ISLA MUERTA
LUCIO'S PROVERBS
Andito ako sa masukal na kagubatan ng Isla Muerta upang hanapin ang septreng makakatanggal ng sumpa ng brilyante ng anak ni Alena nababagay nga sa islang ito ang kanyang pangalan sapagkat ito ay napakadilim at walang kabuhay-kabuhay sa ilang minutong paglalakad ko ay wala pa akong nararamdaman ng kakaibang enerhiya nang biglang akong nakarinig na may kumaluskos sa aking bandang likuran paglingon ko ay may mabangis ng hayop na biglang umatake sa akin mabuti nalang ay agad akong nakailag ginamit ko naman ang aking sandata upang labanan ito pagkatapos ng ilang sandali ng pakipaglaban ko sa hayop ay napaslang ko rin ito.
Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad ay may nakita akong kweba at naramdaman ko na may kakaibang enerhiyang bumabalot dito nang walang agam-agam ay dali-dali akong lumapit sa kweba at agad akong pumasok.
May kutob ako ng malapit lang ang septre ilang sandali lang ay nakarating agad ako sa kinaroroonan nito ito ay nakapatong sa bato ng bilog ang sukat ngunit ito basta basta makukuha sapagkat may bantay na higante na iisa lang ang mata at ito ay natutulog wala pa nga akong isang minuto sa kinaroroonan ng septre ngunit naramdaman agad ng higanteng ito ang aking presensya kaya agad itong bumangon at nagpakawala ng isang malakas ng ungol ngunit hindi ako natatakot sa kanya.
Agad ako sinugod ng halimaw nakailag naman ako at nilabanan ko siya gamit ang aking sandata at kapangyarihan hanggang sa nadaig ko siya at nakuha ang aking nais na makuha ang septre kaya lumabas na ako ng kweba saka sumakay na sa aking sasakyang panghimpapawid at bumalik na sa Encantadia.
KAHARIAN NG ETHERIA
Pagdating ko doon ay naabutan ko sila Ether at Ravan sa bulwagan na para bang may pinagusapan na seryosong bagay naramdaman yata nila ang aking presensya kaya bumati sila sa akin.
ETHER:Avisala Lucio kumusta ang iyong paglalakbay?
LUCIO:Nakuha ko na ang septre ngunit bago ko pa ito nakuha ang kinalaban ko muna ang halimaw na bantay nito.
RAVANA:Ngunit nakuha mo pa rin ito sa huli gamitin na natin iyan nang saganon ay matanggal na natin ang sumpa sa ating mga kawal.
LUCIO:Sige Bathaluman,si Agatha nasaan?
ETHER:Nasa hardin sapagkat nais niyang mapagisa
LUCIO:Kung ganon man ay umpisahan na natin itong gamitin kahit wala ang hara.
AGATHA:Hindi kayo maaring mag-umpisa kapag wala ako!(Sabi niya habang papalapit sa amin)
RAVANA:Ngayon na kumpleto na tayo maaari na natin tanggalin ang sumpa na ating mga kawal,Lucio umpisahan mo na.
Tumango naman ako bilang pagsangayon.
LUCIO:Septre poderoso Te imploro que quites la maldición que el hijo de Alena ha otorgado a nuestros soldados para que podamos elaborar nuestro plan para matar a las hadas!(makapangyarihang septre nagsusumamo ako sa iyo na tanggalin ang sumpang iginawad ng anak ni Alena sa aming mga kawal nang saganon ay magawa namin ang aming plano na paslangin ang mga diwata!)
GENERAL'S PROVERBS
Nang matapos magsumamo ni Lucio sa makapangyarihang septre ay nagsimula nang magdilim ang kalangitan at kumidlat ilang sandali lang ay nanumbalik na ang lakas ng kanilang mga kawal at nawala ang ang sumpang inilagay ng Rehav ng Adamya sa mga alagad ni Ether.
AGATHA:Iyan lang ba ang magagawa ng bagay na iyan Lucio?
LUCIO:Hindi Agatha kaya din nitong gumawa ng mga mas malalakas na hukbo kung nanaisin natin.
AGATHA:Kung ganon ay bakit hindi tayo gumawa ng mga hukbo nang saan ay makasugod na tayo sa mga diwata.
RAVANA:Huwag kayong padalos-dalos sapagkat maari nating ikapahamak iyan,mas may maganda akong plano.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)
FantasyBAGONG BUHAY,BAGONG MISYON, BAGONG MUNDO, AT BAGONG PANGANIB MAGTATAGUMPAY PA RIN BA ANG LIWANAG LABAN SA KASAMAAN?