ETHER'S PROVERBS
SA KAHARIAN NG NIYEBE
Nais namin makita kung ano na ang ginagawa ng mga diwata gamit aking kapangyarihan ngunit tanakreshna!bakit hindi namin sila makita?! sigurado akong si Cassiopea ang pakana kung bakit hindi namin sila makita.PASHNEA!
AGATHA:Paano iyan Bathaluman? Hindi na natin malaman kung ano ang kanilang susunod na hakbang at hindi rin tayo basta-basta makapasok sa kanilang kaharian pagka may pananggalang doon.
CRISELDA:Tama ang Hara Bathaluman kahit na mag-anyong pashnea ako hindi pa rin ako makapasok.
ETHER:Huwag kayong mag-alala pangatlong araw na ngayon at wala pa akong narinig na desisyon mula sa mga diwata katulad ng sinabi ko dadanak ang dugo dito sa encantadia!
ANDORA:Kung ganon ay hihintayin namin ang pagkakataon na iyan..
AZULAN'S PROVERBS
SA KAHARIAN NG LIREO
Pagkatapos namim ihatid ang aming mga anak at si Angelo patungo sa puno ng Asnamon dumeresto kami agad sa may dalampasigan malapit sa Lireo upang magsanay kasama ang mga kawal pagkat kailangan namin ihanda ang aming sarili para sa papapalapit na labanan.
AZULAN:Estasectu!
PIRENA:Sigurado ka Mahal?baka matalo pa kita sa pangalawang pagkakataon!(Pang-aasar ng aking asawa)
AZULAN:Unang laban pa lang iyon e correi baka ikaw ang mabihag ko!😋
PIRENA:Kung ganon ay tingnan na lang natin!(Sabay bitiw niya ng isang maliit na ngiti)
Nang walang pagdadalawang isip ay una siyang umatake agad naman akong umiwas sa pagkakataon na ito ay ginamit ko ang aking sandata na agad na man niyang napigilan ngunit pinaikot ko ang aking mga kamay kaya nabihag ko ang aking asawa sa aking mga bisig..
AZULAN:Gaya nga sinabi ko baka ikaw pa ang aking mabihag!(Paasar ko sa kanya sa pagharap niya sa akin ay hinalikan ko siya sa kanyang labi)
PIRENA:Hindi pa rin kumukupas ang kayabangan mo Azulan at nagnakaw ka pa ng halik!
Dahil diyan siniko niya ako sa aking sikmura kaya nabitawan ko siya..
AZULAN:Aray!
PIRENA:Ano suko ka na?!
AZULAN:Tulad ng aking sinabi noon wala sa pukabyularyo ko iyan!
Kaya nagtigisan kami ng galing sa espadahan pagkatapos ng ilang sandali ay nabihag ko siya uli sa pangalawang pagkakataon.
AZULAN:Naramdaman ko ulit ang bilis na pagtibok ng iyong puso aking Mahal na Hara!
PIRENA:Pagkat hindi mapigilan ang bilis na pagtibok nito kapag nandiyan ka aking Rama! e correi diu!
AZULAN:Mahal din....
Hindi ko natapos ang aking sasabihin ay bigla niyang tinapakan ang aking kanang paa kaya nabitawan ko siya uli..
PIRENA:Sabi ko na nga ba sa isang salita ko lang titiklop ka agad!
AZULAN:Ah...ganon!(Ilang metro lang ang kanyang layo kaya hinila ko siya papapalapit sa akin napahawak siya sa aking matipunong dibdib at pinalibot ko ang aking mga kamay sa kanyang baywang)
PIRENA:Wala naman tayong usapan na....
Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin at hinalikan ko siya tumugon naman ang aking asawa at nilaliman pa namin ang aming paghahalikan saka lang kami bumitaw nang kinapos na kami ng hininga pagkatapos ay pinagdikit namin ang aming noo..
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)
FantasíaBAGONG BUHAY,BAGONG MISYON, BAGONG MUNDO, AT BAGONG PANGANIB MAGTATAGUMPAY PA RIN BA ANG LIWANAG LABAN SA KASAMAAN?