PAGBABALIK NG KAMBAL

264 0 6
                                    

SA NAKARAAN

KINAGABIHAN SA LUPAIN NG MGA DIWATA

GENERAL'S PROVERBS

Matapos ng mahabang panahon ni Cassiopea at Agatha sa piling ni Evades ay sa wakas makasama na rin nila ang kanilang mga magulang na si Ornia at Memeng sa di kalayuan ay sinalubong agad sila ng mga ito saka nagkaroon ng kaunting pagdiriwang pagkatapos ay pinakilala ng magulang ng kambal sina Pirena hindi pa man nakapagusap si Cassiopea sa magkakapatid na Sangre at mga Rama batid niya na kung ano ang nangyayari sa kanila.

ORNIA:Matagal na panahon kayong wala sa aming tabi mga anak maari ba kayong magkwento tungkol sa mga naganap sa inyo?

CASSIOPEA:Oo naman Yna,sinasanay kami kung paano makipaglaban at kung paano gagamitin ang aming kapangyarihan ni Aldo Evades.

MEMEN:Mabuti naman kung ganon at alam ko na bihasa na kayo sa pagamit ng inyong kapangyarihan.

AGATHA:Oo nga po,ayon sa propesiya ni Aldo Evades na darating ang panahon na magiging malaya ang mga diwata sa tulong ng dalawang makapangyarihang diwata at kami iyon ng aking kakambal.

ORNIA:Kamangha-mangha kung ganon ay kayong dalawa ang isa sa mga makapangyarihang diwata dito sa Encantadia kung ganon man ay ipinagmamalaki ko kayo mga anak!

MEMEN:Tama ang inyong Yna natitiyak ko na magiging malaya din tayo sa mga Etherian at ipinagmamalaki ko din kayo mga anak!

CASSIOPEA AT AGATHA:Avisala eshma Ama,Yna!

Pagkatapos ay nagyakapan silang apat ilang sandali ay ay kinausap ni Agatha si Pirena.

AGATHA:Ikaw,Pirena saan ba kayo nanggaling paano kayo nakarating dito?Halata naman na bago lang kayo dito tama?(Sarkastiko niyang sabi)

PIRENA:Nanggaling kami sa malayong lugar mahabang salaysayin kung paano kami napadpad dito tama ka na baguhan lang kami ngunit marami na rin kaming naitulong dito kahit tanungin mo pa sila Nanang at Tatang.(Sabi niya na may halong sarkistiko din sa kanyang tono) Warka..(Pabulong niyang sabi)

AGATHA:May sinabi ka ba?

PIRENA:Wala naman natutuwa akong makikilala kayo.

ORNIA:Mabuti pang kumain na tayo.

Pagkatapos nilang kumain ay nag-uusap sila tungkol sa mga bagay-bagay ay biglang natigilan si Cassiopea.

AMIHAN:May problema ba Cassiopea?

CASSIOPEA:Nakikita ko na may kalabang paparating,kailangan nating ilagay sa ligtas na lugar ang mga kababaihan at mga nagdadalang diwata.

ALENA:Sige tutulong kami nang saganon ay magiging mabilis ang ating gawain.

CASSIOPEA:Avisala eshma Alena.

Saka umirap naman sa Hangin si Agatha.

DANAYA:Kagaya kanina ay kailangan nating maghiwa-hiwalay.

Pagkatapos ilikas ng mga kakababaihan at mga bata ay naghahanda na ang lahat upang harapin ang mga kawal Etherian saka nagpalit na ng gayak pandigma ang magkakapatid na sangre at mga Rama.

AQUIL:Estasectu!

Nang walang pag-aalinlangan ay sinugod na sila ng mga Kawal Etherian saka nilabanan naman nila ang mga ito gamit ang kanilang mga sandata nang dahil nga napakarami ng bilang ng mga Etherian ay hindi nila ito nakayanan sapagkat kaunti lamang ang kanilang bilang ginamit nga ng mga Hara at Rama ang kanilang kapangyarihan pati na rin ni Cassiopea at Agatha ngunit hindi pa to din ito sapat kaya nasakop ng tuluyan ang kanilang lupain saka naisipan nalang ng mga diwata na umatras at puntahan ang kanilang ibang mga kasamahan upang magtungo sa isla ni Evades kung saan nagsasanay si Agatha at Cassiopea nang saganon ay hindi sila matunton ng mga kalaban.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon