KAHARIAN NG LIREO
ALENA'S PROVERBS
Kanina pa ako paikot-ikot sa palasyo ngunit hindi ko nakita ang ang aking bunsong kapatid at si Aquil tinatawagan ko na rin sina Pirena at Amihan kung nagtungo pa sila sa Hathoria o kaya sa Sapiro ngunit ang tanging sagot lang nila ay hindi nagtungo sa kanila si Danaya at Aquil kaya nagsimula na akong mag-aalala sa dalawang iyon.
ALENA:Danaya saan ba kayo? (Sabi ko sa aking sarili na may lalong pag-aalala)
Mabuti naman nakasalubong ko si Nunong Imaw at tinatanong ko kung ano ba ang nangyaro aking kapatid at kay Aquil ang pinapakita lang ng kanyang tungkod ay nagtungo dito si Cassiopea at sumama sila sa Bathaluman at nakahinga ako ng maluwag sapagkat ligtas silang dalawa.
Kaya naisipan ko nalaman bumalik sa silid tanggapan upang tapusin ang aking gawain bago magpahinga.
KINABUKASAN
KAHARIANG NATHANIEL
CASSIOPEA'S PROVERBS
Nang walang agam-agam ay nagtungo agad ako sa kahariang Nathaniel upang ibalita ni Aquil at Danaya ang tungkol sa pagpapadala ng imbetasyon sa apat na kaharian nang saganon ay makilala ng buong mamamayan ng Encantadia ay bagong Hara at Rama ng Nathaniel at maging saksi sa koronasyon ni Danaya at Aquil.
Pagdating ko sa palasyo ay dumeretso na agad ako sa hapag natitiyak ko na nandoon sila upang kumain ng agahan.
ALL:Avisala Bathaluman!
CASSIOPEA:Avisala,di na ako paligoy-ligoy pa naparito ako upang ipaalam sa inyo na kailangan natin padalahan ng imbetasyon ang apat na kaharian nang saganon ay makilala ng buong Encantadia sina Danaya at Aquil bilang bagong Hara at Rama ng Nathaniel!(Masiglang sabi ng Bathaluman)
DANAYA:Kung iyan ang iyong nais Bathaluman maganda iyan nang saganon ay malaman na rin ng buong encantadia ang tungkol rito.
AQUIL:Kami na rin ang magsasa kay Irah na magtungo sa apat na kaharian upang magdala ng imbetasyon ngayong gabi..
CASSIOPEA:Avisala eshma Hara,Rama..
ANGELO:Yna ikumusta niyo nalang po ako kay Ama..
CASSIOPEA:Makakaasa ka anak,siya nga pala pinasabi niya sa akin ay nasasabik na siya sa iyo..
ANGELO:Sabihin niyo na rin po na nasasabik na din ako kay Ama..
CASSIOPEA:Sige sasabihin ko sa iyong ama na nasasabik ka na sa kanya.
ANGELO:Avisala eshma Yna.
Tumango naman ako bilang pag-sangayon.
CASSIOPEA:Poltre,kailangan ko ng bumalik ng Devas.
AQUIL:Sige Bathaluman,nag-ingat ka
Saka nag-ivictus pagbalik ng Devas.
GENERAL'S PROVERBS
KAHARIAN NG HATHORIA
Nasa silid tanggapan na ang Hara at Rama nagbabasa ng mga kalatas na dapat lagdaan ng sa gitna ng kanilang pagiging abala ay naramdaman ng Hara ang presensiya ng Mashna.
PIRENA:Mashna may nais ka bang sabihin?
ERES:Poltre Hara kung nadistorbo ko kayo ng Rama, may kaharian kasi na nagpadala ng imbitasyon para sa isang kasiyan.
Saka ini-abot ng Mashna ang imbetasyon at kinuha naman agad ito ng Hara.
PIRENA:Avisala eshma Mashna,makaalis ka na.
Yumuko ito sa Hara at Rama at naglakad palayo.
AZULAN:Kasiyahan sa aling kaharian?(Sabi ng Rama habang lumapit siya sa Hara)
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)
FantasyBAGONG BUHAY,BAGONG MISYON, BAGONG MUNDO, AT BAGONG PANGANIB MAGTATAGUMPAY PA RIN BA ANG LIWANAG LABAN SA KASAMAAN?