KABANATA XVII:PAGKALIPAS NG DALAWANG TAON

586 10 2
                                    

AQUIL'S PROVERBS

Dalawang taon na nga ang nagdaan ang dalawang taon na rin kami nakipaglaban nila Ether avisala eshma kay Emre pagkat hindi niya kami pinabayaan sa bawat laban namin.Malaki laki na rin ang aming anak ni Danaya ang aming mga hadiya at kaisa-isang apo na si Cassandra masasabi kong mas lalo pa silang gumaling sa pakikipaglaban sa katunayang palad ay pwede na silang hindi magsanay ngunit hindi maari baka makalimot sila sa mga taktikang itinuro namin kaya nandirito ako ngayon sa Azotea ng Lireo nagsasanay kasama ang mga paslit naghahanda sa malaking digmaan na paparating habang ang aking asawa ay kasama ng aming ibang kamaganak nagsasanay din sa may dalampasigan dahil nga sa propesiyang sinabi si Cassiopea may malaking digmaan na magaganap dito sa encantadia na maaring mangyari anong oras mula ngayon.

AQUIL:Magaling ngayon pwede na kayong magpahinga!😊

DASHA:Avisala eshma Ama!

ALANA:Avisala eshma Aldo!

ADAMUS:Avisala eshma Aldo!

CASSANDRA:Avisala eshma Ilo!

ALANA:Aldo Aquil maari ba kaming magtungo sa timog bahagi ng palasyo kung saan nagturo sina Ate Mira at Ate Lira kasama nila kuya Paopao?

AQUIL:Oo naman!😁

ADAMUS:Tamang-tama pagkat maari din tayong magturo ng ating mga nalalaman sa mga tinuturuan nila!

AQUIL:Mabuti naman kung ganon pagkat maging malaking tulong iyon para sa kanila.

CASSANDRA:Oo nga at kami rin ay nasisiyahan kapag nakatulong kami sa iba.

AQUIL:Napakapala namin na nagkaroon kami ng anak,apo,at mga hadiyang napakabuti katulad niyo at natitiyak ko na maging magagaling na pinuno kayo ng Encantadia sa pagdating ng tamang panahon.

DASHA:Avisala eshma Ama pinapangako namin na hindi namin kayo bibiguin,di ba guys?

ALANA:Oo naman!

ADAMUS:Oo naman!

CASSANDRA:Oo naman!

ADAMUS:Di ba pupuntahan pa natin sila ate Lira?

CASSANDRA:Ayy..oo nga pala!😊

At nagsimula na silang mag-ivictus patungo sa Timog bahagi ng palasyo nabigla nalang akon na may yumakap sa akin patalikod natitiyak ko si Danaya iyon.

DANAYA:Kumusta ang inyong pagsasanay?

AQUIL:Maayos naman at masasabi kong mas naging seryoso at disiplinado sila pagdating sa bagay na ito.(Sabi ko habang hinarap ko siya)

DANAYA:Mabuti naman kung ganon.

AQUIL:Di ba nagsasanay din kayo ng iyong mga kapatid kasama nila Memfes sa may dalampasigan?

DANAYA:Oo ngunit tapos na, sabi nila susunod sila dito.

AQUIL:Sa napakahabang panahon na nagdaan wala pa ding kupas ang iyong kagandahan.

Hinawakan niya ako sa aking pisngi..

DANAYA:Ikaw din naman e correi napakagwapo mo pa rin kahit lagpas isang daang taon kana.

Napakunot nalang ang aking noo sa tinuran ng aking asawa.

AQUIL:Ayos na sana yung gwapo,ngunit kailangan ba talaga may lagpas isang daang taon?

Napatawa nalang siya at pinisil niya nang bahagya ang aking ilong.

DANAYA:Hay nako Aquil I love you ka talaga!😀

AQUIL:I love you ka din!😁

Inilapit ko ang aking mukha sa aking asawa ilang distansiya nalang ay mahahalikan ko na siya ng biglang sumulpot ang kanyang mga kapatid kasama nila Azulan,Memfes,at Ybrahim.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon