DEVAS
ANGELO'S PROVERBS
Agad-agad kong pinuntahan si Ama upang hingin ang kanyang tulong para sa gagawin ng mga Hara at Rama sa Lireo parang naramdaman yata ni Ama ang aking presensya kaya lumingon siya akin.
EMRE:Avisala anak,bakit ka naparito? (Malumanay niyang tanong)
ANGELO:Naparito ako Ama sapagkat kailangan namin ng tulong may gagawing misyon ang apat na Rama at Hara sa Lireo iyon ang pagkuha sa mga makapangyarihang armas doon batid naman natin na may kakayahang makakita si Ravana kagaya ni Yna.
EMRE:Ang ibig mo bang sabihin ay kailangan mo iyong mga nectar na may basbas ko upang hindi sila makikita ni Ravana?
ANGELO:Opo Ama..
EMRE:Sige samahan mo ako sa loob para makuha natin ang mga iyon.
ANGELO:Sige po at avisala eshma sa inyong tulong..
EMRE:Walang anuman bilang isang Bathala ay obligasyon kong tumulong sa mga Encantado.
Saka naglakad na kami patungo sa silid kung saan naroroon ang mga nectar na binabasan ni Ama ng makarating kami doon ay kinuha niya agad ito sa kinalalagyan nitong kahon at ibinigay ito sa akin.
EMRE:Ipaalala ko lang sa iyo na panandalian lang ang epekto niyan pagkatapos ng dalawang oras ay mawawala na ang epekto ng nectar kaya makikita sa sila ni Ravana mula sa isip.
ANGELO:Naunawaan ko po huwag po kayong mag-alala sa pagbalik ko ng Nathaniel ay sabihan ko sila sa epekto nito,at avisala eshma ulit Ama.
EMRE:Walang anuman iyon anak.
Saka nag-ivictus ako pabalik ng Nathaniel.
KAHARIAN NG NATHANIEL
Pagbalik na pagbalik ko ay nadatnan ko ang magkakapatid na Sangre at kanilang mga kabiyak na naghihintay sa akin agad ko silang sinabihan tungkol sa epekto ng nectar ng walang pagdadalawang isip ay ininum agad nila ang laman ng bote pagkatapos ay naghanda saka nag-ivictus patungong Lireo.
KAHARIAN NG LIREO
GENERAL'S PROVERBS
Pagdating ng mga Hara at Rama ay naghanap agad sila ng sulok na pagtataguan upang hindi sila makikita ng mga bantay agad nagpanggap si Pirena bilang Ravana saka sinalubong siya ng mga kawal yumuko ang mga ito bilang pagbibigay pugay.
KAWAL 1:Bathaluman,napaaga ka yata sa ngayon mula sa pagpupulong niyo mula Adamya.
PIRENA:Oo sapagkat wala kaming masyadong pinag-usapan.
Pumasok na si Pirena sa loob ng palasyo pagpasok ng Hara ng Hathoria saka sumusunod sila Alena,Amihan,at Danaya ginamit ng tatlo ang ivictus upang magtungo sa kamara ng mga Brilyante upang kunin ang mga makapangyarihang armas nagtagumpay nga ang tatlong Sangre sa pagkuha ng mga ito saka nagtungo sila sa punong bulwagan kung saan naroroon si Pirena upang ipakita ang mga sandata.
Pagkatapos ay sumigaw ang isa sa mga kawal ng "Mga vedalje!"saka nagbalik si Pirena sa kanyang dating wangis.
PIRENA:Sadyang napakatanga pa rin ninyo!
Pagkatapos ay nilusob ang magkakapatid na Sangre ng mga bantay at nilabanan nila ito gamit ang kanilang mga sandata habang ang apat na Rama ay napapalaban din sa labasan ng palasyo sapagkat may nakakita din sa kanilang mga bantay.
Nang maubos ng mga Hara ang mga kalaban sa loob ng palasyo ay nag-ivictus sila kaagad patungong labasan upang puntahan ang kanilang mga kabiyak nang nakita nila na napapalaban din ang mga ito ginamit na ni Alena ang kanyang brilyante upang lunurin ang mga kalaban saka lumapit ang mga sa mga Rama saka nag-ivictus sila pabalik sa Nathaniel.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)
FantasiBAGONG BUHAY,BAGONG MISYON, BAGONG MUNDO, AT BAGONG PANGANIB MAGTATAGUMPAY PA RIN BA ANG LIWANAG LABAN SA KASAMAAN?