GENERAL'S PROVERBS
BUMAGSAK NA HALCONIA
JIGS' PROVERBS
Pagkalipas ng ilang minuto na andiyan ako sa alapaap hawak hawak ng mga pulang taong ibon ay nakarating na kami sa kuweba ngunit parang bumabagsak na ito ngunit may naninirahan pa rin dito,kasalukuyang itinali ang aking mga kamay at mga paa gamit ang makakapal na kadena.
JIGS:Pakawalan niyo na ako dito wala kayong makukuha sa akin!
RAVENA1:Hindi maari kung kayo sa iyo ay tumahimik ka nalang kung ayaw mong mapaslang!
JIGS:Ano bang plano niyo bakit niyo ako kinidnap?
RAVENA2:Tatahimik ka o papaslangin kita?
JIGS:Oo na tatahimik na.
Hay nako ang malas-malas ko naman ngayong araw sambit ko sa isipan.
GENERAL'S PROVERBS
TAGAYTAY HEIGHTS
Nakarating na nga ang mga Rama sa kanilang tahanan imbis na bumaba sila sa tapat ng bahay ay dumeretso na silang apat sa parking lot upang sabay sabay ng bumaba at sabay ng makapasok sa bahay.
Pagpasok nila sa bahay ay nilang hinanap si Choleng upang makausap ito mabuti nalang na agad nila itong nadatnan sa dining room nagpupunas ng mesa.
CHOLENG:Mabuti naman na nandito na kayo, nasaan ba si Jigs?
MEMFES:Ate Choleng kailangan mong sumama sa amin sa conference room.
CHOLENG:Bakit,may problema ba kayo?
YBRAHIM:May importante kaming sasabihin sa inyo kaya doon na tayo sa conference room.
Nang makapasok na silang lahat sa conference room ay sinigurado ni Azulan na nakalock ang pinto bago siya nagsalita.
AZULAN:Kinuha ng mga Ravena si Kuya Jigs.
CHOLENG:K-kinuha siya ng Ano?!
AQUIL:Ang ibig sabihin ni Azulan ay kinuha siya ng aming mga nakalaban.
CHOLENG:Ha?!paano ngayon iyan baka mapahamak ang asawa ko!
AZULAN:Huwag kang mag-aalala Ate Choleng dahil nagtungo na doon sila Pirena.
CHOLENG:Paano kung mapahamak din sila?! ano ba iyan!
MEMFES:Manalig lang tayo sa kanila,kung matataglan man ang magkakapatid na Sangre ay pupuntahan namin sila.
CHOLENG:Sana nga walang masamang mangyayari.
YBRAHIM:Mabuti pang doon na tayo sa hardin maghintay sa kanila upang hindi tayo mahalata.
SA BUMAGSAK NA HALCONIA
Pagdating ng magkakapatid na Sangre sa Halconia ay agad silang napapalaban sapagkat sinalubong sila ng mga taksil na Ravena kaya nilabanan nila ito gamit ang kanilang mga sandata
DANAYA:Maghiwahiwalay tayo kami ni Alena dito sa Timog at Hilaga.
AMIHAN:Sige kami na ni Pirena sa hilaga at kanluran magpadala agad tayo ng mensahe sa isa't-isa kung makikita natin si Ninong Jigs.
Tumango naman ang mga ibang kapatid ni Amihan bilang pagsangayon,naikot na ni Alena at Danaya ang Timog bahagi ng Halconia wala silang ibang nakikita kundi ang mga bantay nito kaya napapalaban na naman sila,kaya naisipan na nilang magtungo sa Hilaga.
ALENA:Bakit ka tumigil sa paglalakad,Danaya?
DANAYA:Ssh..huwag kang maingay may narinig akong kumaluskos..
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)
FantasyBAGONG BUHAY,BAGONG MISYON, BAGONG MUNDO, AT BAGONG PANGANIB MAGTATAGUMPAY PA RIN BA ANG LIWANAG LABAN SA KASAMAAN?