KABANATA XXI:ANG PIGING NG TAGUMPAY AT PAGLABAS NG ENCANTADIA

494 10 7
                                    

SA KAHARIAN NG LIREO

GENERAL'S PROVERBS

Maya-maya ay nagtungo na silang lahat sa punong bulwagan pagkat nagsidatingan na ang mga bisita.

MUROS:Magbigay pugay pagkat nandirito na ang mga Hara,Rama,Rehav,Diwani,at Sang'gre!

ALENA:Avisala eshma na nakarating kayong lahat ngayong kumpleto na tayo umpisahan na ang kasiyahan!

Inumpisahan na nga ang kasiyahan nagsasayawan pagkatapos ay nagsimula nang magkainan ay iba naman ay nag-iinuman.Habang abalang nakipag-usap sa mga bisita sina Amihan,Alena,Memfes,Ybrahim,Azulan,Aquil,at Pao kasama ang iba pa nilang kamag-anak na nanggaling Devas ay tumabi naman si Danaya ni Pirena.

PIRENA:Akala ko ba kasama ka nilang  nakipag-usap sa mga bisita.

DANAYA:Kanina kasama ko sila ngunit medjo napagod kaya umupo muna ako.

PIRENA:Gusto mo ng alak?Sasabihan ko ang mga Dama.

DANAYA:Avisala eshma ngunit hindi na.

PIRENA:Ikaw ang bahala.

Nang biglang sumulpot si Wantuk na parang kabote at medjo lasing na ito.

WANTUK:Ako gusto ko pa ng alak!

At binatukan naman ito ni Danaya at napatawa naman si Pirena.

WANTUK:Aray naman!

DANAYA:Tumahimik ka Wantuk lasing ka na magpahinga ka na sa iyong silid!(Seryosong sabi niya)

WANTUK:Hindi pa ako lasing!

PIRENA:Mamili ka susunugin kita o magpapahinga ka!

WANTUK:Hehe..magpapahinga na po Hara!

PIRENA:Sige makakaalis ka na.

WANTUK:Matutulog na ako!(Umalis na ito patungo sa kanyang silid)

Pagkatapos kausapin ni Aquil at Azulan ang mga bisita ay naglakad sila papalapit nila Danaya at Pirena tapos ay umupos sa tapat ng kanilang mga asawa

WANTUK:Mauuna na ako sa inyo Rama at Mashna!

AZULAN:Sige at mag-iingat ka baka may makatagpo kang ivtre!

AQUIL:Ashtadi talaga ang bulilit na iyon!😂

AZULAN:Sinabi mo pa!😂

DANAYA:Ganon na talaga iyon sa simula pa lang!

AQUIL:Alam mo mahal nagsasayawan ulit doon.

DANAYA:Oo,nakita ko nga eh..

AQUIL:Maari ko bang isayaw ang babaeng pinakakamamahal ko?

DANAYA:Mamaya na!

PIRENA:Huwag ka nang maarte diyan Danaya minsan ka nga lang isasayaw ni Aquil!

AZULAN:Oo nga para masolo na namin itong mesa!

DANAYA:Kayong dalawa talaga,sige na nga papayag na ako mahal.😊

AQUIL:Papayag ka din pala mahal.

Tumayo ang mag-asawang Aquil at Danaya sa kanilang inuupuan.

SAMANTALA...

Kasayaw ngayon ni Ybrahim ang kanyang Asawa habang si Memfes naman ay kasayaw ang katipan na si Alena.

AMIHAN:Avisala eshma kay Emre na walang kahit isa sa ating pamilya ang napahamak ngunit nakaramdam din ako ng konting lungkot pagkat may mga kawal tayong nasawi sa digmaan.

YBRAHIM:Oo,nga mahal ganon pa man ay naging bayani sila pagkat sinakripisyo nila ang kanilang buhay para sa bayan.

AMIHAN:Natitiyak ko na hindi magdadalawang isip si Emre na papasukin sila sa Devas.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon