PAGHIHINALA

422 5 13
                                    

AZULAN'S PROVERBS

Kasalukuyang nagtuturo ako ngayon sa mga bagong kawal kasama nila Ybrahim,Memfes,at Aquil sa lihim na silid ng gusali namin silang naisipan turuan pagkat ayaw namin na may maghihinala dahil hindi pa ito ang tamang panahon na malaman ng mga mortal kung ano talaga ang aming pakay dito sa mundo ng mga tao baka kami pa ang mapahamak kung malalaman nila ito ngayon.

AZULAN:Good job guys sa katunayan hindi niyo na kailangan turuan pa because you did well!😊

PAGASPAS:Rama matanong ko lang ay ano ba ang ibig sabihin ng una at huling salita na iyong sinasambit?

AZULAN:Ang ibig sabihin ng aking sinabi ay magaling sa katunayan ay hindi niyo na kailangan turuan pa kasi napakagaling niyo na!😊

PAGASPAS:hmm..ngayon alam ko na,Rama may nais sana akong hilingin sa inyo.

ALMIRO:Ako din Rama may nais din akong sabihin sa inyo.

AZULAN:Ano iyon?

PAGASPAS:Maari bang magpahinga muna tayo pagkat napapagod na ako at ang aking mga kasama.

YBRAHIM:Oo naman at hindi lang kayo magpapahinga kakain pa tayo,libre ni Rama Azulan di ba Rama?

AZULAN:Oo na,magpapadala nalang tayo ng pagkain.

LAWISWIS:Tamang-tama nagugutom na rin ako!

YBRAHIM:Damihan mo Rama,para mabusog kami!😁

AZULAN:Ashtadi ka talaga Ybrahim pag ako nakaganti sa iyo pagsisihan mo!😀(Patawa kong sabi)

Ilang minuto lang ay dumating na rin ang chicken,spaghetti,icream,pizza,fries, at softdrinks na inorder namin bumaba kami umakyat kami mula sa basement patungo sa upperground floor para kunin ang pagkain pagkat walan ibang pwedeng makapunta sa silid na iyon maliban sa amin.

Pagbalik namin sa silid na iyon ay agad naming nilapag ang mga pagkain sa mesa at napansin ko na parang nagtataka ang kanilang mga kasamang mulawin kung anong mga pagkain ang nakalapag sa mesa hindi na ako nakisali sa kanilang usapan ngunit nakikinig lang ako hindi ko mapigilang mapangiti pagkat nakita ko ang sarili ko sa kanila noong una akong dinala ng aking asawa sa mundo ng mga tao at si Mira palang ang anak namin noon maraming taon na ang nakaraan panay tanong sa bawat nakikita hay..sarap talaga sariwain ang mga magagandang ala-ala ng nakaraan

MULAWIN 1:Matanong ko lang,ano ba ang mga pagkain na ito?

MEMFES:Iyong tinapay na may sangkap sa itaas ay pizza,iyong parang gatas na kulay chocolate icream tawag doon.

MULAWIN 2:Eh..iyong may pulang sarsa sa taas at iyong pagkain na pahaba ang sukat?

AQUIL:Iyong may sarsa sa taas ay spaghetti tawag doon ay iyong pahaba naman ay french fries patatas lang iyon na prinito.

AZULAN:Kain na tayo!

YBRAHIM:Sige tamang-tama gutom na gutom na ako at tinupad nga ni Rama Azulan ang pangako niya na damihan ang pagkain!😊

AQUIL:Buti na walang asawa mo dito Rama Ybrahim kundi siniko ka na nun!

MEMFES:Hahaha! oo nga at napansin ko ha na tiklop siya pagdating sa kay Hara Amihan!😂😂

YBRAHIM:Eh..bakit hindi ba kayo takot sa mga asawa niyo!

AZULAN:Tama na baka magkapikunan pa tayo dito.

Pagkatapos naman kumain at mamahinga ay bumalik na naman kami sa pagsasanay pagkatapos namin silang turuan ay inihatid namin sila sa rooftop at sinugarado namin na walang tao pagkat lilipad na sila patungo sa kanilang tahanan ilang sandali lang ay bumalik na kami sa loob upang tapusin ang aming mga gawain doon ngunit dumeretso muna ako sa office ni Pirena.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon