GENERAL'S PROVERBS
SA KAHARIAN NG LIREO
Nagtagumpay nga sila sa malaking labanan na naganap ngunit mayroon pa rin magigiting na kawal ang nasawi sa digmaan nasa punong bulwagan silang lahat ngayon at dinala ang mga labi ng mga napaslang sa digmaan sa kanilang mga tahanan upang mapaglamayan ng kanilang mahal sa buhay pinatawag din ni Hara Alena ang mga pamilya ng mga nasawi upang humingi na rin ng tawad sa mga nangyayari.
Naisipan din ng mga diwata na magkaroon ng konting kasihayan upang ipagdiwang ang kanilang tagumpay.
ALENA:Pinatawag namin kayo rito upang ibalita sa inyo kung ano ang naganap sa inyong mga mahal sa buhay, batid nating lahat na mayroong malaking digmaan na naganap dito sa Lireo bilang Hara ng mga diwata ay nais kong humingi ng tawad sa pagkamatay ng inyong mga minamahal batid namin kung gaano kasakit ang mawalan.
PIRENA:Batid namin na nangako kami sa inyo dati na wala nang dadanak na dugo dito sa Encantadia poltre kung meron na namang nagbuwis ng buhay ng dahil sa mga nilalang na walang ibang hinangad kundi kapangyarihan ngunit ganon pa man ay makakaasa kayong mabigyan ng hustisya ang kanilang pagkamatay.
AMIHAN:Dahil sa kagitingan ng inyong mga minamahal ay mabigyan ng karangalan ang kanilang pagbuwis ng buhay hihirangin silang isa sa mga bayani ng Encantadia.
MINEA:Bilang kapalit sa pagsakripisyo ng mga nasawi ay kagaya ng dati bibigyan namin kayo ng lupa upang inyong taniman nang saganon ay kikita kayo ang mga lupang iyon ay sa hilagang bahagi ng Lireo.
DANAYA:Naulit man ang nangyari na meron na namang buhay na nawala sa susunod kung malalaman namin na merong mga kalaban ulit ay sisiguraduhin namin na bibigyan ito ng solusyon kaagad nang saganon ay walang buhay na masasayang, kaya poltre ulit sa nangyari.
CASSIOPEA:Hindi magdadalawang isip na papasukin sa aming tahanan ang inyong mga minamahal dahil sa taglay nilang kabayanihan kung at bibigyan pa sila ng pagkakataon ni Emre na makasama kayo kahit sa maikling panahon kung kanilang nanaisin.
DIWATA:Wala kayong dapat ihingi ng tawad mga hara at hara durye pagkat ginawa lang nila ang kanilang katungkulan bilang isang kawal.
HATHOR:Tama siya batid naman namin na magiging masaya sila sa Devas kasama ang ating Bathala.
SAPIRYAN:Avisala eshma sa lupang ibinigay niyo sa amin.
YBRAHIM:Avisala eshma sa inyong pag-unawa kung may kailangan kayo huwag kayong mag-aatubiling lapitan kami pagkat handa kaming tumulong sa inyo.
AZULAN:Bilang Rama ng Hathoria ay handa kami ng aking Hara na magbigay ng yaman kung kinakailangan palaging bukas ang aming kaharian sa mga nangangailangan.
MEMFES:Ganon rin ang Adamya kagaya ng Hathoria ay magbibigay kami ng yaman kung kinakailangan at palagi ring bukas ang aking kaharian para sa inyo.
AQUIL:Bilang isa sa mga Mashna at si Danaya bilang Hara Durye handa kaming maglingkod sa inyo.
ADAMYAN:Avisala eshma sa inyo mga Rama, Rehav, at Mashna batid namin sa loob ng mahabang panahon sadyang mabuti kayong pinuno!
AZULAN, YBRAHIM, MEMFES, AQUIL:Walang anuman! 😊
MIRA:Bilang Diwani ng Hathoria Kagaya ng aking mga magulang ay handa akong magbigay hustisya, kumalinga sa lahat ng mamamayan ng Encantadia, at higit sa lahat ay ipantanggol ang ating bayan.
LIRA:Bilang Diwani ng Sapiro ay handa akong magbuwis ng buhay para sa Encantadia kagaya ni Yna at kagaya ng sinabi ng aking Ama ay handa rin akong tumulong sa inyo!
DIWATA:Hanse ivo live Encantadia!
ALL:Hasne ivo live!
MINEA:Ngayon na tapos na ang ating pagpupulong ay magtungo na tayo sa azotea nang saganon ay masimulan na ang ating kasihayan! 😊
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)
FantasiBAGONG BUHAY,BAGONG MISYON, BAGONG MUNDO, AT BAGONG PANGANIB MAGTATAGUMPAY PA RIN BA ANG LIWANAG LABAN SA KASAMAAN?