SA DEVAS
EMRE'S PROVERBS
Nagtungo sa Devas upang sunduin ang ilang Kawal Celestia pagkat ilang araw nalang ay magaganap na ang unang digmaan sa mundo ng mga tao liwanag laban sa kadiliman.
KAWAL CELESTIA:Avisala Mahal na Bathala natutuwa ako ng nagbalik na kayo.
EMRE:Sa katunayan ang nagtungo ako dito upang sunduin ang ilang kawal celestia para sa labanang maganap ilang araw mula ngayon.
KAWAL CELESTIA:Labanan di ba payapa na dito sa Encantadia Mahal na Emre?
EMRE:Hindi sa Encantadia ang tinutukoy kong labanan kundi sa mundo ng mga tao.
KAWAL CELESTIA:Kung ganon man ay maghanda na kami ng aking mga kasama.
Pagkatapos maghanda ng mga kawal ay dumeretso na kami ng Lireo upang ipaalam kay Hara Minea ang tungkol sa labanan.
SA LIREO
Pagdating namin sa bulwagan ng kaharian ay nadatnan namin ang dalawang Mashna na nakatayo doon si Muros at Hitano.
EMRE:Avisala mga Mashna nandoon ba sa loob si Minea?
MUROS:Oo Mahal na Bathala,kung nais mong pumasok ay maari rin.
EMRE:Avisala eshma.
Nagtungo na ako sa loob kasama ang aking mga kawal at nakita namin ang Hara na nakaupo sa kanyang trono na kasama si Raquim.
RAQUIM:Avisala Bathala
MINEA:Avisala Mahal na Bathala anong sadya mo dito?(Sabi niya habang pababa sa kanyang trono)
EMRE:Avisala Minea,maari ba tayong mag-usap na tayo-tayo lang?
MINEA:Mga kawal iwanan niyo muna kami.
Saka umalis ang mga kawal liban sa mga Kawal Celestia.
EMRE:Nagtungo ako dito at ang aking mga kawal upang ipaalam sa inyo na ang digmaang ipinahiwatig sa propesiya ilang araw mula ngayon.
RAQUIM:Kung ganon man ay kailangan natin maghanda at kailangan magpadala tayo ng kawal sa bawat kaharian para sa labanang magaganap.
MINEA:Ngunit Raquim may pangako tayong wala ng kahit sinong mga kawal na mabuwis ng buhay.
RAQUIM:Naiintindihan ko Hara ngunit may iba pa bang paraan?
EMRE:Oo meron pagkat maari akong makalikha ng alagad gamit ang liwanag,nais kong ipakalat ang balitang ito sa mga tumatayong pinuno sa ibang kaharian.
MINEA:Masusunod ang iyong nais Bathala at avisala eshma sa balita.
EMRE:Walang anuman at mauna na ako sa inyo.
Saka ako nag-ivictus kasama ang mga Kawal Celestia pabalik sa mundo ng mga tao.
SA FORBES TAHANAN NG MGA DIWATA
AQUIL'S PROVERBS
Pagkatapos ng buong araw na paghahanap at pakikipag-usap sa mga magulang ng mga batang aming nasagip gamit ang social media ay sa wakas natapos na rin ang aming gawain salamat na rin sa mga bata dahil tinulungan nila kami ang amin nalang ay papuntahin sila dito bahay para tiyakin ang kanilang kaligtasan.
Kaya andito kamo ngayon sa sala nanood ng TV habang nag-aantay ng aming mga asawa.
KID1:Salamat po talaga sa pagligtas sa amin sa pabrika kung di po dahil sa inyo malamang pinahirapan na kami doon.
AQUIL:Wala iyon Alex ang importante ay ligtas kayo ng mga kasama mo,pinahirapan?ano ba ang ginagawa nil sa inyo?
KID2:Kapag hindi po kami nakapag-repack na marami kinukulong po kami sa bodega at hindi pinapakain paminsan-minsan nga ay binubugbog pa.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)
FantasyBAGONG BUHAY,BAGONG MISYON, BAGONG MUNDO, AT BAGONG PANGANIB MAGTATAGUMPAY PA RIN BA ANG LIWANAG LABAN SA KASAMAAN?