akong natuwa nag-ivictus na rin ako patungo sa kinaroroonan ng aking asawa at kapatid wala pa ngang isang segundo pinalibutan agad ako ng mga pashneang kawal niyebe.
Dahil nga wala na akong panahon sa pakikipaglaban ginamitan ko na sila ng aking kapangyarihan kaya napaslang ang mga ito.Nakita ko pa rin ang aking asawa at kapatid na nakipaglaban sa mga alagad ni Andora kaya inilabas ko na ang aking brilyante.
PIRENA:Inuutusan kita aking brilyante na iyong sunugin ang lahat ng mga vedaljeng na nakapalibot sa amin!(Sinunod naman ito ng aking brilyante at nasunog ang lahat ng alagad ni Andora na nakalaban namin)
AZULAN:Avisala eshma e correi!😊
DESHNA:Avisala eshma Apwe!😊
PIRENA:Walang anuman!😊
Nang ilang sandali lang ay nakaramdam ako na may bumubulong sa hangin ay may mensaheng ipinadala si Amihan na nagsasabing "Puntahan niyo sina Alena pagkat kailangan nila ng tulong doon."
AZULAN:May problema ba Mahal?
PIRENA:Wala naman may pinadalang mensahe ang aking kapatid na kailangan natin pumunta sa kanluran pagkat nangangailangan nila ng tulong doon.
DESHNA:Kung ganon ay tayo na!
Humawak sa aking bewang si Azulan habang si Deshna naman ay sa balikat bago kami nag-ivictus ay hinarap ko muna ang aking asawa.
PIRENA:Sa bewang talaga Rama?!(Sabay taas ng kilay)
AZULAN:Paumanhin Hara ngunit diyan ko nais humawak!😀(Pilyong sagot niya)
DESHNA:Hayaan muna si Adto Apwe mag-asawa naman kayo!😀
PIRENA:Kung hindi pa tayo nagmamadali binatukan ko na kayong dalawa!
At tinawanan lang nila ako saka kami nag-ivictus patungong kanluran at napailing nalang ako.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)
FantasyBAGONG BUHAY,BAGONG MISYON, BAGONG MUNDO, AT BAGONG PANGANIB MAGTATAGUMPAY PA RIN BA ANG LIWANAG LABAN SA KASAMAAN?