POLICE DEPARTMENT
GENERAL'S PROVERBS
Habang abala ang mga pulis sa kanilang ginagawa ay may napansin silang file sa kanilang computer kaya naisipan nilang tingnan ang mga ito.
POLICEMAN1:Sir tingnan niyo po ito.
Nakita agad nila ang mga video at mga recordings na nanggaling sa pabrika ng droga, sa bar, sa pasugalan, at sa Villagonzalo building.
SHERIFF:Di ba mga lugar iyan na pagmamay-ari ng sindikato na matagal nating hinahanap?
POLICEMAN2:Opo sir, napansin ko sa file na may mga address na nakalagay kaya madali na natin silang hanapin.
SHERIFF:Oo kaya maghanda na tayo mamayang gabi dahil puntahan natin ang mga mga iyan.
POLICEMAN3:Opo sir.
SA CAVITE TAHANAN NI DAVID
AGATHA'S PROVERBS
Nasa isang silid kami ngayon nagpululong tungkol sa plano naming pagsugod sa gusali ng mga diwata bukas at biglang pumasok ang ilang mga tauhan ni David na parang may dalang masamang balita.
AGATHA:Anong sadya niyo mga tagalupa?
GUY1:May gusto lang po sana kaming sabihin sa inyo.
AGATHA:May kutob ako na masamang balita iyan.
GUY2:P-parang ganon na nga po..
ETHER:Sabi na nga ba anong nangyari?
GUY1:Ahh..ehh..
ETHER:Sabihin mo na kung ano ang balitang iyan.
GUY3:Heto po kasi iyon may nakaharap po kami sa bar limang babae,ang iba po ninyong mga tauhan ay may nakaharap sa pabrika, sa pasugalan,at sa villagonzalo building.
ANDORA:Tanakresha! natitiyak ko na ang mga diwata at elementian ang nakakaharap ng mga tauhan natin.
GUY2:Parang ganon na nga..
AGATHA:Wala kayong nahuli o napaslang kahit isa?!
GUY3:Wala po eh..
ETHER:Pashnea!at natitiyak ko na pupuntahan ng mga awtoridad ang mga lugar na iyan!
BERTO:Iyan kasing mga tauhan mo tatanga-tanga!
ANDORA:Pashnea Berto gusto mo bang paslangin kita?!
BERTO:Subukan mo Andora tingnan lang natin kung magagawa mo!
LUCIO:Imbis na mag-away kayo diyan mag-isip kayo ng paraan kung ano ang dapat nating gawin!
AGATHA:Tama si Lucio kaya ito ang gagawin natin si Andora at mga ibang tauhan ay sa pasugalan,si Lucio at Marcelo ay sa gusali sa Muntinlupa, Berto ikaw at ako ay sa Diamond Bar.
ETHER:Ako nalang sa pabrika at magsama tayo ng ilang mga tauhan.
MARCELO:Sige Bathaluman, siya nga pala paano iyong plano natin na patakasin ang mga bilanggo?
ETHER:Ipagpaliban lang muna natin iyon.
FAST FORWARD
PAGKASAPIT NG HAPON SA DASMARIÑAS
Unang araw ngayon ng burol sa mga kinikilalang mga magulang ni Vanessa kaya nagtungo ang lahat sa chapel para dalawin ang mga labi nila Haydie at Bong kagaya ng inaasahan ay may mga kamag-anak na dumalaw.
May napansin silang matandang babae na grabe ang pagtangis habang lumalapit sa kabaong ni Bong at napansin nila na lumalapit sa Vanessa sa ginang at nagmano dito tapos iginiya niya ito kung saan sila naka-upo ng kanyang mga magulang.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)
FantasyBAGONG BUHAY,BAGONG MISYON, BAGONG MUNDO, AT BAGONG PANGANIB MAGTATAGUMPAY PA RIN BA ANG LIWANAG LABAN SA KASAMAAN?