YBRAHIM'S PROVERBS
Tama-tama umakyat na ang mga bata at natutulog na rin ang mga kasama naming mortal pagkat medjo malalim na rin ang gabi kaya ayos lang na pag-uusapan namin kung ano ang naganap kaninang hapon sa parking lot dito sa sala habang umiinom ng alak.
YBRAHIM:May napapansin ba kayong kakaiba sa kahit anong parte ng office?(Panimula ko)
AMIHAN:Wala bakit mo naman natanong iyan?
YBRAHIM:Eh..kasi kanina mga 5:00 PM may narinig kaming may kumaluskos sa likurang bahagi ng parking lot.
Napakunot naman ang noo ni Danaya kaya nagtanong na ito.
DANAYA:Kumaluskos?Nakita niyo ba kung ano o sino iyon?
AQUIL:May nakita kaming parang higanteng ahas na dumaan sa aming harapan kanina.
MEMFES:Balak pa sana namin itong sundan ngunit bigla itong nawala.
PIRENA:Higanteng ahas tapos nawawala?Ang alam naman nating lahat na may kakayahang maghugis ahas at mag-ivictus ay walang iba kundi si Ether!(Deretsong sabi ng aking hipag)
ALENA:Kung si Ether nga iyon,hindi kaya ginamit niya ang lagusan ng mga bandido?
LIRA:Ashti hindi naman yata niya iyon magagamit dahil nilagyan niyo iyon ng pananggalang di ba?
ALENA:Oo nga ngunit nakapagtataka.
MIRA:Talaga,kasi hindi naman posible na magagamit niya ang lagusan ng mga mulawin pagkat hindi naman siya nakakalipad at wala din siyang susi.
AZULAN:Hindi kaya may iba pang lagusan patungo rito na hindi kailangan ng susi upang makalabas ng encantadia?
ANGELO:Posible nga iyon Rama pagkat isa siyang bathaluman may kakayahan siyang makalikha.
PAOPAO:Tama si Angelo magagawa niya ang kahit ano,maari siyang lumikha ng lagusan sa lugar na walang pananggalang tulad ng lumang Etheria.
MEMFES:Maari nga iyon mangyari,kaya kailangan natin magdoble ingat pagkat posibleng nandirito na siya.
AQUIL:Oo nga,ang pinagtataka ko lang ay kung paano niya tayo natunton sa office na binigyan naman tayo ng basbas ng Bathalumang Cassiopea na hindi tayo makikita ng mga Vedalje.
YBRAHIM:Iyan ang dapat nating alamin.
AZULAN:Ngunit sa ngayon ay magpahinga muna tayo pagkat alas 11:00 na ng gabi.
MIRA:Oo nga noh..akyat na tayo!
Kaya nagpunta na kami sa aming kanya-kanyang silid upang magpahinga.
KINABUKASAN
10:00 A.M na akong nagising lahat dahil matagal kaming natulong kagabi pumunta ako sa sala ngunit wala sila doon kaya naisipan kong pumunta sa likod bahay baka sakaling nandoon sila.Pagdating ko doon ay naroon nga silang lahat sa pool naliligo habang Jackie at Evelyn nag-iihaw.
YBRAHIM:Hindi man lang ako na-inform na may barbecue party pala dito!(Sabi ko habang naglalakad papalapit sa kanila)
LIRA:Sa katunayan nga Tay biglaan toh!..😊
At umupo ako sa mesa kung saan sila nakaupo lahat at tumabi ako sa aking asawa.
YBRAHIM:Talaga?sino namang naka-isip niyan?
LIRA:Si Nanay po!😊
YBRAHIM:Talaga ba?!(Sabay tingin ko sa aking asawa)
AMIHAN:Oo naman,kasi sa sobrang dami ng stock sa fridge ay hindi na namin alam kung ano ang gagawin doon alangan na man itapon sayang naman.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)
FantasyBAGONG BUHAY,BAGONG MISYON, BAGONG MUNDO, AT BAGONG PANGANIB MAGTATAGUMPAY PA RIN BA ANG LIWANAG LABAN SA KASAMAAN?