SA MUNDO NG MGA TAO SA TAHANAN NG MGA DIWATA
GENERAL'S PROVERBS
Kasalukuyang nagwawalis si Choleng sa labas papasok na sana siya ngunit siya'y nilapitan ng dalawang kasambahay mula sa bahay na nasa tapat lang sa tahanan ng mga diwata.
KASAMBAHAY1:Choleng may gagawin ka pa?
CHOLENG:Wala na akong gagawin, bakit?
KASAMBAHAY2:May gusto sana kaming itanong sa'yo.
CHOLENG:Ano iyon?
KASAMBAHAY2:Tungkol sa mga amo mo.
CHOLENG:Ha? Ano namang tungkol sa mga amo mo?
KASAMBAHAY1:Nahihiwagaan kasi ako sa mga amo mo sa tuwing makikita ko sila ramdam kong iba sila sa atin.
CHOLENG:Ano bang pinsagsasabi niyo wala namang kung ano sa mga amo ko.
KASAMBAHAY1:Ewan ko sa iyo Choleng nararamdaman ko na hindi sila tao.
CHOLENG:Hindi naman sila tao kasi mga diwata sila(Pabulong niyang sabi)
KASAMBAHAY2:May sinasabi ka ba?
CHOLENG:Wala hehe...sige mauna na ako sa inyo baka hinahanap na ako sa loob(At nagmamadaling pumasok ng bahay)
HAYDIE:Oh....parang hiningal ka yata, anong nangyari?
CHOLENG:Eh... kasi iyong kasambahay ng kapitbahay natin may third eye.
HAYDIE:Anong third eye ang iyong pinagsasabi?
Biglang sumulpot si Cassandra sa kanilang harapan na siyang ikinagulat nilang dalawa.
CHOLENG AT HAYDIE:Ay kabayo!.
CASSANDRA:Correction diwata po ako!😊
CHOLENG:Ikaw kasing bata ka biglang ka nalang sumusulpot na parang kabote..
CASSANDRA:Sarreh.. Hehe 😊 tapos na po kami magpractice gusto na naming mag-lunch
HAYDIE:Ihanda lang namin ang pagkain pagkatapos ay ihatid nalang namin sa poolside doon na ka kayo mag lunch.
CASSANDRA:Okay po.. (At nag-ivictus)
HAYDIE:Ano nga ibig mong sabihin na may third eye iyong kasambahay mula sa tapat?
CHOLENG:Nararamdaman niya na iba ang ating mga kasama dito sa bahay.
HAYDIE:At ano naman ang sinabi mo?
CHOLENG:Ang sinabi ko lang sa kanila wala namang kung ano sa kanila.
HAYDIE:Buti nalang ay hindi nadulas ang dila mo!
CHOLENG:Oo nga eh..at magluto na tayo.
HAYDIE:Sige at tawagin ko lang si Bong para tumulong.
CHOLENG:Sige.
Pagpunta ni Haydie sa sala ay nakita na niya ang mga magkakapatid na Sanggre kasama ang kanilang mga kabiyak, Mira,Lira, Paopao,Angelo, Otis, at Keva na naka upo na sa sofa.
Hindi palang siya nagsasalita ay naramdaman na ng magkakapatid ang kanyang presensya at binati na nila ang kanilang kaibagan at bumati na rin ang kanilang mga kabiyak pati na rin sila Lira, Mira, Paopao, at Angelo bumati naman siya pabalik at pinakilala niya si Otis at Keva.
AQUIL:Siya nga pala Haydie nasan iyong mga anka namin?
HAYDIE:Doon sa poolside.
AQUIL:Avisala eshma.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)
FantasíaBAGONG BUHAY,BAGONG MISYON, BAGONG MUNDO, AT BAGONG PANGANIB MAGTATAGUMPAY PA RIN BA ANG LIWANAG LABAN SA KASAMAAN?