MEMFES' PROVERBS
Inihanda na namin ang aming sarili pagkat ang Hara ng kaharian ng niyebe ang aming makakaharap ngayon at natitiyak ko na mas marami siyang hukbo kumpara sa kanyang mga mashna imbis na isang batalyong kawal dalawang batalyon ang aming inihanda para dito at nang makarating na kami ay nagmamartsa na rin ang sila upang kami ay harapin.
MEMFES:Buti nalang na handa tayo para dito Mahal.
ALENA:Oo at tama ka nga mas marami nga siyang hukbo kaysa kanyang mga Mashna.
Narinig ko sa tono ng aking katipan na medjo nag-alala siya buti nalang pinagaan ni Khalil ang kanyang loob.
KHALIL:Wala tayong dapat ipag-alala Yna pagkat hindi tayo pababayaan ni Emre sa labanan na ito.
PAOPAO:Manalig tayo Ate Hara pagkat nakasisiguro ako na hindi mananaig ang kadiliman😊
ALENA:Avisala eshma sa pagpapagaan niyo sa aking loob Paopao at Khalil!😀
KHALIL:Walang anuman Yna!
PAOPAO:Walang anuman Ate Hara!
MEMFES:Paparating na sila estasectu!
ALENA:Kailangan na nga nating maghanda!
PAOPAO:Oo nga!
Inilabas nila ang kanilang mga dragon na si Aqua mula sa brilyante ng tubig ni Alena at si Jahed mula sa brilyante ng diwa ni Paopao
AGATHA'S PROVERBS
Mukhang handang-handa ang mga pashneang ito kahit pa mayroon silang dawalang dragon at ivtre galing Devas ay hinding-hindi nila ako madadaig pagkat alam ko sa aking sarili na ako ay magaling sa kahit anong bagay!
AGATHA:Ngayon aking mga alagad ubusin niyo silang lahat ATAYDE!
Habang sumusugod ang aking mga alagad ay tinawag ko ang aking halimaw na gawa sa ulap upang paslangin ang mga pashneang dragon ng mga diwata.
Tingnan lang natin kung sino ang aatras ngayon(Sambit ko pa sa isipan)
PAOPAO'S PROVERBS
Hindi nga nagkamali si Kuya Memfes na dapat ihanda namin ang aming mga sarili dito pagkat papalapit na sa amin ang mga vedalje!
ALENA:AGTU!
Nagsimula na nga ang labanan ginamit namin ang aming brilyante at sandata ni Ate alena upang lumaban habang si Khalil at kuya Memfes ginamit nila ang kanilang walang kupas na galing at liksi sa pakikipaglaban.Nagpakawala ng kapangyarihan si Jahed laban sa mga kawal ni Agatha kaya napaslang ang isang batalyon nito habang si Aqua naman ay hinarap niya ang halimaw na gawa sa ulap ni Agatha upang kami ay protektahan.Ngunit pagkalipas lang ng ilang sandali ay nagtataka ako bakit marami pa ring kawal niyebe na napaslang na ng aking dragon ang isang batalyon nito.
Biglang sumagi sa aking isipan na may kapangyarihan pala si Agatha na makalikha ng mga nilalang kaya madali lang sa kanya palitan ang mga napaslang na alagad niya kahit na may sumpa siya na nanggaling kay Cassiopea.
KHALIL'S PROVERBS
Sa pagkakataon na ito ay lamang sila sa mga kawal ngunit lamang kami sa kapangyarihan pagkat dalawa ang aming brilyante nag-iisa lang si Agatha wala siyang hawak na kahit anong kapangyarihan bukod sa niyebe at makalikha ng nilalang.Naala ko na may kapangyarihan na binigay sa akin si Emre bago kami bumaba galing devas kaya ginamit ko ito laban sa mga kawal niyebe at mga hadezar na nilikha ni Agatha.
Buti nalang na nandiyan si Jahed upang makatulong lumaban sa mga hadezar pagkat ang taglay nitong kapangyarihan ay pwedeng pumaslang ng mga ivtre.Sa di kalayuan ay nakita ko si Aqua na malapit niya na madaig ang halimaw ni Agatha.
Avisala eshma kay Emre naging makahulugan ang aming pakikipaglaban pagkat hindi niya kami pinabayaan dahil karamihan sa mga alagad ni Agatha ay amin nang napaslang.
ALENA'S PROVERBS
Nang walang pagdadalawang isip ay pinuntahan ko na si Agatha upang siya'y harapin nang saganon ay hindi na siya makapaminsala sa buong encantadia nakita ko patuloy pa rin siyang lumikha ng mga kawal at halimaw hindi na ako nakatiis kaya gumawa na ako ng daluyong upang lunurin ang mga ito.
AGATHA:TANAKRESHNA!!(Sambit niya na puno ng galit)
ALENA:Akala mo hahayaan lang kita sa iyong pinagagawa?! Hindi pagkat sobra na ang pinsala na idinulot MO!
AGATHA:Pashnea wala kang karapatan upang pagsabihan ako ng ganyan pagkat isa akong Hara!
ALENA:Isang HARA na walang pakialam sa kanyang mga alagad?!(Pangiinis ko sa kanya)
AGATHA:Pashnea lapastangan!
Inatake niya ako gamit ang kanyang sandata na gawa sa niyebe ngunit napigilan ko ito at tinunaw gamit ang aking brilyante pagkat ang tubig pwede ring makatunaw ng yelo.Walang pagdadalawang isip ay sinuntok ko siya sa kanyang mukha at sinipa kaya napaatras ito ngunit nanatili pa ring nakatayo.
AGATHA:Tanakreshna!
ALENA:Ano Agatha suko ka na?!
AGATHA:Ako susuko?!Sheda lasta!(hindi mangyayari iyan!)
ALENA:Ngayon ay tapusin na natin ito!
Nagsimula na naman kami magtagisan ng galing at lakas sa pakikipaglaban.Ilang sandali lang ay nagpakawala siya ng kapangyarihan ganon na rin ako kahit na unti-unti nang napaslang ang kanyang mga alagad ay patuloy pa rin siyang gumamit ng kapangyarihan dahil diyan halos maubos na ang kanyang alagad.
Sa pagkakataon na ito ay ako ang lamang kaya mas lalo kong nilakasan ang aking pwersa kaya natumba siya ngunit nakabangon pa rin tanakreshna!
AGATHA:Akala mo ba nanalo ka na?!Nagsisimula pa ang ating laban HARA!
Sa kanyang tinuran ay nagtataka ako kung ano ang ibig niyang sabihin ngunit nagkaroroon ako ng ideya kung ano ang susunod niyang gawin.
Sabi na nga ba lilikha siya higanteng halimaw upang lalaban para sa kanya at may narining akong mga pamilyar na boses sa aking likuran.
PIRENA:Sabi na nga ba diyan ka magaling! Lilikha ng ibang nilalang para lalaban para sa iyo!
AMIHAN:Isa lang ang ibig sabihin niyan Hara naduduwag siya!
Paglingon ko ang mga kapatid ko pala kasama nina Draco at Saphira
ALENA:Avisala eshma na naparito kayo!
AMIHAN:Pagkat may ibinulong ang hangin na nangangailangan niyo na tulong dito!
AGATHA:Sadyang napakasayang pagtatagpo ngunit gamitin niyo na ito upang magpaalam sa isa't-isa!Patayin ang mga anak ni Minea!
Sinunod naman ng halimaw ang kanyang utos at nilabanan namin ito gamit ang aming kapangyarihan at sandata tumulong na rin ang mga dragon ng aking mga kapatid upang labanan ito.Sa di kalayuan ay nakita ko si Aqua at Jahed na nadaig na nila ang halimaw gawa sa ulap ni Agatha kaya lumipad ito papalapit sa kinaroroonan namin upang tumulong.
Sa di kalaunan ay dumating rin si Paopao kaya pinagsanib namin ang aming mga kapangyarihan at napaslang ito.
PAOPAO:Sinasamo ko ang aking brilyante na paslangin ang lahat ng mga vedajeng nakaharap namin nang saganon ay wala nang maminsala dito sa Encantadia.
Kaya naglaho ang lahat ng kawal niyebe na natira pati na rin si Agatha kaya gumaan ang aming pakiramdam na wala ng Agatha na maminsala sa buong Encantadia ngunit hindi pa ito ang huli naming laban.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)
FantasiaBAGONG BUHAY,BAGONG MISYON, BAGONG MUNDO, AT BAGONG PANGANIB MAGTATAGUMPAY PA RIN BA ANG LIWANAG LABAN SA KASAMAAN?