SA FORBES PARK TAHANAN NG MGA DIWATA
GENERAL'S PROVERBS
Nang makaalis na sina Andora sa tahanan ng mga diwata ay naisipan na ng magkakapatid na Sanggre na bumalik na sa loob ng bahay.
PAOPAO:Si Ether po ba ang nagtungo dito?
PIRENA:Hindi Paopao sina Andora at Marcelo lang kasama ang ilang mga kawal.
MIRA:Ano po ba ang sadya nila dito?
CASSIOPEA:Nakikita kong nais nilang makipagkasundo sa atin at gusto nilang kumampi tayo sa kanila.
AMIHAN:Tama ka Mata pagkat may liham pa silang ibinigay sa atin.
DANAYA:Mabuti pang buksan mo na ang liham Hara.
Tumango naman si Alena at binuksan niya ang kalatas at naglutangan ang mga letra nito.
Avisala mga diwata,
Ginawa ko ang liham sa ito upang makipagkasundo sa inyo batid nating lahat na nais natin ng kapayapaan.
Nais ko sana na sumama kayo sa aming hanay at sabay nating pamunuan ang mundong kinatatayuan natin.
Batid ko na hindi niyo ako pinagkakatiwalaan ang isipin niyo nalang ang ikabubuti ng marami.
Bibigyan ko kayo ng dalawang araw upang magdesisyon at magtungo lang kayo sa palasyo upang ipaalam kung anong naging pasya niyo.
-Agatha
AZULAN:Para sa ikabubuti ng marami?papaslangin niya ba ang mga tao kung hindi tayo kakampi sa kanya?
ALENA:Tama ka sa iyong sapantaha Rama,ngunit mabuti nalang na naunahan nailikas na natin ang mga tao.
ANGELO:Oo Hara ngunit malalaman din ng mga kalaban na inilikas natin ang mga tao.
AQUIL:May punto ka doon Angelo,ngunit hindi nila malalaman kung saan natin sila inilikas,pagkat may pananggalang ang bagong siyudad di ba?
YBRAHIM:Siyang tunay Mashna ngunit alam naman natin na may kapangyariham din sila o mahika upang makita nila ang lugar kung saan natin itinago ang mga tao.
MEMFES:Kung ganon ay ano ang hakbang na ating gagawin,lalansihin ba natin sila?
PIRENA:Sa tingin ko ay hindi na natin sila malalansi pagkat natuto na sila na laging naloloko.
LIRA:Kung ganon ay ano po gagawin natin?
OTIS:Batid naman natin na hindi tayo kakampi sa kanila,ano kaya kung kukuha tayo ng batyaw na nangaling mismo sa kanilang panig.
PAOPAO:Magandang pong plano iyan ngunit paano natin iyon gagawin?papasukin ba natin ang palasyo?
CASSIOPEA:Oo ganon na nga,at walang ibang makakawa nun kundi si Hara Pirena pagkat siya lang ang may kakayahang magpalit-palit ng wangis.
PIRENA:Sige bathaluman.
DANAYA:Sasamahan ko na si Pirena.
ALENA:Sasama na rin kami ni Amihan bukas na bukas sasabihin natin kung ano ang ating pasya.
AMIHAN:Kami ni Alena ang haharap kay Agatha habang kayo ni Pirena ay maghahanap ng batyaw.
CASSIOPEA:Sasama na rin ako sa inyo.
MIRA:Sigurado po ako na sa oras na sasabihin niyong hindi tayo kakampi sa kanila ay guguluhin nila tayo.
OTIS:Tama si Mira kaya ang susunod nating pag-usapan ay kung paano sila lalabanan pagkat ngayon ay mas marami na ang kanilang hanay kaysa sa atin.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)
FantasíaBAGONG BUHAY,BAGONG MISYON, BAGONG MUNDO, AT BAGONG PANGANIB MAGTATAGUMPAY PA RIN BA ANG LIWANAG LABAN SA KASAMAAN?