FAST FORWARD
MALACAÑANG PALACE
LUCIO'S PROVERBS
Ilang oras na kaming naghihintay sa mga diwata ngunit hindi pa sila bumalik dito upang sabihin ang kanilang pasya at natapos na ang kanilang oras kaya tinipon na namin ang aming mga hukbo upang lusubin ang kanilang bagong kuta sa oras na makarating kami doon ay wala kaming ititira.
LUCIO:Mga kawal alam niyo na kung ano ang inyong gagawin pagdating natin sa kanilang bagong kuta papaslangin natin ang mga nakatira doon!
AGATHA:Wala kayong sasantuhin mapabata man o matanda ay patayin niyo maliwanag?!
MGA KAWAL:Masusunod mga kamahalan!
Saka sumakay na ako sa sasakyang panghimpapawid kasama ni Andora,Agatha,at Ether habang lumilipad naman ang aming mga alagad patungo sa bagong kuta ng mga diwata.
BAGONG KUTA LEGASPI ALBAY
AZULAN'S PROVERBS
Pagkatapos ng ilang oras pahinga ay naghanda na kami para sa paglusob ng mga kalaban kahit na mas marami ang kanilang bilang kaysa sa amin natitiyak ko na makakaya namin na labanan sila papalabas na sana ako ng aming silid ni Pirena at may naramdaman akong yumakap sa akin mula sa likuran at
PIRENA:E correi..(Tawag pansin sa akin ng aking Hara)
AZULAN:Bakit Mahal ko.
PIRENA:Hindi natin batid ang mangyayari ngayong araw na ito ngunit mangako ka sa akin na mag-iingat ka,alam mo naman na hindi ko kaya mawala ka sa amin ng mga anak mo.
Sabi niya habang nakayakap sa akin hinarap ko siya at hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi.
AZULAN:Oo Mahal ko pangako na mag-iingat ako,wala namang laban na hindi natin kinakaya di ba?
PIRENA:Batid ko ngunit malalakas ang ating mga kalaban ngayon.
AZULAN:Basta't magkasama tayo natitiyak ko na walang mapapahamak sa atin.
Saka inakap ko ang aking Hara at yumakap naman siya pabalik.
YBRAHIM'S PROVERBS
Nasa hardin ako ngayon lilalanghap ang sariwang hangin nasasabik akong maramdaman ulit ang ganitong klaseng kapaligiran sa simula ng tumungtong kami sa mundo ng mga tao ay wala kang ibang makikita kundi puro gusali.Sa lugar kung saan naroroon ang aming tahanan ay mayroon namang mga puno't halaman doon ngunit kaunti lang di katulad sa Encantadia na kahit saan may makikita kang berde sa palagid ko.
AMIHAN:Tila ang lalim ng iniisip ng Mahal ko may problema ba?(Sabi niya habang papalapit sa akin)
YBRAHIM:Wala namang problema Mahal,ninamnam ko lang ang sariwang hangin sa ating paligid.
AMIHAN:Nakakamiss talaga ang pakiramdam na payapa lang walang masyadong iniisip.
Inaakbayan ko ang aking asawa at sabay sabing.....
YBRAHIM:Alam mo mahal kung ano man ang pinagdaanan natin ay parte iyon ng ating pagsubok upang mas maging matatag tayo.
AMIHAN:Naunawaan ko Ybrahim at umaasa ako na pagkatapos ng lahat ng ito ay wala ng gulong mangyayari pagkat hindi ko na kayang makita na may masasawi pa sa ating hanay.
YBRAHIM:Manalig lang tayo kay Emre mahal ko.
MEMFES' PROVERBS
Pagbaba namin ng hagdanan ni Alena ay nakita namin sila Juno,Vanessa,Argo,at Emmanuel sa baba bumati sila at bumati naman la pabalik.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)
FantasiaBAGONG BUHAY,BAGONG MISYON, BAGONG MUNDO, AT BAGONG PANGANIB MAGTATAGUMPAY PA RIN BA ANG LIWANAG LABAN SA KASAMAAN?