PAGBALIK SA NAKARAAN

209 1 0
                                    

GENERAL'S PROVERBS

TAGAYTAY HEIGHTS

Malalim na ang gabi at natutulog na ang lahat nang biglang may liwanag na pumasok sa silid ng mga Hara at Rama hindi nila batid kung saan ito nanggagaling.Dahil sa liwanag na iyon ay nagising silang walo mula sa pagkakahimbing at nawala ang liwanag sa kanilang paningin pilit nilang sinundan ito nang saganon ay malalaman nila kung saan ito nanggagaling napansin nila na patungo ito sa kanilang hardin at nang nilapitan nila ang kakaibang enerhiyang iyon ay kinain sila nito at dinala sa nakaraan.

ANG LUMANG ENCANTADIA LUPAIN NG MGA DIWATA

PIRENA'S PROVERBS

Bigla kaming nawalan ng malay kanina at nang magising kaming lahat ay nasa Encantadia na kami ngunit parang may mali sapagkat ang lupain kung nasaan kami ngayon ay ang Kaharian ng Lireo ngunit hindi pa ito natatayo nang tiningnan ko ang paligid ay nasa isang kubol kami na hindi namin alam kung kanino ito suot pa rin namin ang aming kasuotang pang-tao nang lumabas kami sa kubol ay pinagtinginan kami ng mga diwata.

DIWATA:Avisala,mabuti naman na nagising na kayo nakita kayo ng aming mga kasamahan na nakahandusay sa kagubatan kaya dinala nalang kayo dito,siya nga pala saan kayo galing at ano ang inyong ngalan?

PIRENA:Avisala eshma sa inyong kabutihan diwata,ako nga pala si Pirena ang panganay sa aming magkakapatid.

AZULAN:Avisala ang ngalan ko ay Azulan.

AMIHAN:Ako si Amihan ang pangalawa sa magkakapatid.

YBRAHIM:Avisala po ako ay si Ybrahim

ALENA:Alena ang aking ngalan pangatlo sa magkakapatid.

MEMFES:Ako naman si Memfes.

DANAYA:Danaya ang aking ngalan ang bunso sa magkakapatid.

AQUIL:Ako naman si Aquil.

AZULAN:Tungkol po sa inyong katanungan ay nanggaling kami sa malayong lupain,kayo po ano ang inyong ngalan?

DIWATA:Ako ay si Ornia.

AMIHAN:Ornia,di ba po ikaw ang yna ni Cassiopea at Agatha?

Kumunot naman ang noo ni Ornia at tila nagtataka ito.

ORNIA:Oo ako nga ang Yna ni Cassiopea at Agatha paano mo nalaman iyon?

PIRENA:Pagpasensyahan niyo na si Amihan sadyang madaldal lang talaga siya.

Kinunotan naman ako ng noo ng aking kapatid habang ang iba kong mga kasamahan ay nagpipigil ng tawa.

ORNIA:Ayos lang iyon,kumain muna kayo may paneya dito at mga prutas maupo na kayo dito.

Saka lumapit naman kami sa lamesa tapos umupo na.

DANAYA:Sige po tamang tama nagugutom na ako, avisala eshma po ha.

AQUIL:Ikaw talaga Danaya wala ka pa ring pagbabago pagdating sa pagkain.

DANAYA:Ssheda Aquil! (Saka umirap ito)

ALENA:Tama na iyan baka magkapikunan pa tayo kumain nalang tayo.

Kumain na kami pagkalipas ng minuto ay nagkakagulo na ang mga diwata sapagkat sinugot ang kanilang kuta mga kawal Etherian.

ORNIA:Mga Etherian!

YBRAHIM:Tanakreshna nasaan po ang inyong mga sandata pagkat tutulong kami sa pakikipaglaban.

ORNIA:Sigurado kayo?

MEMFES:Opo kaya ituro niyo na sa amin kung nasaan ang mga ito.

ORNIA:Halika kayo, sumunod kayo sa akin.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon