KABANATA XXII:ANG PANGAKO NG MGA PINUNO AT PAGDALAW SA MGA MULAWIN

509 8 0
                                    

SA KAHARIAN NG LIREO

MINEA'S PROVERBS

Pinatawag namin ang lahat ng pamilya ng mga nasawi noong nakaraang digmaan katulad nga ng pinag-usapan namin ng aking mga anak noong araw ng pagkatapos ng digmaan na bigyan namin ng lupa ang pamilya ng mga nasawi bilang kapalit ng kanilang kagitingan.

MUROS:Mahal na Hara nandito na po silang lahat!

MINEA:Mabuti naman kung ganon papasukin niyo sila.

Ng makapasok na silang lahat ay pinaalam na namin sa kanila ang dapat nilang malaman.

MINEA:Avisala eshma sa inyong pagdalo dito,kaya ko kayo ipinatawag pagkat mayroong ibinilin ang aking mga anak bago sila umalis ng Encantadia may bibigyan nila kayo ng lupa upang inyong mapagkitian at bilang kapalit ng inyong kagitingan!

DIWATA:Lupa?Saan naman iyon Hara?

MINEA:Lupain sa Timog bahagi ng Lireo pagkat marami pang bakanteng lupain doon na pwede niyong taniman at palaguin!

SAPIRYAN:Avisala Eshma Hara Minea!

MINEA:Kami ang dapat magpasalamat sa inyo kung hindi dahil sa katapangan at tulong ng inyong mga mahal sa buhay ay hindi namin mapatagumpayan ang laban na ito,humihingi kami ulit ng tawad sa nangyari sa inyong mga mahal sa buhay!

ADAMYAN:Wala kang dapat ihingi ng tawad Hara pagkat mas malaki pa ang utang na loob na namin sa inyo!

MINEA:Avisala eshma adamyan ngunit kailangan pa rin namin gawin iyon pagkat hindi ibig sabihin na porket mayroon kayong utang na loob buhay agad ang magiging kapalit.

HATHOR:Naiintindihan namin Hara,avisala eshma ulit sa inyong tulong!

MINEA:Walang anuman iyon,pagkat obligasyon namin na pagsilbihan ang aming nasasakupan,Mga kawal pwede niyo na silang samahan sa kanilang lupain.

MUROS:Masusunod Hara.

Nang makaalis na sila ay lumapit sa akin si Nunong Imaw.

NUNONG IMAW:Parang malungkot ka yata Hara may problema ka ba?

MINEA:Wala naman Nuno naisip ko lang kasi ang aking mga anak at mga apo pinabalik nga kami ng encantadia ngunit hindi ko naman sila makakasama.

NUNONG IMAW:Naiitindihan kita Hara,kung gusto mo ay maari kong ipakita sa iyo kung ano ang na ang nangyari sa kanila sa mundo ng mga tao.

MINEA:Sige Nunong Imaw.

NUNONG IMAW:Aking tungkod ng balintataw ipakita mo sa amin ang mga naganap sa magkakapatid na Sang'gre sa mundo ng mga tao.

Ipinakita naman ito ng tungkod ng matandang Adamyan at nakita ko na masaya naman sila doon bilang isang pamilya at natutuwa ako pagkat lumabas na ang kapangyarihan ng mga bata pagkatapos ay pumunta sila isang gusali na mayroong maraming tao upang magsaya hanggang doon lang ang pinakita ng kanyang tungkod.

SA MUNDO NG MGA TAO

ALENA'S PROVERBS

Pagkatapos naming magturo sa mga batang Sang'gre ay naisipan naming magkakapatid na puntahan ang mga Mulawin upang ipaalam sa kanila ang tungkol sa  propesiya nang saganon ay makapaghanda sila at nakapag-paalam na rin kami ng maayos sa aming pamilya ng saganon ay batid nila kung nasaan kami.

Nasa silid kami ngayon ng aming tahanan na wala ibang nakakaalam kundi kaming mag-anak para makapagpalit ng gayak pandigma pagkat mahirap na kung merong kahit isa sa aming mga tauhan namin ang makakita sa aming totoong pagkatao sa ngayon pagkatapos ay ginamit namin ang aming ivictus pamunta doon.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon